"Oh! Mabuhay ang bagong kasal!" Sabi ni Inigo. Naka bagong kasal position kasi kami dahil sa pagkakahulog ko na siya pala ang nakasalo sa akin.
"Aray!" Bigla ba naman akong bitawan ng makita kami ng mga katropa niya.
"Hahaha!grabe pare! Nakakatawa yung reaksyon ng mukha niya! Kung nakita niyo lang haha.." Sabi naman ni Nico. Tumayo ako at pinakatitigan siya ng mabuti.
"Anong problema niyong tatlo ha? Hindi magandang biro yung ginawa niyo kanina. Paano nalang kung natumba nga ako at nahulog sa sahig at mabalian ako ng buto? Ipapa-Ospital niyo ba ako? Alam kong mayaman kayo at afford niyo yun pero sana watch your action! " Para akong teacher na nanenermon sa studyante.
"Grabe K. Tama ka nga. Ang daldal niya."-Nico
"Hindi ko kaya ang ganyan." sabi naman ni Inigo habang nakataas ang kamay na parang suko na.
"At ikaw naman? Bakit ngayon ka lang ha? Dapat kanina ka pa dito at tinutulungan ako. Parehas lang naman tayong nadetention ha? Hindi porke anak ka ng may ari ay ganyan ka na gkbghbuh..." Tinakpan niya ang bibig ko.
"Pwedeng tumigil ka na sa panenermon? Nakakairita!" Sabi naman niya.
"Hanep! Parang mag asawa lang kung mag away ah?" Sabay kaming napatingin ni Kiefer kay Inigo na parang sinasabi ng mata ko na manahimik siya kundi gigilitan ko siya sa leeg! Nag zip naman siya ng lips niya na sign na mananahimik na siya.
"Sige K. Alis na kami ni Inigo. Para masolo mo siya. At makapag bonding kayo. Haha. Enjoy. Masarap yan!" Kumindat sa akin si Nico. Ano raw? Masarap? Ewww! Ayokong isipin yung gustong ipaisip sa akin ni Nico pero yuck ha! Napakaplayboy talaga! Nakakakilabot.
Binitawan niya na ako ng iwan na kami ng dalawa niyang kaibigan.
"Oh ayan! Basahan! Simulan mo ng magpunas dyan!" Binato ko sa kanya yung hawak kong basahan. Meron pa naman akong extra dito.
"What? This? Ang dumi na nito." Tss. Arte!
"Edi gamitin mo yung uniform mo pang punas kung nadudumihan ka. Arte nito. " Tss.. Daig pa ang babae sa kaartehan.
"Where are you going?" Tanong niya nung papalayo ako sa kanya.
"Sa kabilang shelf. Naiirita ako pagnakikita ko pagmumukha mo." Naiinis kasi ako sa trip nila. Konti nalang aatakihin na ako sa puso sa ginawa nilang iyon.
Nasa kabilang dulo ako ng Shelf. Tahimik lang akong nagpupunas ng mga libro doon. Ayokong may makausap o kung ano man. Matapos ang isa't kalahating oras ay tumungo na ako sa gawi niya para makauwi na ako at maisara ko na itong library.
Nang puntahan ko siya. Aba, prenteng nakahiga sa lamesa. Grrr!!! Iniinis talaga ako ng lalakeng ito.
"Are you done? Pwede na ako umuwi?" Napapikit nalang ako ng mata at napabuntong hininga.
Kahit kailan, wala siyang naitulong. Kung nagpunas lang siya edi konti nalang ang gagawin namin sa mga susunod na araw. Nakakabanas talaga.
Bumangon ito at nag unat unat pa. Kapal talaga ng apog!
"Mauna na ako ha" Lumabas na siya ng hindi man lang ako hinayaang magsalita. Pasaway! Mas maganda pa atang hindi nalang sya pumunta. Wala namang naitulong.
Sumilip pa ito at may pahabol na sinabi.
"Nga pala, totoo yung kwento dito sa library."
Lah? Bigla akong kinilabutan.
"Wuy! Sandali! Kiefer! Antayin mo ako!" Nakita kong napatigil siya sa paghakbang pero nakatalikod pa din.
Kahit matapang at masungit ako, pag usapang multo o aswang, natatakot ako.
Lumabas na din ako at niLock ang pinto ng Library.
"Ayan. Ok na. Let's go." Sumabay na ako sa paglakad niya pababa ng library. Himala. Tahimik siya at di niya ako iniwan.
"Ahm.. Kiefer. Sorry pala." Bigla siyang napahinto sa sinabi ko at nilingon ako. Yung mukha niya, poker face lang.
"Kasi.. Nalaman ko na hindi ikaw yung naglagay ng ice cream sa upuan ko. Nasapak pa kita dahil sa maling akala. Ikaw kasi. Nagpakita ka pa sa akin na kumakain ng ice cream ayan tuloy.."
"Sorry? Huh.. Tingin mo tatanggapin ko ang sorry mo after what you did to me?"
"Kaya nga nagsosorry e. Hindi ko sadya. Hindi naman ako katulad mo na mananapak ng walang dahilan o trip lang."
"Unbelievable.." Bulong niya sa sarili niya pero narinig ko yun.
"Ako na nga itong nagpapakumbaba e." Tumingin siya sa akin ng masama.
"Bahala ka sa buhay mo." At ayun. Nag walk out na naman siya. Hilig mag walk out ah. Pansin ko lang.
Binilisan ko ang lakad ko para maabutan ko siya. Malapit na din kami sa gate.
"Alam mo. Ang yabang mo talaga! Hindi ko alam kung bakit at paano ka nagkaroon ng mga kaibigan diyan sa pag uugali mo. Kung may dapat magalit ako dapat yun dahil ang dami mong ginagawang kalokohan sa akin. Pinaliguan mo ako ng coke, Binato nila ako ng Tinapay, pinaliguan pa ako ng tubig. Kaya dapat ako ang nagagalit. Diyan ka na!" Nauna na akong naglakad sa kanya. Iniabot ko na din ang susi ng library kay manong guard bago tuluyang lumabas ng gate.
"Kabwisit! " singhap ko habang naglalakad sa kalsada. Nakakaasar talaga! Medyo malayo nadin ako sa gate ng school at napagtuunan ko ng pansin yung bato. Sinipa sipa ko yun habang naglalakad.
Maya-maya ay may tumigil na Van sa harap ko at may bumabang mga kalalakihan na nakamaskara.
"Sino kayo?" Hindi nila sinagot ang tanong ko at pilit akong sinasakay sa sasakyan nila.
"Ano ba! Bitawan niyo nga ako.Tulong! Kinikidnap ako! Tulong!" Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak nila. Pinipigilan ng paa ko yung pagsakay nila sa akin sa van.
Napalingon ako sa likod at nakita ko si Kiefer na naglalakad ng nakayuko.
"kiefer!!!" Sigaw ko dito. At sa wakas! Napansin niya ako.
"Ano ba? Ipasok niyo na yan! " sabi nung driver nila na naka mask din.
"Kiefer!!! Tulungan mo ako!!!" Sigaw ko. Nakita kong patakbo na siyang pumunta sa pwesto ko pero nagulat ako sa sunod na nangyari. Tinakpan ng panyo ang ilong ko at nakaramdam ako ng hilo.
"Kiefer.." Mahina kong sabi at nawalan na ako ng malay.
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Teen FictionAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...