Chapter 2

5.1K 134 0
                                    


Paglingon ko apat silang lalake.

"Wag ka ng maki alam miss. Kami ng bahala." Sabi nito at to the rescue kay Kuya.

Yes!

Kakampi pala naming to!

Gumilid ako dahil may dumating pang mga kalalakihan.

Pambihira! May rayot na!

Takte.

D ako pwedeng umalis dito ng hindi nakukuha ang perang pambili.

Kailangan ko yun! Nakakatakot kaya yung nanay ko kapag nagagalit.

"Prrriittt!!!" May narinig kaming sumipol. May dumating na pulis.

"Paktay! Takbo!May Parak!" Nagulat ako ng hilahin niya ako at mabilis kaming tumakbong dalawa.

Nawala na din sa paningin namin yung apat na tumulong sa kanya.

Awww...

Pagod na ako.

Ang sakit na ng  paa at binti ko.

Nakarating kami sa isang abandonadong gusali.

Ano ? Hide out ba niya ito?

Wala na bang bago? Nabasa ko na to at napanood. Lagi nalang ganto kapag basagulero.

"Action star ka ba? Nasaan ang Camera? Ilabas mo na. Prank to ano?" Sabi ko.

Tinignan niya ako ng masama.

"Prank? Tingin mo prank ito? Matapos mabugbog ako ng mga ugok na yun tingin mo prank to? " Aba! Nagagalit ba siya?

"Hoy lalakeng mukhang gangster at parang walang mararating sa buhay, pwede ba? Wag mo nga akong pagsalitaan ng ganyan. Isa pa, pwede bang bayaran mo na ako ng makaalis na ako dito sa hide out mo? Malilintikan ako sa nanay ko nito.!" Nakataas kilay kong sabi.

"Di ka ba nakikinig kanina? Wala akong dalang pera!" Pasigaw niyang sabi.

Aba! Loko to. Tama bang sigawan ako.

"Hoy lalake! Wala kang karapatang sigawan ako! At kung wala kang dalang pera, bakit mo pa ako hinila dito? Langya naman oh! Kahit isang daan lang?" Tumingin lang siya sa akin at parang natulala.

Oo. Alam kong maganda ako pero hindi yan ang kailangan ko. Kailangan niyang bayaran ako.

"Ano?!" Mukhang nagising na siya sa paglakatulala.

"Ah.. Wa..wala." Parang bata na siyang magsalita ngayon.

"Singkwenta?" Umiling lang ito.

"Trenta?" Umiling uli ito. Napairap nalang ako.

"Bente? Kahit bente! Baka naman kuya! Kailangan ko talaga! Hindi ako pwede umuwi ng walang dalang ulam!" Gusto ko ng magwala dito. Maghalumpasay.

Ayoko pang mawala sa mundong ito, please?!

Hindi siya nagsalita at hinila lang ako.

"Teka? Saan mo ako dadalhin? Hoy!" Hindi siya nakikinig at dinala ako sa convenience store.

Hinila niya ako sa mga stante at kumuha ng mga cup noodles at kung ano ano pa.

Teka? Akala ko ba wala siyang pera?

Wag niyang sabihing..

"Hoy. Ano ginagawa mo? Ayokong magkaroon ng criminal record ah? Ayokong maging shop lifter!" Pabulong kong sabi sa kanya.

Medyo kinakabahan ako. Napapatingin ako sa cashier. Mukhang walang pake alam.

Hala sila?

Mananakawan na nga sila e.

"Hold this. " Inilagay niya sa mga bisig ko ang mga kinuha niya sa istante. Lumapit kami sa cashier at inilapag ko yong mga kinuha niya.

Kinakabahan talalaga ako.

Tinitignan ko yung guard at yung pinto.

Dapat mabilis akong tumakbo para kapag hulihan na matakasan ko sila.

"Three houndres fifty two po lahat." Sabi ng cashier.

Ano? Tatakbo na ba ako.

"Here." May inabot siyang card sa cashier at agad sinuwipe ang card.

Luh?

Tinignan ko siya.

"Wala akong dalang cash, card lang ang meron ako. Oh heto. Iuwi mo. " Napanganga ako sa sinabi niya.

Hindi na niya ako inantay dahil nauna na siyang lumabas ng convenience store.

Hala oh? !

Hindi naman niya sinabing wala siyang cash. Card pala.

Aba..

Mayaman..

Nakacredit card.

Ay teka. Magpapasalamat pala ako muna.

Paglabas ko ay wala na siya.

Sayang. Di man lang ako nakapag thank you.

Medyo madilim na din.

Naku. Lagot ako kay Nanay!

Dali dali akong naglakad.

Asan nga ba ako?

Hindi ko alam tong lugar na ito.

Pambihira naman. Kung saan saan kasi kami umiikot kanina e.

Kinapa ko yung bulsa ko at kung susuwertihin ka nga naman oh? May bente pesos pa pala ako. Sumakay nalang ako sa tricycle at sinabi ang luhar kung saan ako nakatira.

Huwew...

Anong sasabihin ko kay Mama nito?

"Nandito na po ako." Pagpasok ko palang sa pinto ay naramdaman ko na kaagad ang kamay ni mama sa tainga ko.

"Aaah! Aray ma! Ang saket!"

"Talagang masasaktan ka! Anong oras na oh? Madilim na sa labas. Inutusan lang kita na bumili sa palengke pero bakit ngayon ka lang? " tinanggal niya ang pagkakahawak sa tainga ko.

Feeling ko mawawalan ako ng tainga sa ginawa ni mama.

Sasabihin ko ba yung nangyari sa akin? Tingin niyo maniniwala itong nanay ko?

"Sandali nga.  Isang daan lang ang ibinigay ko sayo ah? Bakit may grocery kang dala? Saan galing ito? Hindi kita pinalaki na maging magnanakaw.." Haay.. Nagdadrama na siya ngayon.

"Ma. Wag nga kayong Over Acting diyan! May nabunggo kasi ako kaninang lalake at natapon yung pinamili ko sa palengke kaya ayun, binili niya ito. Yun ang nangyari. " Tinignan niya ako ng nanliliit ang maya niya.

"Totoo? " may pagdududa. Sa ganda kong ito pagdududahan niya ako? Ang mama ko talaga oh!

"Oo nga po. Totoo. "

"Oh siya. Sige na. Naniniwala na ako. Ano ba yang binili niya? Iluto mo na para makakain na tayo, maaga ka pa bukas. First day mo sa school. "

Hala. Oo nga pala.

Buti nalang at may gamit na ako pang school.

Pero sayang talaga, hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya. Ni pangalan niya hindi ko alam.

A Gangster's First Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon