"Kaya mo bang umuwi mag isa?" Tanong ko sa kanya habang inaalalayan ko pa din siya. Nagaabang na kami ng masasakyan.
"Syempre hindi. "
"Ha? Paano yan? Hindi ako pwedeng ihatid ka. Magagabihan na ako. Pagagalitan na naman ako ng nanay ko." Pumara ito ng taxi.
"Huy. Di ko afford ang taxi, mag jeep nalang tayo." Sabi ko.
"Tingin mo makakapg jeep ako sa lagay kong ito? " Sumakay na siya ng taxi at ganun din ako.
"Saan ang bahay niyo?"
"Sa *****" sabi ko.
"Kuya dun mo kami ihatid." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ano?" Pasigaw kong sabi.
"Hindi ako pwedeng umuwi ng ganito ang itsura. Papagalitan ako ni Mommy." Pambihira.
"Hindi ka pwede sa bahay namin. Magagalit ang mama ko. Kung gusto mo mag hotel ka nalang, mayaman ka naman diba? "
"Baka nakakalimutan mo kung sino ang dahilan ng pagkabugbog ko?" Aba aba! Binabantaan niya ba ako?
"Bahala ka! Tignan ko lang kung hindi ka sungitan ng mama ko. Panigurado kapag nakita ka non, papaalisin ka din kaagad." Ng marating namin ang bahay ay agad kaming pumasok sa bahay.
"Kit? Anong oras na bakit.. My Goodness!! Anong nangyari sa inyo? Sino yan kit? Bakit puno ng bugbog yan? Boyfriend mo ba siya? Kelan pa? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Naglilihim ka na ba anak? May pagkukulang ba ako?" Imbis na tulungan ako ni mama sa pag alalay puro O.A. ang tanong na ibinigay nya sa akin.
"Mama! Pwede? Tulungan mo nalang ako dito?" Pinaupo ko si Kiefer sa sofa namin at si Mama naman ay kinuha yung first aid kit namin.
"Aray! Masakit!dahan dahan naman!" Rekamo nito habang nilalagyan ko ng betadine yung mukha niyang bugbog sarado.
"Kit? Ano bang nangyari? Kaya ka ba laging late umuwi dahil sa kanya? Boyfriend mo ba sya? Infairness, magaling kang pumili. " Tinignan ko ng masama si Mama.
"Ma naman! Hindi ko siya Boyfriend!" Hindi ko sinasadyang napadiin ko ng paglagay ng gamot sa mukha niya.
"Aaaah!!" Sigaw nito.
"Sorry! Sorry! Sorry!"
"Kung hindi mo siya boyfriend, bakit mo siya dinala dito?" Ngayon naman nagtataray na siya.
Matapos ko siyang gamutin ay hinarap ko si mama para malinawan siya sa mga nangyayari.
"Ma. Wag kang maggalit ah? Kasi.. Kanina. Kinidnap ako at siya yung nagligtas sa akin." Si mama, parang walang reaksyon.
"Talaga? Nakidnap ka? Kawawa naman yung kidnapper sayo." Ay naku! Minsan talaga napagdududahan ko kung nanay ko ba talaga siya.
"Mama. Hindi ako nagbibiro!".
"Totoo po Tita. Nakidnap po siya." Heto na. Naki sabat na sya. Feeling close ah? Tita? Bakit? Pamangkin ba siya ng nanay ko? Tss.
"Nga pala. Ako po si Kiefer. Schoolmate ni Kit. Sorry po sa nangyari. Ako po ang may kasalanan kung bakit siya nakidnap." Wow. Ang bait mo bigla ah? Kailangan pala nabubugbog pa siya para bumait.
"Ma. Siya din yung tinutukoy ko sayo nung nakaraang araw." Nakita ko s mata ng nanay ko ng liwanag.
"Wow! Ikaw pala yun. Salamat hijo!" Niyakap niya si Kiefer at bakas sa mukha nito na nasasaktan siya.
"Ahm..tita. O..ok na po. " kumalas si mama.
"Ay. Sorry. Dahil gabi na din. Dito ka na maghapunan at matulog. Kit. Ayusin mo ng kwarto mo dun siya matutulog." Ano? Hindi ako papayag.
"Ma! Kung maghahapunan ayos lang pero ang gawing hotel ang bahay naten? Hindi na ako papayag!" Protesta ko dito.
"Aba! Baka nakakalimutan mong niligtas ka nya sa mga kidnapper!" E kung sabihin kong siya din ang dahilan kung bakit ako nakidnap?
"Isa pa. Hindi ko po kayang umuwi ng ganto ang itsura."
"Oh? Tignan mo Kit! Hindi pala nya kayang umuwi mag isa, kaya kung ako sayo . ayusin mo na ang kwarto mo at doon siya matutulog." Nakita kong napangiti siya. Yung ngiti na nakakainis.
Tumayo ako at tumungo nalang sa kwarto para magayos ng gamit. Matapos kong gawin iyon ay nagbihis na ako. Naghanap din ako ng pwede niyang suotin na damit ko. Buti nalang at may jersey short ako dito at t-shirt.
Kinuha ko yun at iniabot sa kanya. Samantalang nasa kusina si Mama para maghanda ng hapunan.
"Oh. Magbihis ka." Madumi na kasi yung suot niya at may dugo-dugo pa.
"Ok." Tumayo siya at nagulat ako sa ginawa niya.
Naghubad lang naman siya ng t-shirt sa harapan ko. At..
At dahil malikot ang mata ko hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanyang ..
ABS.
"Kailangan mo yata ng palaman." Nagising ang diwa ko sa sinabi niyang iyon. Iniwas ko ang mata ko.
"Ha...ha? Anong pinagsasabi mo jan? Ang panget kaya ng katawan mo. Diyan ka na nga!" Iniwan ko siya sa salas at nagtungo sa kusina. Naabutan ko si Mama na naghahain na.
"Bakit mo iniwan yung bisita mo dun?" Tanong ni mama.
"Nagbibihis e. Alangang samahan ko." Sabi ko.
"Talaga? Nakita mo ba?" Napalaki ang mata ko. Anong pinagsasabi ng nanay ko?
"Ma? Ano ba yang sinasabi mo ? Ang dumi ng isip mo mama. Wala akong nakita."
"Alam mo ba yung tinutukoy kong nakita mo? " Pang aasar ng nanay ko.
"Wala nga akong nakita! Ang pangit kaya ng tiyan niya! Kulang yung abs." Anong sabi ko?
"Aahh..wala ka palang nakita. Ok.Hehe." Trip ako ng nanay ko. Grabe siya.
"Hijo. Halika na dito sa kusina. May palaman dito."
"Mama!" Tumawa lang si mama. Siya lang ang tumawa. Kakainis.
"Halika hijo. Upo ka dito. Pagpasensyahan mo na ang ulam namin, pang-poor" ngumiti ito sa nanay ko. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganyan.
"Ok lang po. Mukhang masarap naman." Sabi niya at sinandukan na siya ni mama ng kanin.
Ang unfair! Never ginawa ni mama sa akin yan. Ahmp!
Matapos kumain ay hinayaan na kami ni mama na magpahinga. Katabi ko si mama sa kwarto niya pero umalis ito saglit dahil may bibilhin daw.
Ilang minuto na akong nakahiga pero hindi ako madalaw dalaw ng antok.
Medyo naiilang kasi ako. Biruin niyo. Yung isang tulad niya ay nasa bahay namin? Tss. Hindi ba siya naalibadbaran.! Ang yaman niya tapos nakikitulog sa maliit na bahay.
"Aah!" Sigaw niya. Nagulat din ako. Bigla kasing namatay yung ilaw.
Anong nangyayari? Naputulan ba kami ng kuryente? Brown out?
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Novela JuvenilAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...