"Nica.. Please.. Hold on! Please?" Mangiyak ngiyak kong sabi habang nirerevive siya sa Ospital.
"Miss. Sa labas nalang po tayo." Sbi nung nurse.
"Nurse, please. Gawin niyo po lahat! Iligtas niyo po ang kapatid ko! Please! Please!" Pakiusap ko sa nurse.
"Gagawin po namin lahat sa abot ng aming makakaya. " Isinara na niya ang pintuan.
Wala na akong nagawa kundi ang umiyak. Nandito din si Kiefer. Nakaupo siya at tulala.
"Lord, please. Nakikiusap po ako, iligtas niyo po ang kapatid ko. Mahal na mahal ko po siya. Ayoko siyang mawala. Please po. Please..." Dasal ko habang humahagulgol. Wala na akong paki alak kung may makakita man sa akin sa pagiyak ko.
"Kit!" Dumating na sila papa at Mamita. Napayakap ako kay papa at nakita kong napaiyak na din sila.
"Papa.. Kasalanan ko.. Papa.. Sorry!" Kasalanan ko ito. Kung naawat ko sana siya ng maaga edi sana hindi mangyayari ito. Kasalanan ko.
"Sshh... Kit, anak. Wala kang kasalanan. Please. Wag mong sisihin ang sarili mo. Walang may gusto nito." Niyakap ako ni papa para icomfort sa nararamdaman ko ngayon.
Ilang saglit ang ay lumabas na ang doktor. Napatayo kaming lahat at nilapitan ang doktor.
"Dok. Ano pong lagay ng anak ko?"Tanong ni Papa.
Bakas sa mukha ng doktor ang lungkot.
"We need a heart transplant immediatly. Hindi na kaya ng puso niya at masyado ng malaki ang butas nito. Kailangan na siyang maoperahan within 24 hours. Aparatus nalang po ang sumusuporta sa anak niyo. Kung hindi po siya maooperahan, I'm sorry sir. Wala na kaming magagawa." Tinapik ng doktor ang papa ko bago umalis.
"Papa.." Niyakap ko si Papa at umiyak.
Anong gagawin namin?
Within 24 hours ay kailangan na siyang maoperhan.
Pero san kami kukuha ng puso na magmamatch sa kanya?
Ang hirap naman nito.
Ilang minuto lang ay nilabas sa Emergency room si Niva at dinala sa ICU.
Hindi tulad nung nakaraang Ospital ang itsura niya ngayon. Mas dumami ang aparato na nakalagay sa katawan niya.
Wala na akong nagawa at naiyak na naman ako.
Bakit kasi kailangan niyang maranasan ito?
Pwede namang wala na lang siyang sakit.
Minsan tuloy hindi ko maiwasang tanungin ang nasa taas.
Bakit ang unfair ng buhay?
Bakit hindi nalang laging happy.
Yung walang malulungkot at masasaktan.
Bakit kailangan may nagsasacrifice?
Bakit nangyayari ito?
Ang daming tanong ano?
At alam kong ang mga tanong na yan ay isa lang ang makakasagot niyan.
Ang Diyos.
Minsan, gusto lang talaga niya na lumapit tayo sa kanya at ipaalala na nandito siya sa atin para tumulong.
Sa araw araw nating ginagawa, aminin natin. Nakakalimot tayong magpasalamat sa kanya. Nakakalimot tayong magdasal sa kanya. Nakakalimot tayong lumapit sa kanya.
Kaya sa oras na ito, lalapit ako sa kanya.
Pumunta ako sa isang silid na parang maliit na simbahan sa loob ng hospital.
Lumuhod ako at nakipag usap sa kanya.Umiyak ako at sinabi ko lahat ng dinadaing ko.
"Lord, please. Ayoko pang mawala ang kapatid ko. Kailangan ko siya. Mahal na mahal ko po siya.." Matapos kong magdasal ay bumalik na ako sa ICU. Nandoon pa din si Kiefer, gayon din sina Mamita at si Papa na kanina pa nasa tainga ang cellphone.
Nakita long binaba na ni papa ang phone niya at napapailing.
"Mayaman nga ako, nabibili konang lahat pero ang puso ng anak ko hindi ko kayang masokusyunan! Anong klaseng ama ako!" Nilapitan siya ni Mamita at niyakap.
"Wag ka namang ganyan Harold. Wag mong sisihin ang sarili mo." Umiiyak na si Papa.
Ilang saglit ay may tumawag sa phone ni Papa at sinagot niya naman iyon.
Napatigil sa pag iyak si Papa.
"Ta..talaga? Sa.. Salamat! Salamat!" Ang kaninang malungkot na mukha ni Papa ay napalitan ng saya.
"Sino yung tumawag Anak?" Tanong ni Mamita.
"Ma, Kit, nakahanap na tayo ng donour sa puso ni Harmonica!" Lahat kami ay parang nabunutan ng tinik sa narinig namin.
Lord, kahit pasaway ako. Ngayon ko lang napagtanto na malakas pala ako sayo.
Salamat, Lord.
Dahil sa balitang iyon ni Isa sa amin ay walang umuwi at inantay talaga ang bagong puso na papalit sa kanya.
Hindi na nagpatumpik tumpik pa ang doktor at agad sinimulan ang operasyon.
Lahat kami ay nasa corridor at inaantay ang paglabas ng doktor. Nauna na si Mamita sa pag uwi dahil hindi siya pwedeng magtagal sa Ospital.
"Kit, umuwi ka na muna. Ako ng bahala dito." Sabi ni Papa.
"Ayoko Pa. Gusto kong makita si Nica." Sabi ko.
"Matagal pa matapos ang operasyon anak. Ilang oras pa ang aantayin natin." Sabi ni papa.
"Sige na anak, pag ok na ang lahat ay tatawagan nalang kita. Kiefer, ihatid mo na si Kit. Please." Sabi ni papa.
"Sige po Tito. Tara na Kit." Hindi na ako komontra kay Paoa at sinunod ko na siya.
Inihatid ako ni Kiefer sa bahay namin.
"Salamat Kiefer sa paghatid." Sabi ko dito. Aalis na sana ako ng kunin niya ang kamay ko.
"Kapag Maayos na siya... Babalikan kita." Sabi niya sa akin.
"Kiefer..."
"Kit. Hindi ko na kayang lokohin si Harmonica. Hindi ba ginagawa ko lang ito dahil may sakit siya? Ngayong bago na ang puso niya baka pwedeng balikan na kita... Kasi, mahal na mahal kita, Kit." Hindi ko na alam ang isasagot ko.
Hahawiin ko na sana ang kamay ko ng bigla niya akong hilahin at ikulong ng kanyang mga labi.
Hindi ako pumiglas sa halik na iyon. Sa totoo lang sinuklian ko pa iyon.
Hindi ako magpapakaempokrita kung sasabihin kong ayoko ng ginagawa niya sa akin dahil alam naman natin kung gaano ko siya kamahal.
Ilang sandali ay kumalas na siya.
"I love you Kit." Sambit niya. Ngayon lang niya ulit ako hinalikan.
Ngayon ko lang ulit siya naramdaman sa tabi ko.
Namimiss ko ba talaga siya.
Namimiss ko na ang Babe ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Teen FictionAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...