May science camping kami ngayon at ang location? Hindi ko alam e. Ang sabi lang magubat. Pag aaralan kasi namin yung mga iba't ibang klase ng halaman na tumutubo dun.
"Mag iingat ka doon Kit ha?" Sabi ni mama.
"Kiefer, ikaw ng bahala sa anak ko." Oo. Nandito siya. Sinundo niya ako. Sabay daw kaming pupunta sa school. May inarkila kasi ang school na bus. Bawal daw kasi ang magdala ng sasakyan.
"Ok po tita. Makakaasa po kayo." Nagpaalam na kami kay mama at tumungo sa school.
Two days and one night kami doon. Yung iba sa amin ay may dalang tent at kung ano-ano pa na pwede sa gubat.
Sumakay kami ng bus pagdating namin doon. Hindi naman kami by section kaya ok lang kahit sino ang makatabi namin.
"Tabi tayo." Parang may magagawa naman ako. Umupo kami sa bakanteng upuan. Bandang likod. Tapos sa tatluhan pa. Nasa bintana ang posisyon niya.
Dumating nadin ang Black Knife.
"Hey Bro.!" Bati ni Nico na may kaakbay na babae. As usual, New girlfriend.
"Ibang klase. Bakod na bakod K. Haha." Sabi naman ni Inigo.
Si fabio, walang pakialam dahil nagbabasa siya ng libro. Samantalang si Errol, sa wakas, Nakabalik na nga siya sa grupo nila, na nakaheadphone. Tumingin lang siya sa akin at tipid na ngumiti.
Sa may pinakalikod sila umupo.
"Ok, class. Nandito na ba lahat?" Tanong ng teacher namin.
"Wait ma'am! Sorry I'm late." Hingal na hingal na pumasok si Jiro sa bus. Medyo umingay ng konti sa Bus.
"Who are you? Ngayon lang kita nakita. studyante ka ba sa school na ito?" Aww.. Si ma'am hindi siya nakilala.
"Ma'am, Jiro Lamesera po. Section 1" napakamit ulo pa ito. At ang ibang girls, tumitili.
"Oh. I'm sorry. Ikaw na pala yan. Hindi kita nakilala, anyway, you may take your sit para maka alis na tayo." Sabi ni Ma'am.
"Pogi! Dito ka na umupo."
"Dito ka nalang sa akin please?"
"Here!."
Para silang ewan, pinag aagawan ang bestfriend ko.
Ohh... So happy! Hehe. I am proud. Haha.
"Jiro! Dito ka nalang!" Sigaw ko habang nakataas pa ang kamay. Tumingin silang lahat sa akin ng masama.
"What do you think you are doing ha?" Pabulong at galit na sabi ni Kiefer.
"Bakit? Bestfriend ko naman siya." Lumapit sa gawi namin si Jiro.
"Jiro, dito ka. Sa tabi ko." Masigla kong sabi.
"Ha? O..ok lang ba? Baka..."
"Ok lang. Dito ka na." Pinutol ko na siya. Alam kong natatakot na naman siya sa Black Knife. Nauutal na naman kasi siya at napapatingin kay Kiefer.
Pagkaupo niya ay sya namang upo ni Kiefer sa aking kandungan.
"Kiefer! Ano bang ginagawa mo! Umalis ka nga! Ang bigat mo!" Parang wala siyang narinig kaya umalis ako sa upuan ko at naupo sa upuan niya na malapit sa bintana.
"Diyan ka uupo. Dito ako." Sabi niya habang nakatingin kay Jiro. Samantalang si Jiro parang natatakot na.
Ah. Gets ko na. Ayaw niyang katabi ko si Jiro kaya sya ang umupo sa tabi nito. Bali siya ang nasa gitna namin ni Jiro.
"Ok. Class. Please be quiet. Aalis na tayo. It takes 2 to 4 hours ang byahe kaya pwede na kayong magrest dahil mamaya gagawin na natin ang first activity natin. Ok ba?" Sabi ni ma'am.
"Yes ma'am!" Sabay sabay naming sabi at pinaandar na ang bus.
Hindi pa ako inaantok kaya pinanuod ko nalang yung nadadaanan namin sa labas.
Naramdaman kong may humiga sa balikat ko.
"Kiefer, Ano ba? Umayos ka nga ng higa." Hindi siya nagsasalita, tulog na nga ata. Pero bigla siyang gumalaw at niyakap ako.
"Ho..hoy.. Ano ba? Umayos ka nga. Nakakahiya.."mahina kong sabi. Parang wala siyang naririnig. Tinignan ko ang mukha niya at nakangiti pa sya.
Naparolyo nalang ako ng mata. Haay naku..
Ilang minuto palang ay nakaramdam na din ako ng antok. Ang aga ko kasing nagising para mag ayos ng mga dadalhin dito sa camping.
"Class! Gising na. We are here!" Napamulat ako sa boses ni Ma'am. Naramdaman ko na may malambot na bagay akong sinasandalan.
"Good morning sweetie.." Nakasandal pala ako sa balikat niya.
"Ah.. Sorry." Sabi ko at inayos ko ang mukha ko.
"Ang cute mong matulog. Nahilik. Haha." Hinampas ko nga sa braso. Anong cute don? Ang lakas mang asar.
"Ewan ko sayo." Tumayo na ako at ginising ko na din si Jiro.
"Jiro. Gising. Nandito na tayo." Niyugyog ko siya at nagising naman. Medyo basa pa ang mukha nito. Pinagpawisan ba siya? Naka aircon naman kami ah?
Napatingin pa ito kay Keifer na parang natatakot at agad na tumayo.
"Ah. Una na ako sa baba. Mamaya nalang Kit." At nauna na nga siyang bumaba. Tinignan ko ng masama si Kiefer at ang kanina pang tumatawa sa likod na Black Knife. Well, except for Errol na naka headphone pa din.
"Anong ginawa niyo? Ha?" Tanong ko sa kanila habang nakacross arm.
"Wa..wala." Sabi ni Kiefer.
"Siguraduhin mo lang Kiefer. Kung hindi lagot ka sa akin."
"Aish! Mas importante pa ba sayo yun kesa sa akin.?"
"Oo. Best friend ko yun e." Mabilis kong sagot.
"Ouch!"-Nico.
"Aray!"-Inigo.Sumeryoso bigla ang mukha ng loko.
"Sige na nga. Minake-upan kasi namin siya kanina habang tulog.." Sabi ko na may kalokohan to.
" Pero binura din namin. " sagot naman ni Nico.
"Baka daw magalit ka sa kanya" sabi naman ni Inigo. Napakamot ito sa batok.
"Ikaw talaga!puro kalokohan!" Tinengahan ko nga para magtanda.
"Aray! Kit, Honey! Please.. Masakit! Ouch!" Binitawan ko din siya agad.
"Pag inulit mo pa sa bestfriend ko yun hindi lang pingot ang aabutin mo." Sabi ko at bumaba na mag isa sa bus.
"Hey,baby! Wait for me!" Aish! Andaming endearment! Kainis!
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Teen FictionAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...