Chapter 58

3.9K 80 0
                                    


"Kit. Bilisan mo! Baka hindi natin siya maabutan." Heto namang si Nica. Wagas makapagmadali.

Parang siya ang may flight ah?

Hehe.

Oo nga pala. Isang buwan na ang nakakalipas ng makalabas na ng Ospital ang Kambal ko. Ok na siya. Ok na ok. Sinisigawan na nga niya ako e.
Haha. Joke lang.

Masaya lang ako kasi tapos na yung paghihirap namin. Lalo na yung paghihirap ng kapatid ko.

In a realtionship na kami ni Kiefer. At maniwala kayo sa hindi, good boy na siya. Umiiwas na siya sa gulo dahil kapag nakipag basag ulo siya, isang linggo ko siyang hindi papansinin.

Si kambal naman.. Hmm... Mukhang happy naman at nakatagpo ng kaibigan.

Weh? Kaibagan lang ba? Chos!

Yun Andy? Nitong nakaraang linggo gusto daw niyang maging volounteer. Hindi ko alam kung bakit. Napapansin ko lang na lagi siyang nakangiti kapag nagkikita sila nung Andy.

Hmm..

May something e.

Anyway, kung ano man iyon, saka ko na siya kukulitin dahil may flight pa kaming dapat habulin.

"Ang bagal mo." Sabi niya.

"Aish.. Porke magaling ka na at malakas sinasabihan mo na ako ng ganyan ah." Niyakap niya lang ako.

"Haha. Mainitin ang ulo. Tara na nga." Lumabas na kami at sumakay sa sasakyang dala ni Andy.

Oo. Nandito siya at nagpresinta na sasama sa pagpunta ng airport.

Aish.. Iba na talaga ito.

Sa unahan umupo si Nica samantalang sa likod ako.

"Aish.. Mukha na akong amo nito." Sabi ko sa kanila.

"Yaan mo na. Bagay naman sa inyo ma'am." Biro ni Andy.

"Hoy Ikaw ah. Sabihin mo nga, nililigawan mo ba ang kambal ko?" Tanong ko dito. Natawa lang si Nica.

"Ha? Ahm.. Ano.. Kasi..." Nauutal na sabi nito.

"Hay naku. Ang torpe mo." Biro ko dito.

"Hindi ah. Humahanap lang ako ng tsempo." Deretso niyang sagot. Nahuli din kita! Haha.

"Alam niyo, mamaya na kayong mag usap dahil baka hindi na tayo umabot sa airport."

"Ok! Let's go!" Pinaandar naman niya ang sasakyan.

Malapit na kami sa airport ng tumawag si Kiefer sa phone ko.

"Hello, babe?"

(" hello babe, nasaan na kayo? Kanina pa kami dito sa airport." )

"Malapit na kami. Wait lang." Sabi ko dito at binaba ko na.

Agad kaming bumaba ni Nica ng makarating na kami. Hinanap namin sina Kiefer. Kumaway si Inigo kaya patakbo na kaming pumunta doon. Kompleto ang Black Knife.

"Mga babae nga naman, ang bagal kumilos. Tss." Sabi ni Kiefer
Tinignan ko lang siya ng masama.

"Oo na! Kami na." Sabi ko naman.

"Hanggang pag alis ko, mag aaway pa kayo?" Sabi naman ni Errol.

Oo. Aalis na siya. Sa Canada niya itutuloy ang pag aaral niya dahil nagmigrate na sila doon. Nakakalungkot man pero kailangan niya kaming iwan.

"Bye Bestfriend. Ingat ka doon ha. Ikamusta mo nalang ako kay Tito  and Tita." Yumakap si Nica sa kanya. Agad ding kumalas.

"Oo naman. Bibisita kami kapag maganda na ang schedule nila." Sabi nito.

Ako naman ang lumapit kay Errol at niyakap siya.

"Teka... Bakit may yakap pa?" Parang galit na sabi ni Kiefer.

"Bro. Yaan mo na aalis na din yung tao." Sabi naman ni Inigo.

"Oo nga. Masyado kang seloso." Rinig ko ding sabi ni Fabio sa kanya.

"Edi maghanap ka din ng yayakapin.. Aw!" Ayan.. Magcocomment pa kasi, nasuntok tuloy sa tyan ni Kiefer.

"Hindi ako ganun. Loyal ako kay Kit." Infairness. Kinilig ako sa sinabi niya.

Medyo matagal din ang pagkakayakap ko kaya kumalas na ako.

Kahit ganto si Errol. Naging malapit siya sa akin. At naging kaibigan.

"Salamat Errol. Salamat sa lahat." Sabi ko dito.

"Wala naman akong ginawa masyado.."

"Meron kaya. Naging bata kaya ako dati. Naalala mo yung sa Park?" Natawa nalang kaming pareho ng maalala namin iyon.

Biglang nagsalita ang announcer at kailangan na silang pumasok sa loob.

"Paano ba yan. Kailangan ko ng pumasok.." Tumingin sa akin si Errol.

"Basta, kapag may problema ka, tawag ka lang." Nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa pisngi.

Wala namang malisya yun dahil kaibigan ko siya.

"Teka, iba na yan! Umayos ka Errol!" Nakita kong inaawat si Kiefer nila Nico.

"Ano ka ba, friendly kiss lang yun.."-Nico.

"Anong friendly kiss? Walang ganun uy!" -Kiefer.

"Sige na Errol. Gawin mo na lahat ng gusto mong gawin kay Kit. Mahigpit naman ang hawak namin kay Kiefer e. Haha." Nagtawanan na lang kami sa sinabi ni Inigo.

Maloko talaga ang mga ito. Habang yung isa inis at selos na selos na.

"Baliw ka talaga." Sabi ko kay Errol.

"Sige na. Papasok na ako sa loob baka magbago pa ako ng desisyon. Bye guys!" Sabi nito at lumakad na palayo.

"Bye!" Sabay sabay naming sabi at nag wave back lang ito.

Naramdaman ko naman ang pag akbay ni Kiefer sa akin. Mahigpit na akbay.

"Wag ka ng magpapahalik sa lalake ha." Sabi nito. Tinignan ko siya ng nakakaloko.

"Kung hindi na ako pwedeng magpahalik sa lalake, ibig sabihin hindi  ka na din pwedeng humalik sa akin." Sabi ko.

"Exempted ako. Boyfriend mo ako kaya ako lang may karapatan na halikan ka."

"Paano si Daddy?"

"Edi kaming dalawa lang ang pwede."

"Paano.."

"Ang dami mong paano! Halikan kita diyan e."

"Subukan mo, hahalikan din kita."

"Talaga?"

"Hep.hep! Nandito kami oh? Ano to? Kayo lang ang tao?" Panira talaga ng moment itong Nico na ito.

"Alam mo panira ka e. Ha!" Hinabol naman niya si Nico na parang mga bata lang sila.

Kami naman ni Harmonica ay tawa lang ng tawa sa dalawa.

"Happy?" Tanong sa akin ni Nica.

"Super happy!" Sigaw ko naman.

This is what you call, friendshipgoals, sistergoals and relationship goals.

A Gangster's First Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon