( 3rd Person POV: )
"Girls and Boys, pumunta na kayo sa inyong mga tent." May mga tent na tinayo ang mga teacher para tulugan ng mga studyante. Hiwalay ang mga lalake at babae.
Pumila muna sila bago pumasok sa kanilang mga tent. Napakunot ang noo ng guro ng mapansin na kulang ng isang studyante ang kanyang hawak.
Nag attendace pa ito.
"Ms. Sanchez" tawag nito pero nagkakatinginan lang ang mga studyante.
"Mr. Lamesera, where is Ms. Sanchez. Di ba kagrupo mo siya?" Lahat ng studyante ay napatingin sa kanya.
"Ma'am? Hindi ko po alam. Nasa Laboratory Tent lang po siya kanina nung pinatawag niyo kami." Lumapit si Kiefer kay Jiro at Kinuwelyuhan ito.
"Nasaan si Kit!" Galit at nanggigigil na tanong nito.
"Mr. Trinidad! Calm down!" Saway naman ng kanilang teacher.
"Ma'am! Paano ako mag ca-calm down? Nawawala yung girlfriend ko!" Tumingin pa ito ng masama kay Jiro bago tanggalin ang kamay sa kwelyo nito.
"Tandaan niyo. Kapag nalaman kong isa man sa inyo ang may kagagawan ng pagkawala niya, maghukay na kayo ng libingan niyo!" Umalis ito at nagtungo sa gubat.
"Mr. Trinidad! Come back here!" Tawag ng guro pero hindi ito nakinig at tuloy tuloy lang sa paglalakad.
"At dahil nawawala si Ms. Sanchez, by group tayong maghahanap sa kanya. Walang maghihiwalay-hiwalay. Bumalik kayo after One Hour. At kung hindi pa din natin siya makita, tatawag na tayo ng professional rescuer."
"Sasama ba tayo?" Tanong ng isa sa Alipores ni Quinie. Nagpaiwan sila sa tent. Tatawagin sana sila ni Jiro para sumama sa paghahanap kay Kit nang hindi sinasadyang marinig ni Jiro ang usapan ng tatlo. Nagtago ito sa gilid para hindi maaninag ang kanyang anino ng mga ito.
"Tanga ka ba? Tayo nga ang nagpawala sa kanya tapos tayo ang maghahanap?" Nanlaki ang mata ni Jiro sa gulat sa sinabi ng kanyang Pinsan.
"Paano kung malaman ni King Kiefer? Sinabi pa naman niya na kapag nalaman niya kung sino ang gumawa nun ay maghana na ng libingan. Queen, natatakot ako." Sabi ng isa.
"Syempre, hindi natin sasabihin.." Hindi na nakapagpigil si Jiro kaya binuksan niya ang tent at kita sa mukha ng tatlo ang pagkagulat.
"Saan mo siya dinala?" Galit na tanong ni Jiro
"Cous, narinig mo.."
"Oo! Narinig ko lahat kaya kung ayaw mong sabihin ko ito kay Uncle, sabihin mo na kung nasaan siya!" Wala ng nagawa si Quinie kundi ang sabihin ito sa kanyang pinsan.
"Mag uusap tayo, mamaya." Seryoso niyang sabi sa pinsan bago umalis para puntahan si Kit.
Samantalang, tuloy-tuloy lang ang lakad ni Kiefer at sinisigaw ang pangalan ni Kit. Nagbabakasakaling marinig siya nito.
"Kit!! Nasan ka na!" Sigaw niya. Madilim na ang paligid at tanging flashlight na hawak niya ang umiilaw. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla namang bumuhos ang ulan na lalong nagpahirap sa kanya sa paghahanap kay Kit. Ngunit hindi siya nagpatinag sa ulan.
"Kit!!" Sigaw nyang muli hanggang sa may naring siyang sumisigaw din.
Pamilyar ang boses. Hindi siya pwedeng magkamali kay Kit ang boses na iyon. Tinalasan niya ang kanyanv pandinig at tinungo ang lugar kung saan naririnig niya ang tinig na iyon.( Kit's POV: )
"Tulong! Tulungan niyo ako!" Sigaw ko kahit ramdam ko na ang paos sa boses ko sa kakasigaw. Biglang umulan kaya lalo akong nahirapan sa pag akyat sa lupa.
Umiiyak na ako dahil sa takot at kaba sa masikip at maliit na butas na ito.
"Mama!" Sigaw ko. Para akong bata na nguwa ng nguwa habang umiiyak.
Napapansin kong tumataas na din ang tubig dahil sa lakas ng ulan.
"Please! Tulungan niyo ako! Natatakot na ako! " Sigaw ko kahit wala na akong maisigaw ay pilit pa din akong sumisigaw.
"Kitt!!!!" Napatigil ako sa pag-iyak nang marinig ko ang pangalan ko.
"Kit!! Nasan ka!!" Boses iyon ni Kiefer. Tama! Siya yun!
"Kiefer!!!! Nandito ako ! " sigaw ko dito.
"Kit? Kit!" Sa wakas! Nakita niya din ako.
"Kiefer!" Umiiyak kong sabi."Shh... Wag ka ng umayak.Here. Hold my hand." Dumapa siya at pilit na iniaabot ang kamay ko.
"Saglit. Hi..hindi ko maabot." Tumingkayad na ako para maabot ang kamay niya.
"Kaya mo yan kit! Please? Hold me!" Sabi pa nito. Bumaba ng konti ang katawan ni Kiefer at sa wakas ay naabot ko din ang kamay niya. Dahan-dahan niya akong hinila pataas. Napahiga na ako ng tuluyan sa katawan niya ng mailabas niya ako sa butas.
Hingal na hingal siya sa paghila sa akin.
"Ki..kit? Are you ok?" Hindi ako sumagot dahil nanguna na ang luha ko sa akin. Ngumawa ako na parang bata dahil sa takot.pinaupo niya ako at Naramdaman kong niyakap niya ako ng mahigpit.
"Shh... Tahan na. Ok na. Tapos na. Nandito na ako. Hindi kita iiwan. " Umangat ako ng mukha at kahit naulan ay hinawi niya ang luha ko.
"Hindi kita hahayaang masaktan." Sabi niya at niyakap niya ako.
"Kit! " Napalingon kami pareho sa tumawag sa amin. Sina Errol at Jiro iyon. Tumayo ako at inalalayan ni Kiefer at Errol sa paglalakad papunta sa lugar namin.
"Oh! Thanks God nandito na kayo! Nag alala kami Ms. Sanchez. Ano bang nangyari sayo?" Inabutan ako ni Ma'am ng twalya.
Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil nanlalambot pa ako sa nangyari.
"Paano ka nakarating doon sa gubat?" Tanong muli ni Ma'am. Napatingin ako sa gawi nila Quinie. Si Quinie, parang wala lang sa kanya samantalang yung mga alipores niya takot na takot na.
"Na..nawala po ako sa gubat Ma'am." Pagdadahilan ko.
"No! Thats not true!" Protesta naman ni Jiro. Lahat kami napatingin sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Kiefer.
"Hindi ka nawala sa gubat, iniwan ka sa gubat. Di ba? Quinie?" Tumingin siya kay Quinie. Nagulat ata si Quinie sa sinabi ng pinsan niya.
"How dare you!" Sigaw ni Quinie.
"Ms. Lontoc! " Sigaw ni Ma'am kay Quinie.
"Is that true? Ikaw ang may kagagawan?" Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya ng masama sa pinsan niya.
Susugudin sana siya ni Kiefer pero pinigilan ko si Kiefer.
"Please, wag mo na siyang patulan." Pakiusap ko dito.
"What? After what she did to you? Tingin mo papalampasin ko ito?" Hinawakan ko ang kamay niya. Tumingin siya sa mata ko.
"Please Kiefer. Hayaan nalang natin si Ma'am sa parusa niya. Please?" Pumikit ito ng panandalian at nagbuntong hininga.
"O..okay. " kumalma naman ito.
"at dahil diyan. Ms. Lontoc, I want to see your guardian on Monday. Ok?" Bakas sa mukha niya ang takot.
"What? Ma'am. But .."
"Reserve that But's on Monday with your parents. Ok? So, Ms. Sanchez and Mr. Trinidad, maglinis na kayo at baka magkasakit pa kayo. Tomorrow morning ay babyahe na tayo pauwi."
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Novela JuvenilAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...