"Patawarin mo ako Kit." Sabi ni mama. Kausap ko siya habang nag aayos ako ng gamit. Lunes ngayon at hindi ako pumasok sa school. Ngayon ang punta ko sa bahay ng papa ko.
"Huwag na po kayong humingi ng tawad ma. Kahit anong mangyari, mama ko pa din kayo. Kayo lang kaya ang nagtiis sa akin, aarte pa ba ako?" Pabiro kong sabi sa mama ko.
Kahit alam ko na ang totoo hindi dapat ako magtanim ng galit sa kanya. Oo, sa una, magagalit talaga ako kasi normal naman iyon pero look at the brighter side, naging maayos at masaya naman ang buhay ko nung panahon na kami lang ang magkasama. At nagpapasalamat ako na kahit pasaway ako sa kanya, naitaguyod niya ako ng maayos ng mag isa lang siya.
"Anak, ngayong alam mo na ang totoo, sana walang magbago." Hinawakan ni mama ang kamay ko. Ganun din ako sa kanya.
"Promise mama. Walang magbabago. Kahit na pinapagalitan niyo ako kapag pasaway ako, walang magbabago. Yung bonding natin dati, ganun pa din hanggang ngayon. Promise po yan mama." Hindi na siya nakatiis kaya niyakap na niya ako.
"Mag iingat ka doon anak." Sabi niya sa akin bago kumalas.
"Opo ma. Babalik din po ako agad. Ayoko din pong mawalay ng matagal sa inyo."Sabi ko sa mama ko bago lumabas ng kwarto. Sa may sala nag aantay ang Papa ko.
"Ok na po. " Sabi ko dito.
"Ingat anak." Bakas sa mukha ni mama ang lungkot sa pag alis ko. Sumakay ako sa kotse ng papa ko at pina andar niya iyon.
"Salamat, anak." Sambit ng papa ko.
"Wala pong anuman." Tipid akong ngumiti.
First time sa buhay ko na mawalay sa mama ko. Pero kailangan ko itong gawin para makasama ko iyong nissing part ng buhay ko--yun ay ang Papa ko.
Nakaramdam ako ng galit sa kanya nung una, base sa kwento ni mama ay pinabayaan niya kami ng nanay ko pero naiintindihan ko naman na ang lahat ng bagay sa mundo ay may dahilan. Think positive lang ako. Ayokong mag isip ng mga hindi magaganda. Nakakapanget daw kasi iyon.
"Nandito na tayo." Bumaba na ako ng kotse at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
Wow. Bahay pa ba ito? Ang laki naman. Walang sinabi yung inuupahan naming bahay ni mama.
Maya maya ay may lumabas na mga maid.
"Welcome home, señorita." Bati nila sa akin at kinuha yung bag na dala ko.
"Ay. Ako na po. "Sabi ko sa kanila.
"Ma'am, kami na po ang magbibitbit." Sabi naman ng isa.
"Kit. Ibigay mo na. Tungkulin nila yan." Hindi na ako umarte pa kaya binigay ko na.
Tinignan ko muli ang malaking bahay.
"Welcome sa Mansyon anak." Nakangiting pahayag ng papa ko.
"Let's go inside." Tumango lang ako at pumasok na kami sa loob.
Pagpasok namin sa loob ay para akong nasa ibang demensyon. Parang nasa ibang bansa. Ang ganda ng design at napakalawak ng mansyon. May dalawang nagagandahang hagdan na sasalubong sayo at sa gitna nun ay may malaking statwa ng gods ata yun. Yung mga nakikita sa ibang bansa parang ganung statwa.
Hindi rin pinalampas ng mata ko ang naggagandahang painting at portrait sa mga pader. Mukha na tuloy museo ang bahay na ito sa dami ng painting.
"Gusto mo ba malaman kung paano kami nagkakilala ng mommy mo?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami.
"Pa..paano po?"
"Nagkakilala kami sa isang music museum. Habang tumitingin ako ng mga lumang instrumento na nakadisplay doon, nakita ko ang mommy mo. Ang ganda niya. Para siyang anghel sa ganda. Simula noon, hindi ko na siya pinakawalan pa. Pinakilala at pinakasalan ko siya kahit labag kay Mama. " Kwento ni papa habang naglalakad kami.
"Natuwa nga ako ng malaman kong buntis siya at kambal ang magiging anak namin. Hanggang sa manganak siya ng dalawang nag gagandahang prensesa. At dahil sa isang music museum kami nagkakilala, napag isipan naming doon nalang kunin ang pangalan niyo. Ikaw, Kitarah mula sa instrumentong Gitara at si Harmonica sa instrumentong Harmonica." Paliwanag ni Papa.
Harmonica.
Tama. Si Harmonica.
Bakit hindi ko naisip na may ugnayan ang pangalan naming dalawa?
"Pero, isang araw. Muntik ng bumagsak ang kompanya kaya ang tanging solusyon ay ang puntahan ko ang business natin sa Italy at doon, naiwan ko na kayong mag iina. Nabalitaan ko nalang na umalis kayo ng mommy mo sa bahay at tanging si Harmonica lang ang naiwan sa akin. Lugmok na lugmok ako ng mga panahong iyon. Naisalba ko nga ang kompanya pero ang sarili kong pamilya hindi." Malungkot na pahayag ng Papa ko.
"Ok lang po yun papa. Hindi na po importante ang nakaraan, ang mahalaga ay yung kasalukuyan. At kahit anong gawin ng mundo na paghiwalayin man tayo, magkikita at magkikita pa din tayo." Sabi ko kay papa.
"Kaya nga nandito ako, gusto kong bumawi sayo. Salamat at pinagbigyan mo ako." Ngumiti ako ng malapad.
"Did I missed some event here?" Mala anghel na boses ang narinig ko mula sa likod namin.
Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko.
"Harmonica." Tawag ni papa.
Unti unti akong lumingon sa gawing iyon at pinakatitigang siyang mabuti.
Ang ganda niya. Binigyan niya ako ng magandang ngiti. Lumapit siya sa akin at pinantayan ako.
Hindi ako makapaniwala. Parang nananalamin lang kasi ako.
May ibang aura akong nararamdaman sa kanya. At yung mga kwento ni Jiro at Errol sa akin ay totoo.
"Kit, right?" Tanong niya. Pati sa pagsasalita mala anghel. Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.
At sa wakas, Nagkita din kami.
Ang kambal ko--si Harmonica.
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Fiksi RemajaAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...