Chapter 51

3.3K 70 2
                                    

"Ikaw ha. Hindi mo sinasabi sa akin na may lovelife ka na. Matagal na ba kayo ng Bestfriend ko?" Tanong sa akin ni Nica. Wala na ang Black Knife kaya malaya na kaming makapag usap ng kami lang.

Oo nga pala, childhood bestfriend nga pala niya si Errol.

"Ano ka ba Nica, hindi kami. Magkaibigan lang kami." Yung tingin nya sa akin ay yung hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.

"Asus! Bakit ang sweet niya sayo?" Makulit din siya ano?

"Hindi nga. Promise. Kaibigan lang talaga." Ngumiti siya sa akin na parang sinasabi niya na naniniwala na siya sa akin.

"Alam mo, si Errol, mabait yon. Sa kanilang grupo siya ang pinakamabait at tahimik. Hindi ko nga alam kung paano siya nakasama sa grupo na yan. Minsan nga pinapagalitan ko siya kapag nalalaman ko na nakikipagbugbugan na naman sila sa labas ng school..." Kwento niya sa akin.

"At dahil sa kanya, nakilala ko si Kiefer. Noon, ayoko sa kanya dahil gangster siya pero habang tumatagal nagugustuhan at napapamahal na ako sa kanya. " Haay.. Nasabi nga sa akin ni Errol yan. Naging tulay siya sa relasyon nila ni Nica.

Nagkukwentuhan pa kami ng biglang dumating si Papa. Sinabi sa kanya ng doktor na pwede ng ilabas si Nica sa Ospital pero kailangan lang ng ingat at iwasang ma-stress at magalit.

"Haay.. Ayoko talaga ng Ospital. " Sabi niya ng makauwi na kami sa mansyon.

Kahit sino naman ayaw talaga sa Ospital. Maliban sa mga nagtatrabaho dun, kailangan nila iyon e.

"Welcome Home Apo." Salubing sa amin ni Mamita. Niyakap niya si Nica. Naghapunan na din kami ng sabay sabay bago natulog.

Nasa kwarto ako at nakahiga sa kama ko. Nakatingin lang ako sa puting kisame ng kwarto.

Kailangan ko ng magsimula ulit.
Kailangan ko ng mag move on.
Kailangan ko ng ibalik ang dating ako.
Yung masayahin, laging positive sa buhay at pilosopo.

Ipinikit ko ang mata ko.
Bukas, bagong umaga at bagong simula.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Ilang araw na akong hindi pumapasok at namimiss ko na ang mag aral. Kahit hindi naman ako pala aral.

Matapos kong maligo at magbihis ng uniform ay bumaba na ako ng kwarto ko. Tumungo ako sa dinning area para saluhan sila sa pagkain ng agahan.

"Good morning!" Masaya kong bati. Nandoon si Papa, Mamita at Nica.

"Good morning" sabay na bati ni Papa at Mamita.

"Good morning sis." Bati naman ni Nica.

Naatingin ako sa suot niya. Sandali ay naging seryoso ang mukha ko pero nagawa ko pa ding ibalik sa pagkakangiti bago ako umupo.

"Nakapagdesisyon na ako na babalik na ako sa school." Pahayag niya.

"Good to hear that Hija. " sabi ni Papa.

"Opo daddy. May kasabay na din kasi akong pumasok." Tumingin siya sa akin. Ngumiti ako.

"Nakakaexcite. Papasok na ako at kasama ko pa ang kapatid ko sa pagpasok ko." Masaya niyang pahayag.

"Hija. Wag kang masyadong masaya diyan baka may mangyari sayong hindi maganda. Tandaan mo, kakalabas mo palang ng Ospital." Paalala naman ni Mamita.

"Sorry po. Hindi ko po maiwasan e." Sabi niya.

Matapos naming kumain ay sumakay na kami sa sasakyan para makapasok na sa school.

"So excited. Namiss ko talaga ang school." Sabi niya sa akin. Ang cute naming tingnan. Lalo kaming nagmukhang kambal dahil sa uniform na suot namin.

Nang pumasok kami ay konti nalang ang naglalakad papasok sa school kaya hindi kami masyadong napapansin. Dumiretso muna kami sa Administration Office. May mga gagawin pa kasi siya bago makapasok sa room.

Parehas kami ng room na papasokan.

"Ahm.. Ano kaya kung mauna ka na Sis. Kasi baka tumagal ito ng fifteen minutes. Baka malate ka."

"Si..sigurado ka? Kasi..."

"Oo. Ok lang ako dito. Wag ka ng magworry." Tumango ako at lumabas na ng Admin. Office.

Naglalakad palang ako papunta ng room ay nakaramdam na naman ako ng kaba.

nang tuluyan na akong pumasok ay nagsitahimik ang lahat. Ang kaninang tawanan sa loob ay napalitan ng katahimikan at sila ay nakatingin sa akin.

"Ay? Ano ba yan. Ang saya saya natin nung wala siya, bigla pang dumating." Sabi nung isa.

"Akala ko nagdrop na siya. "

"Buhay pa pala yan."

"Kapal ng mukha."

Hindi ko nalang pinansin pa ang pinagsasasabi nila at dumiretso nalang ako sa upuan ko.

Ilang minuto lang ay dumating nadin si Kiefer pero hindi siya umupo sa tapat ko. Pinalipat niya yung nasa unahan na lalake sa likod at doon  siya naupo.

Nakita ko na Pinagtitinginan ako at si Kiefer ng mga kaklase namin. Nakita ko ding wagas ang ngiti ni Quinie sa nakikita niya ngayon.

Maya-maya ay dumating na ang teacher namin. May kasama siyang janitor na may dalang upuan at inilagay iyon sa unahan.

Nagkaroon tuloy ng bulong-bulungan sa room.

"Tahimik!" Saway ng guro.

"Ngayong araw ay may bago kayong makakasama. Bagong kaklase. Be good to her. Hija. Pasok ka na." Sabi ng guro.

Parang nag slow motion ang paligid ng lumakad na papasok ang bagong studyante.

Bakas sa mukha ng lahat ang pagkagulat at hindi makapaniwala sa nakita.

"Harmonica?" Tukoy ng ilan.

Sinuklian lang sila ng ngiti ni Nica at yung iba naming kaklase ay napapakurap pa at yung iba tumitingin sa akin.

Oo. Magkamukha kami.

Kambal kasi kami.

A Gangster's First Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon