( Harmonica's POV: )
One year ago ng maOspital ako. Simula nun hindi na ako pumapasok sa school dahil lagi akong naoospital dahil sa sakit ko.
Nagpunta na kami ng States para magpagamot at makahanap ng donour pero wala ding nangyari.
Puro temporary medication lang ginagawa sa akin dahil sa sakit ko.
Ginive up ko din ang taong pinakamamahal ko dahil sa sakit ko.
Nang bumalik ako, nalaman ko na may kambal ako kaya masaya ako. Nakilala ko siya at nakasama.
Gusto ko siyang kasama sa lahat ng oras.
Gusto kong ipadama sa kanya na mahal ko siya bilang kapatid ko.
Hindi rin siya nakatiis sa akin dahil sinabi niya kay Kiefer ang sakit ko.
Nagkausap kami ni Kiefer at binalikan niya ako. Mahal ko si Kiefer. Pero mas mahal ko ang kapatid ko.
Hindi niya alam na alam ko na na mahal nya si Kiefer.
Nalaman ko iyon nung naOspital ako. Nagising ako at narinig ko lahat ng sinabi niya. Ramdam ko na mahal niya talaga si Kiefer at hindi ko siya masisisi kung bakit.
Ramdam ko din kay Kiefer na mahal niya si Kit.
Paano ko nalaman?
Minsan na nag C.R. ako at naiwan ko sila. Narinig ko ang usapan nila. Doon palang alam kong mahal nila ang isa't-isa.
Ginagawa lang ito ni Kit para mapasaya ako. Tingin niya naging unfair siya sa akin.
Oo. Masakit din sa akin pero hindi ko pinahalata sa lahat. Pinapakita ko nalang na masaya ako sa piling ni Kiefer. Ayokong damdamin yung sakit na nararamdaman ko. At ayoko ding makita sila na malungkot dahil sa akin.
Nakita ko ang paghihirap nina Daddy sa pag aalaga sa akin. Naiisip ko minsan na pabigat ako sa pamilya dahil sa sakit ko.
Limitado pa yung kilos ko. Bawal akong mapagod, bawal akong umiyak at malungkot, bawal din ng sobrang saya.
Oh di ba? Saan ako lulugar?
Kailangan ko lang ay ang kontrolin ang feelings ko.Pero, tao ako at hindi robot na kayang gawin iyon.
Hindi sa lahat ng oras ay kaya kong kontrolin ang sarili ko.
Isa pa, iniisip ko din si Kit. Matagal kaming nawalay. Laki ako sa luho samantalang siya ay galing sa hirap.
Tapos ngayon, sinakripisyo niya ang kaligayahan niya para sa akin.
Niyaya ko siyang sumama sa amin sa canteen para mag break pero tumanggi siya. Alam kong dinahilan niya lang si Jiro.
Nang makarating kami ng canteen ay nakalimutan ko yung wallet ko sa bag. Sabi ni Kiefer sagot na niya pero tumanggi ako kaya bumalik ako sa room at nasaksihan ko ang ginawa ni Quinie sa kapatid ko.
Hindi ko napigilan ang galit ko kaya sinugod ko siya at sinampal sampal.
Wala siyang karapatang saktan ang kapatid ko dahil hindi niya alam kung gaano na ito nahihirapan sa sitwasyon namin.
Akala siguro ni Quinie ay tanga ako para hindi malaman ang tungkol sa kanila. Pero hindi yun ang concern ko. Itong bagay nalang ang maari kong gaain sa kapatid ko, yun ay ipagtanggol siya sa mga taong mapang api at mapanghusga ng kapwa.
Hindi nga nila alam ang kwento ng buhay namin, anong lakas ng loob nilang gawin iyon? Hindi ba?
Pero, gaya nga ng sabi nila, bawal akong magalit at sabi ko din hindi ko kayang kontrolin dahil tao lang din ako.
Nasobrahan ako kaya nakaramdam ako ng paninikip sa dibdib.
Hinahabol ko na ang hininga ko at hindi normal ang tibok ng puso ko.
Hindi kaya? Hanggang dito nalang talaga ako?
Kung hanggang dito nalang talaga ako, wala na akong magagawa.
Hindi ko hawak ang buhay ko.
Ipapaubaya ko nalang ito sa may taas.Ayoko man, wala akong magagawa.
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Fiksi RemajaAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...