I love you, Kit...I love you, Kit...
I love you, Kit...
Ano ba! Erase ! Erase ! Erase!
Sa sinabing iyon ni Kiefer hindi ako nakatulog ng maayos kaya heto medyo puyat.
Bumangon na ako para maligo at kumain dahil may pasok pa ako. Lumabas na ako ng kwarto at laking gulat ko ng may makita akong madaming bulaklak sa sala.
"Ma? May patay ba tayo? Bakit ang daming bulaklak?" Tumingin ako sa kusina at nakita ko si mama na naghahanda ng pagkain. At tumingin uli ako sa sala. Nakita kong nakatayo si Kiefer doon.
"Good morning!" Masigla nitong sabi.
*dub dub dub dub
*dub dub dub dub"Ano ka ba Kit. Wala tayong patay! Pero merong patay na patay sayo!" Ang aga aga ng pang aasar ng nanay ko.
"Halika na. Kumain na tayo ng agahan." Tumungo na ako sa kusina at napanganga ako sa nakahanda.
"Ma? Niluto mo lahat niyan? Saan ka kumuha ng pambili?"
"Ano ka ba anak, order yan sa labas ni Son in Law." Son in Law? Tumingin ako kay Kiefer.
"Anong sinabi mo sa nanay ko ha?"
"Wag ka ng pabebe diyan anak, alam ko na ang lahat. " kinikilig kilig pang sabi ni Mama.
"Oh. Siya. Kumain na tayo at baka lumamig pa ang pagkain." Hindi na ako tumanggi at kumain na kami. Medyo naiilang lang ako dahil sa lalakeng katabi ko.
Parang ibang katauhan ang nasa tabi ko.
"Masarap ba ang breakfast?" Tanong niya. Tumango nalang ako.
Kainis! Ang bait niya! Hindi ako sanay.
"Sabay na tayong pumasok sa school." Napatingin ako sa kanya.
"Ahm.. Ano. Mauna ka na.." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng sipain ako ni mama sa ilalim ng lamesa. Tumingin ako kay mama at nilakihan pa ako ng mata.
After doing my stuff, wala na akong nagawa kung hindi ang sumabay sa kanya. Binuksan niya ang pinto ng kotse.
"Ano..Kiefer. Hindi kasi ako sumasakay pag umaga papunta ng school. Naglalakad lang ako. Heto na din kasi ang exercise ko." Sinara niya ang pinto. Galit ba siya?
"Ok. Sasamahan nalang kitang maglakad." Nanlaki ang mata ko.
"Ha? Ah.. Baka manakaw yang sasakyan mo dito kapag iniwan mo, sige ka. Mawawalan ka ng sasakyan."
"It's ok. May madami pa naman akong sasakyan sa bahay." Sabi niya with confident.
"Alam mo. Medyo malayo yung school sa bahay, baka pagpawisan o kaya mapagod ka sa paglala..."
"What are you trying to say?" Singit niya. Galit na ata.
"Iniinis mo ba talaga ako? You know what I'm trying my best para maging mabait sa harap mo at ikaw itong pilit akong iniinis? Nanandya ka ba?" Sabi ko na. Pakitang tao.
"Sabi ko na nga ba. Imposible talagang maging mabait ka. Hindi bagay sayo."
"Kaya nga I'm trying..para ..para magustuhan mo din ako." Naiilang niya pang sabihin.
Tss..
"Akin na nga yang gamit mo. Ako na ang magdadala." Hindi niya man lang ako pinasalita dahil kinuha niya ang bag-pack ko at sinukbit sa balikat niya.
"Akin na. Hindi naman mabigat yang gamit ko para dalhin mo pa."
"No. It's my duty." Duty? Ano sya Guard at may duty siya?
Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinawakan niya ang kamay ko. Mahigpit na hawak.
*Dub dub dub dub
*Dub dub dub dub"Let's go. Baka ma-late na tayo." At naglakad kami ng nakaholding hands.
Awts..
Nakakahiya..
Pinagtitinginan kasi kami. Lalo na ng dumating kami sa school. Pinagtitinginan at pinagbubulungan kami.
Hanggang sa pagpasok sa room ay ganun ang posisyon namin. Nakita ko na naman ang matalim na tingin ni Quinie at ng alipores niya sa akin.
"Guys." Bigla siyang nagsalita sa harapan, syempre kasama ako.
Lahat naman sila nagpay attention.
"Don't you ever dare to touch my girl or else, maghanap na kayo ng paglilibingan niyo. Naintindihan niyo?" Sabay sabay naman silang sumagot.
"Good." Humarap siya sa akin at ngumiti.
Umupo na kami ng dumating na ang teacher para magturo.
Himala? Hindi siya natulog sa klase at nakikipag participate sa discussion.
"Saan mo gustong maglunch?" Tanong niya sa akin matapos ang subject. Hindi na ako nakasagot ng hilahin niya na ako papunta ng Canteen. Nakita ko din ang Black Knife. Lalo na si Errol.
"It's official huh?" Tukso naman sa amin ni Nico.
"Congrats pre!" Sabi naman ni Inigo.
Tumingin ako kay Errol na busy sa pakikinig sa kanyang Ipad. Nakaheadphone kasi siya at parang walang paki alam sa presense namin.
"Umupo ka dito. Bibili lang ako ng kakainin natin" umupo na ako sa tapat ni Errol habang siya ay bumibili ng makakain.
Sinusulyap-sulyapan ko si Errol pero parang hindi niya ako nakikita.
"Here's your food." Iniabot niya sa akin ang pagkain ko at tumabi sa akin.
"Say ah." Sabi ni Kiefer sa akin habang naka-hang ang kutsara na may lamang pagkain. Ano ako bata?
"Ano ba Kiefer. Nakakahiya."
"Ok lang Kit. Masasanay uli kami." Sabi ni Nico.
"Bumabalik na naman ang isip batang Kiefer." -Fabio
"Isubo muna. Napapahiya na ako sa tropa ko." Hindi na nga ako nagreklamo pa at tinanggap ko ang isinubo sa akin ni Kiefer.
Bigla namang tumayo si Errol.
"Oh? Errol, saan ka pupunta?"
"Matutulog. Inaantok ako." Sabi niya sabay alis sa harap namin.
"Diko kayang tanggapin..." Kanta ni Inigo. Siniko naman kaagad siya ni Fabio.
"Don't mind them. Kumain ka lang. Want something?"
Bumuntong hininga ako.
Alam kong may problema si Errol. Naalala ko tuloy yung sinabi niya.
Gusto niya ako.
Di kaya? Nagseselos siya sa amin ni Kiefer?
"Ahm. Kiefer. Magbabanyo lang ako." Tumayo ako at tumungo sa banyo.Papasok palang ako sa cubicle ng banyo nang may humila sa akin at niyakap ako.
"Nahuli na naman ako..." Sabi niya.
"Ang hina ko talaga.." Hinayaan ko lang syang nakayakap. Naramdaman kong may tumulo sa balikat ko.
Umiiyak ba siya?
"Mahal din kita, Kit."
"E..errol.."
Ang hirap naman ng kalagayan ko.
Ano ng gagawin ko?
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Fiksi RemajaAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...