( Harmonica's POV: )
Umuwi muna si Kit pagkatapos naming kumain dahil kukuha pa siya ng susuotin ko dito sa Ospital.
Ayoko na kasi nitong Hospital Gown nila. Nakakailang suotin.
Nagpapasalamat pala ako sa lahat ng tao na nagdasal at tumulong sa akin.
Akala ko talaga mamatay na ako.
Nakita ko na nga yung liwanag pero hindi ako pumasok doon.Salamat sa nagdonate ng puso para bigyan muli ako ng ikalawang buhay.
At ngayong may ikalawang buhay na ako, sisiguraduhin ko na maitatama ko na ang lahat.
Itatama ko at ibabalik ko na ang lahat sa dati. Lalo na ang kay Kit.
Ibinalik ko na sa kanya si Kiefer dahil yun ang tama. Ayokong lokohin ang sarili ko na ako pa din ang mahal niya. Kung nagawa ngang mag sacrifice ni Kit para sa akin, bakit hindi ko gawin para sa kanya? Lalo na ngayong magaling na ako. Wala na siyang dahilan para ibigay si Kiefer sa akin.
Oo. Masakit. Pero wala naman ito sa sakit at sakripisyo ni Kit sa akin. Naniniwala akong makakalimutan ko din siya. Makakapag move on at magmamahal muli.
Pagkaalis ni Kit ay tinawagan ko naman si Kiefer para makausap ko siya. Nag usap kami sa garden at sinabi ko lahat sa kanya.
"Wag mong sasaktan ang kapatid ko Kiefer. Mahal na mahal ka niya." Sabi ko sa kanya.
"Kahit hindi mo sabihin gagawin ko dahil Mahal na mahal ko din siya." Sabi nito. Hindi ko alam kung bakit pero wala akong naramdaman na selos o sakit sa sinabi niyang iyon. Parang natuwa pa nga ako sa sinabi niya.
"Salamat Harmonica." Ngumiti ako sa sinabi niya. Lumuwag ang pakiramdam ko. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Ang sarap sa pakiramdam na maging malaya. Malaya sa sakit. Pisikal at emosyonal na sakit.
Ngayon, nagkaroon na kami ng tinatawag na closure.
( Kit's POV: )
Matapos naming mag usap ni Nica ay umuwi muna ako sandali para kumuha ng damit niya at makaligo na rin ng maayos.
Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon. Parang ang saya at lumuwag yung paghinga ko.
Dahil ba sa magaling na ang kapatid ko o dahil malaya na ako sa sakit na naramdaman ko nitong mga nakalipas na araw?
Pwedeng pareho.
Hindi na ako nagtagal pa kaya bumalik na ako sa Ospital.
Pagpasok ko sa kwarto ay wala doon ang kapatid ko.
"Nica?" Nakaramdam ako ng kaba. Saan siya nagpunta? Wag niyang sabihing iiwan nya kami.
Hindi pwede. Isa pa maayos na siya hindi ba?
Pumunta ako sa nurse station.
"Nurse, nasan na po yung pasyente sa room 207?" Tanong ko dito.
"Nagpaalam po siya na pupunta siya sa garden ng Ospital." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng Nurse.
Hooh!
Akala ko naman kung ano na. Hindi na ako nag antay pa ng matagal at pinuntahan ko na ang kapatid ko.
Nakita ko siyang naka upo sa bench at may kausap na lalake.
Si Kiefer yung lalake.
Lumapit ako sa kanila at nakita iyon ni Nica. Nang tuluyan na akong nakalapit ay tumayo si Nica.
Niyakap niya ako at may binulong siya sa akin.
"May closure na kami. Mag usap na kayo." Kumalas siya at nginitian ako.
"Tingin ko, kailangan niyong mag usap na dalawa. Babalik na ako sa Room ko." Hindi na niya ako hinintay na magsalita dahil umalis na siya.
Habang naglalakad siya papalayo sa akin ay unti unti namang tumulo ang luha ko.
Yung tinatawag nilang Tears of Joy?
"Kit.." Napalingon ako sa nagsalita. Ngumiti siya sa akin at ganun din ako sa kanya.
"Tapos na kit." Sabi niya at niyakap ako. Naramdaman ko na may luha na dumampi sa aking balikat. Luha na galing sa kanya.
"Akala ko, hindi na tayo makakabalik sa dati." Sabi pa nito sa akin habang umiiyak.
"Akala ko din." Sagot ko naman sa kanya.
Para kaming ewan sa sitwasyon namin. Pinagtitinginan na kami ng mga dumadaan dito.
Kumalas siya sa akin at hinawi ang luha ko sa pisngi.
"Tandaan mo, simula ngayon, hindi ka na iiyak ng dahil sa akin." Tumango ako sa sinabi niya.
"At tandaan mo, wala ng makakapaghiwalay pa sa atin." Dagdag pa niya.
"Tandaan mo din na ikaw lang ang mamahalin ko." Dugtong ko sa kanya.
"Mahal na mahal kita Kit."
"Ako din, mahal na mahal kita, Kiefer." Sabi ko sa kanya at sinuklian naman niya ito ng isang matamis na halik.
"Namiss ko to. Pwede isa pa?" Pilyo niyang sabi. Nahampas ko nga siya sa braso.
"Ano ba! Nakakahiya!" Hello? Public place kaya ito.
"Sige na. Please?" Nagpuppy eyes pa ito. Baliw talaga.
Hinawakan ko siya sa batok at pinagbigyan ko ang request niya. Hinalikan ko siya na parang walang tao sa paligid namin.
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Novela JuvenilAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...