Maaga akong pumasok sa school para abangan si Jiro sa gate. Wala pang studyante nung dumating ako dito. Medyo madilim pa nga pero kebs lang kelangan ko talaga siyang makausap. Sa ayaw at sa gusto niya. Kung kinakailangang igapos ko siya ay gagawin ko para lang makausap siya.
Ilang minuto na ang nakakalipas at dumadami na ang studyante at sa tagal ng pag aantay ko ay dumating na din siya. Nerd nga talaga. Kung ano ang itsura niya nung makita ko siya sa ay ganun padin. Ayos ng buhok, eyeglasses. Tss.. Nerd nga. Lalapitan ko sana siya pero napatigil ako dahil sa hawak nyang kapirasong papel.
Huh?
Ano kaya yun?
Tinignan ko muna siya na parang may inaabangan sa gate.
Huwag niyang sabihing love letter yung hawak niya? Naaninag ko kasi na parang may Puso na hugis.
aba.. Lumalove life si nerd.
Lumapit ako sa kanya ng hindi niya namamalayan. Mula sa likod niya ay sinilip ko yung papel.
Tama nga ako ng hinala. Love letter nga.
Ah! May Idea ako!
Kinuha ko mula sa likod niya ang letter. Napalingon siya sa likod ko.
"Ano ba? Ikaw?" Pagalit pero natatakot niyang sabi.
"Hi Jiro. Inaccept mo na ba ako sa fb?" Umiling lang ito at ayaw tumingin sa akin.
"A..akin na yang.."
"Love letter?" Putol ko sa sasabihin niya.
"Ikaw ha? Lumalove life ka na. Gusto mo tulungan kita? Marunong akong mag advice at tips about love" tumataas pa ang kilay ko habang sinasabi ko yun.
"I don't need your advice, just.. Give me that!" Aba.. English. Nosebleed. Nerd yan e. Aagawin nya sana pero mabilis kong nailayo iyon sa kanya.
"Ibibigay ko ito sa isang kondisyon." Sinamaan niya ako ng tingin.
"What condition?"
"Friends na tayo." Sabi kp sa kanya habang nakangiti.
"No!" Reklamo nito. Aba! Siya na nga itong inaalukan na maging kaibigan siya pa tatanggi.
"Ok! Friends na tayo."
"Di mo ba ako narinig? I said no."
"No? Yes yun para sa akin e. " napabuntong hininga ito.
"Please Kitarah. Ayokong madamay sa gulo mo. Pwedeng layuan mo ako? Ayokong pag initan ako ng Black Knife." And speaking of yun din pala ang sadya ko sa kanya.
Narinig kong nagbell na hudyat na magsisimula na ang klase.
"Oh! Siya. See you sa garden mamaya break ha?"
"What? Akin na muna yang letter."
"Nope! Ibibigay ko lang ito after nating mag usap mamaya. At kapag hindi ka nagpakita ako mismo magbibigay nito sa pagbibigyan mo. Bye!" Dali dali na akong lumakad papalayo sa kanya.
Pumasok na ako sa room at katulad ng lumipas na araw ay ganun na naman ang tingin nila sa akin lalo na si Quinie. Hindi ko nalang siya pinansin dahil ayokong magkagulo pa kami.
"Ok class. Take your sit." Pumunta na ako sa upuan ko at sa pangatlong pagkakataon ay wala na naman si Kuyang Gangster. Aba. Napapadalas ata ang pag absent ng mokong. Tss.. Nagsasayang ng pera. Mahal kaya tuition dito. At itong school parang walang ginagawang action ukol dito. Unfair sila! Napaka Bias!
"I'll be Right back. Ms. Sanchez, kindly erase the writings on the white board." Lumabas na nga si ma'am at ako naman ay tumayo para sundin ang utos ng teacher namin.
Nang nasa unahan na ako ay naramdaman kong may nambato ng lukot na papel sa aking ulo. Napalingon ako at nakita kong naka smirk si Quinie.
Hindi ko nalang pinansin at itinuon ang pagbura sa nakasulat sa board.
"How dare you para saktan ang aming Reyna Quinie!" Sigaw nung parang alipores niya. Reyna ? Anong tingin nila sa room kaharian?
"Oo nga! Dahil sayo napagbuhatan siya ni King Kiefer!" Eewww... King? LeLs! Baduy ah. Hello? Wala tayo sa Englatera para magkaroon ng King and Queen. Nahiya naman sa inyo si Queen Elizabeth.
Matapos ko magbura ay hindi ko sila pinansin at tuloy tuloy ako sa pagpunta sa upuan ko. Hindi dapat ako magpa apekto sa kakornihan at kawirduhan ng mga kaklase ko.
Hooh! Layas! Masamang espiritu!
At sa wakas! Break time na. Parang ang tagal matapos ng oras kapag hinahantay ano? Gusto ko na kasing maka usap si Jiro.
Katulad ng kanina ay hindi ko sila pinansin. Binilisan ko na lang ang lakad papunta sa garden. Buti nalang at wala masyadong napunta dito.
Umupo ako bench at hinihintay ko si Nerd. Dalawang minuto na ang nakakalipas pero wala pa siya. Pasaway talaga! Kapag hindi siya pumunta ibibigay ko talaga itong letter sa liligawan niya kahit hindi ko kilala.
Sa kakahintay ay parang nakaramdam ako ng antok kaya napapikit ako habang nakatingala.
Ang sarap tumambay sa garden. Presko.
Napamulat ako ng dumilim yung liwanag na nakikita ko kapag nakapikit ako. Alam niyo ba yun? Yung kapag nasisinagan ng araw yung mata mo habang nakapikit parang red lang yung paligid tapos kapag natakpan naman nagiging black. Ganern! Try niyo minsan para malaman niyo.
"Ay Palaka ka!" Napatayo ako sa gulat ko sa kanya at sa hindi sinasadyang nauntog ang ulo ko sa baba niya.
"Ouch!" Sigaw nito.
"Araayy..." Sabi ko habang hawak hawak ko ang ulo ko. Ang tulis kasi ng baba. Dapat hindi Black Knife yung pangalan ng grupo nila kundi BaBa Knife.
"Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako? Stalker ka ano?" Sunod sunod kong tanong.
"What? Me? Stalker? Hah! The hell!" Sigaw nito sa akin.
"The hell" panggagaya ko sa kanya.
"Pwede ba? This is my place kaya get off!" Haay!! Para siyang yung isa niyang kasamahan! May sariling property din sa school.
"Your place? Huh? Bakit? Binili mo ba itong garden para sabihin mong sayo ito? May titulo ka ba ng lupa na sayo nga ito? Ano? Meron?meron? Wala di ba? Kaya wag kang maka get off get off diyan! Studyante ako dito kaya may karapatan akong tumambay dito at isa pa, bakit hindi ka pumasok sa klase? Nagditch ka na naman? Alam mo nakakahalata na ako e. Kapag iba ang nagditch may detention pero kapag ikaw ok lang? Ang unfair ah? ..." Pinutol niya na ang sinasabi ko sa isang sigaw.
"You are so Annoying!!!" Sabi niya sa akin.
"Bahala ka na nga! Diyan ka na!" Umalis siya sa harap ko.
"Ay, thank you!" Salamat, umalis na din. Ganun lang pala mapapa alis yun.
Ilang minuto lang ng kanyang pag alis ay siyang pagdating ni Nerd.
Haay.. Sa wakas.
"Bakit ang tagal mo? "
"So..sorry. Nakita ko kasing kausap mo si Kiefer kaya natakot akong lumapit agad. Hinantay ko pa siyang umalis bago pumunta dito." Pagpapaliwanag nito. Takot na takot talaga sila sa mokong na yun ano?
"Ba..bakit mo ba kasi ako pinapunta dito? Ano bang kailangan mo?" Tanong nito sa akin. Umupo muna kami sa bench bago ako nagsalita.
"May gusto lang akong malaman."
"Ano?"
"Tungkol sa Black Knife."
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Fiksi RemajaAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...