Chapter 45

3.1K 69 0
                                    


"Papa! mamita!" Napayakap ako sa kanila.

Tumawag si papa sa akin para sabihing isinugod nila sa ospital si Harmonica dahil nakita daw ng kasamabahay naman na ito'y nakahandusay sa sahig ng kwarto niya.

"Kamusta na siya Papa?" Napahilamos nalang si Papa.

"Hin..hindi pa lumalabas ng E.R. yung doktor. Hanggang ngayon ay hinahantay pa din namin." Sagot ni papa. Halatang galing ito sa opisina dahil sa suot niyang tie. Hindi rin mapakali si Mamita dahil kanina pa siya palakad lakad sa corridor ng ospital.

Ilang minuto lang ay lumabas na ang doktor galing sa E.R.

"Dok. Kamusta po ang anak ko?"

"Mr. Feleciano, Honestly hindi maganda ang lagay ng anak niyo. Masyado ng malaki ang butas ng puso niya at kailangan na siyang masalinan ng bagong puso para maging stable na siya pero kung wala pa po kayong donour, hindi ko po masasabi kung hanggang kailan na lang siya mabubuhay. I am sorry. I have to go." Nanlambot si Papa sa nalaman niya. Naiyak na lang din ako.

Maya maya pa ay inilipat na si Harmonica sa Private ICU.

Nakita ko ang pag iyak nila Papa. Kahit ako ay naiyak na din sa kalagayan ng kambal ko. Kahit sa maikling panahon palang kami nag uusap ay alam ko kung gaano siya kabait at masaying kasama. Kaya hindi ko masisisi kung nagustuhan siya ni Kiefer at ni Errol.

"Pa, ako nalang po ang magbabantay sa kanya dito." Sabi ko kay papa. Ilang oras na kami dito sa Ospital at alam kong pagod na siya galing work.

"Anak, may pasok ka pa bukas. Ako nalang ang magbabantay." Parang ayoko ngang pumasok e. Natatakot ako sa magiging reaksyon ko kapag nakita ko si Kiefer. Baka hindi ako makatiis.

"Ok lang po ako papa. Ako na po. May trabaho pa po kayo bukas. At isa pa, pagod na kayo. Ako na po magbabantay sa kapatid ko.." Naunawaan naman ni papa yung gusto ko kaya pumayag na siya.

"Apo, magpapadala nalang kami ng damit mo." Tumango ako. Hindi na sila nagstay pa ng matagal at umalis na din.

Nagsuot muna ako ng ospital gown bago pumasok sa ICU. Naiiyak ako ng makita ko ang itsura ng kambal ko. May mga aparato na nakakabit sa kanya. Tumabi ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Nica.. Pakatatag ka. Magbobonding pa tayo. Hindi ba? sabi mo magsha-shopping pa tayong dalawa..."Simula ng madala siya sa Emergency room hindi pa siya nagigising.

"May sasabihin ako, nagkaboyfriend ako pero baka hindi mo ikatuwa kung malaman mo sino siya kaya minabuti ko na hindi na ikwento sayo. Kilala mo siya Nica.. Kilalang kilala.." Hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil sa luha ko.

"Sorry Nica. Sorry kung yung taong minahal mo ay minahal ko din. Dapat nung una palang hindi na ako nagkagusto sa kanya. I'm sorry talaga..." Gusto ko siyang kausapin kahit alam kong hindi niya ako naririnig dahil sa tulog siya.

"Nica, si Kiefer. Siya yung tinutukoy ko. Pero, nakipaghiwalay na ako sa kanya kanina dahil.. Dahil ayoko ng ipagpatuloy ko pa ang lahat sa amin. Ayokong, masaktan ka kapag nalaman mo at ayokong mawala ka pag nangyari iyon.. Baka, ikamatay mo kapag nalaman mo. Sorry Sis." Naramdaman ko na gumulawa ang daliri niya. Napatigil ako sa pag iyak at tinignan siya.

Nakamulat na siya.

Narinig nya kaya ang pinagsasabi ko.

"Nica?" Nakita ko na may tumulong luha sa mata niya at nag iba na ang beep ng monitor niya.

A..anong nangyayari? Ba..bakit nag iiba ang heartbeat niya? Dahil ba sa sinabi ko?

Ano ba yan Kit! Ang tanga mo talaga! May sakit nga yung tao tapos sinabi mo pa iyon!

"Nica! Sandali. Wag kang ganyan!" Lumabas ako para tumawag ng nurse at doktor.
Nakahinga lang ako ng malawag ng sabihin ng doktor na stable na ang lagay niya at katulad ng kanina ay nakatulog uli siya.

Kasalanan ko ito. Dapat hindi ako nagsalita ng mga ganung bagay. Feeling ko narinig niya talaga kaya nangyari iyon.

Pumunta muna ako sa canteen ng Ospital para kumain. Pero parang wala din akong ganang kumain dahil sa pangyayari.

Paano kung hindi siya naagapan kaagad ng doktor? Kargo de konsensya ko pa yun.

"Kit?" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Anong ginagawa niya dito?

"Jiro. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Yung Mommy ko kasi sumama yung pakiramdam kaya pinaconfine din namin. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin.

"Nasa ICU ang kapatid ko." Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Kapatid? Akala ko ba dalawa lang kayo ng mama mo. May kapatid ka?" Oo nga pala. Hindi niya alam.

"Oo. At kilala mo siya." Ngumiti ako ng kaunti. Yung mukha niya puzzled pa din.

Akala ko ba matalino ito?

"Si Harmonica." Nakita ko ang pagkagulat ng mukha niya.

"Si.. Ha..harmonica?" Nanlaki pa ang mata nito. Tumango ako.

"Wow. Shocking." Sambit niya.

"Oo. Kahit ako nagulat. Kambal kami Jiro. " Hindi pa din nagbabago yung ekspresyon ng mukha niya.

"Alaman na ba ito ni.." Hindi ko na pinatuloy ang sasabihin niya dahil alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

"Hindi pa." Sabi ko sa kanya na may lungkot sa boses.

"Nabalitaan ko ang nangyari. Kalat na kalat na sa school ang break up niyo." Haay...

"Dahil ba kay Harmonica kaya ka nakipagbreak?" Tumango ako.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.

"Kit. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak mo kung bakit mo gianawa iyon pero sana hindi mo pagsisihan ito sa huli. " Hindi ko alam. Lutang ang isip ko. Bigla nalang akong nagdedesisiyon ng hindi nag iisip ng maigi. Siguro dala na din ng emosyon ko.

"Basta Kit. Tandaan mo, nandito lang anv bestfriend mo para damayan ka. Wag kang mahihiyang lapitan ako." Salamat at may kaibigan ako.

Niyakap ko siya bilang pasasalamat.

"Salamat Bestfriend." Kumalas ako.

"Your welcome girl bestfriend."

A Gangster's First Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon