"Kit. Bilisan mo diyan! Mahuhuli na tayo sa misa!" Heto na nga. Binibilisan ko ng magbihis.
"Tara na po." Tinignan lang ako ni mama mula ulo hanggang paa.
"Anong itsura yan Kit? Para kang lalake. Mag dress ka nga." Naka t-shirt and ripped jeans kasi ako.
"Porque naka jeans lalake kaagad? Di ba pwedeng di ako komportable sa dress? Mama naman! Ok na ito. Mas sanay ako sa ganito."
"Oh. Siya. Sige. Ok na nga yan. Halika na. Baka di na natin maabutan ang sermon ni Father." Sermon mo palang mama, sapat na nga e.
Sumakay kami ng jeep papunta ng simbahan. May kalayuan kasi sa bahay namin iyon.
Pumasok na kami sa loob at naabutan namin na nagsisimula na ang misa. Umupo kami sa bakanteng upuan at doon mataimtim na nakinig sa sermon ng pari.
Tumayo kaming lahat at nagkapit kapit ng kamay habang kumakanta.
Hindi ko nilingon ang katabi ko sa kaliwa dahil iniintindi ko yung sinasabi ng pari.
Infairness sa katabi ko, ang lambot ng kamay. Naramdaman ko na bigla niyang pinisil yung kamay ko dahilan para mapalingon ako sa gawi niya.
"Kiefer!" Pasigaw pero mahina kong sabi. Aba, ang loko. Kinindatan lang ako at nag-sshhh sign sa akin.
*Dub dub Dub dub
At kelan pa natutong magsimba ang tulad niya? Sa pagkaka alam ko napapaso sila kapag pumapasok sa simbahan.
Nang matapos ang hawak-kamay moment sa simbahan ay nag Peace be with you ang lahat.
"Peace be with you" nakangiti niyang sabi. Hah! Wag niya akong ngiti-ngitian! Naaasar ako.
"Peace be with you Kiefer!" Sabi ni mama. Sa tingin ko may sabwatang nagaganap dito.
"Peace be with you tita."
"Kit. Peace be with you daw sabi ni Kiefer." Ngumiti ako ng alanganin kay kiefer.
"Mukha mo." Sabi ko. Naramdaman ko na kinurot ako ng nanay ko sa tagiliran ko.
"Ano ba ma!masakit ah." Mahina kong reklamo sa kanya.
"umayos ka nga. Nasa simbahan tayo." Tumingin ako kay Kiefer. Parang tuwang-tuwa pa siya sa ginawa ng nanay ko sa akin. Kainis!
Pagkalabas ng simbahan ay agad kong kinausap si mama.
"Ma? Bakit nandito siya? Sinadya nyo ito ano?"
"Ha? Ako? Aba. Malay ko. Sa gustong magsimba ni Kiefer alangan namang pigilan ko."
"At dito pa talaga sa pinagsimbahan natin at sa mismong kinauupuan pa natin? "
"Wag kang magalit kay Tita, it's all my plan. Wala siyang kinalaman." Sabi nya. Iba talaga ang ugali niya ano? Epekto siguro ng pagsimba nya.
"Bahala kayo. Makauwi na nga."
"Hep!Hep! Sinong may sabing uuwi ka na?" Sabi ni mama. Kinuha niya ang kamay ko at ganun din ang kamay ni Kiefer at pinagdikit ito.
"Sige, mauna na ako. Maglalaba pa ako. At ikaw! Subukan mong umuwi ng maaga sa bahay, wala kang tutulugan." Magrereklamo pa sana ako kaso bigla nalang umalis sa harapan namin si mama.
"Paano ba yan? E'di solo na kita." Pilit kong tinatanggal ang kamay ko sa kanya.
"Huwag ka ng pumalag. Pumayag naman na si Tita." Inirapan ko siya.
"Magkano binigay mo sa mama ko para pumayag siya sa plano mo? Ha?"
"Wala. Ikaw ah. Ang sama ng tingin mo sa nanay mo." Hinila niya ako at pinasakay sa sasakyan na dala niya.
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Roman pour AdolescentsAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...