Chapter 11

4K 89 5
                                    

Kinuha niya ang cellphone niya at may pinakita sa akin. Picture ng Black Knife.

Tinuro niya yung nasa gitna.

"Kiefer Joe Trinidad. 17 years old. 5'9.Section 4.Leader ng Black Knife. Kilala siya bilang isang arogante atg masungit na hearthrob sa school na ito." Hearthrob? Weh? Parang di naman. Mga bulag mga babae dito sa school e.

Tinuro naman niya ang nasa kaliwa ni Kuyang Gangster.

"Nichole Cuangco.Nico for short. 17 years Old. 5'9. Section 3. Pinaka close ni Kiefer sa apat. Kilala bilang Playboy. Every week nagpapalit ng babae." Halata naman sa kilos. Mukhang babaero.

Tinuro naman niya ang nasa kanan nito.

"Inigo Lustre. 17 years old. 5'7. Section 2. Magaling sa mga sports. Lagi siyang pinanlalaban sa mga out of school competition at lagi ding nananalo. Siya yung laging nagbibigay ng itim na panyo sa mga babangga sa kanilang grupo dito sa school." Ay oo. Siya nga yung nagbigay sa akin ng Panyo. Tss.

Itinuro naman niya ang nasa tabi nung Inigo.

"Fabio Elle Marquez. 17 years old. 5'7.Section 1. Magaling sa mga Academics. Lagi ko siyang nakakalaban sa Quiz bee at nanalo siya. Candidate din siya for Valedictorian. " Wow. Galing ah. Kahit Gangster may time pa din siyang mag aral. Atleast.

Itinuro naman niya ang nasa tabi ni Nico.

Dub dub Dub dub

Hala ka. Picture lang to wuy..

"At si Errol Clint Sandoval. 17 years old. 5'9. Section 5. Pinaka tahimik sa kanila." Tahimik? Parang hindi naman.

"Ang mga pamilya nila ay mga magkakabusiness partner kaya magkakasama sila at naging magkakaibigan." Napapatango nalang ako sa sinasabi niya. Astig naman.

"Parents din nila ang may ari ng school nato." Sabi pa niya.

"Eh?" Gulat ko. Ahh.. Kaya pala inaangkin nila yung lugar nila. Well, may karapatan pala sila. Sorry naman! Hindi ko alam e.

"San galing yung Black Knife achuchuchu nilang pangalan? Ang Baduy."

"Ang slow mo ano?" Wow. Hindi siya masakit magsalita huh.

"Hindi ba halata? Syempre, sa initials ng mga Name Nila. Kiefer (K), Nico (N), Inigo (I), Fabio (F) at Errol (E). " Hindi ako bata para sa A for Apple, B for Ball. Kaloka! Ginawa pa akong kindergarten. Napakamot na lang ako sa ulo.

"Oo na." Inilahad niya yung kamay niya.

"Akin na yung letter." Letter? Anong letter? Napakunot noo ako.

"Di ba sabi mo ibibigay mo yung letter after nating mag usap?" Hala. Oo nga pala. Nakalimutan kong dalhin. Nasa bag ko yun.

"Teka. Hindi pa naman ako tapos. May tanong pa ako." Bumuntong hininga ito.

"Pagkatapos nito. Ibabalik mo na yung letter." Tumango ako.

"Sino si Harmonica?" Nakita kong hindi siya mapalagay sa tanong ko at parang matatakot siyang sagutin ang tanong ko.

"Ahm.. Ano kasi.. Hindi ako pwedeng magkwento tungkol sa kanya." Napataas ako ng kilay?

"Bakit naman? Sino ba siya? "

"Hindi talaga pwede. Hindi nga pwedeng banggitin yung pangalan niya dito sa school e. Kundi malalagot kami sa Black Knife."

"Ganun? Picture meron ka?" Nacu-curious kasi ako sa itsura nun.

"Wa..wala din. Pinatanggal ni Kiefer lahat ng picture nya dito sa school kahit sa facebook wala din." E? Grabe naman siya?

"Ano bang ginawa niya para .." Biglang nagbell. Kainis! Di pa kami tapos.

"Tapos na ang break time. Akin na yung letter." Hala. Anong gagawin ko.

"Actually, nakalimutan ko sa room e. Siguro mamaya ko nalang ibibigay. Wait mo ako sa gate ha? " Tumayo na ako at tumakbo na papasok sa room.

Pumasok na ako sa room. Buti naman at wala pa si Ma'am. Tumungo ako sa kinauupuan ko.

"Nasan yung bag ko?" Wala kasi sa upuan ko. Tinignan ko yung ilalim ng desk ko wala din. Tumingin ako sa likod ng upuan ko, wala din.

Hala. Nasaan na yun?

"Heto ba hinahanap mo?" Tumingin ako sa nagsalita. Yung isa sa mga Alipores nung Quinie hawak niya yung bag ko at nakatapat iyon sa bintana ng room.

"Akin na ang bag ko." Utos ko sa kanya.

"E kung ayoko?" Susugudin ko sana siya sa pwesto niya pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Binuksan niya yung bag ko at inihulog lahat ng laman sa bintana kasama yung mismong bag ko.

"Opps! Sorry. Hindi ko sinasadya. Haha" napakuyom nalang ako ng kamay at tumakbo pababa ng building. .

Ggrrr!!! May araw ka din sa aking Alipores ka.

Nakita kong nagkalat lahat ng gamit ko. Wala na akong nagawa kundi ang pulutin iyon.

"Nandito na kaya lahat?" Parang may kulang pa. Parang meron talaga e. Tumingin tingin muna ako sa paligid.

"Ayun!" Sabi ko na may kulang. Yung loveletter ni nerd. Kukunin ko na sana kaso may umapak.

Ang bastos ng paang to ah!

"Pwede pakitanggal ng paa mo? Madudumihan yung love letter e." Tumingala ako para malaman kung kaninong paa ba ito.

"Love letter? Kanino galing? Sino?" Tanong niya. Hindi ko siya pinansin at pinilit kong kuhain iyon sa paa niya.

Aba. Lalo niyang diniin ang pag kaka apak.

"Ano ba! Paa mo! Isa!" Pagbabanta ko.

"Sagutin mo ang tanong ko. Sino ang nagbigay sayo?" Tumayo ako at tinignan siya ng masama.

"Wala kang pake." Pagmamataray ko. Kinuha niya ang sulat sa lupa.

"Tss.. Korni." Sabi niya habang nakatingin sa papel.

"Korni? Sweet nga e. Konti nalang ang lalaking nagbibigay ng loveletter. Paano puro sa text at chat na lang." Aagawin ko sana sa kanya pero tinaas niya ito.

Ay naku! Oo na. Matangkad na siya.

"Ano ba! Akin na kasi!" Pilit kong kinukuha yung letter sa kamay niya tumatalon talon na nga ako para lang makuha, siya naman itong sige ang pagtaas ng kamay para hindi ko makuha.

Kung ako naiinis, siya naman tumatawa.

Grrr!!

Nakakaimbyerna ah!

"Akin na!" Tumalon ako para makuha ko iyon pero na out of balance ako.

Ano? Pati ba naman sa hangin uso ang tapilok.

At sa hindi sinasadya ay bumagsak ako sa kanya na siya namang kinabagsak niya sa lupa.

At ang sumunod na eksena?

Hindi ko alam kasi napapikit ako.

Pagmulat ko..

Sana di na ako nagmulat.

Nakalapat lang naman ang labi namin sa isa't-isa.

Nakaramdama ako na parang uminit yung mukha ko. Tinignan ko siya at parang tulala lang ito.

Bumangon na ako bago may makakita pa sa amin. Kinuha ko na din yung letter na nasa kamay niya. Parang nanigas na ata siya sa pwesto niya.

"Ikaw kasi! Kung binigay mo nalang edi sana.." Parang nakakailang sabihin yung word.

Hulu..

Ang init ng mukha ko. Ano to?

"Hmmp!" Tumakbo na ako palayo sa kanya. Bahala siya kung feel niyang humiga sa sahig.

Dub dub Dub dub

Hala? Ano to?

Bakit may kabayo sa dibdib ko?

A Gangster's First Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon