Chapter 22

3.7K 85 2
                                    

Sa oras ng pagkain namin ay hindi ko padin maalis sa isip ko yung sinabi nung babae. Hanggang sa pag uwi sa akin ni Kiefer sa bahay ay tahimik ako.

"Are you ok?" Tanong niya.

"Ha? Ah.. Oo. Sige. Bababa na ako. Pagod lang. Salamat sa dinner. Ingat ka sa pag uwi. Bye." Sunod-sunod kong sabi bago pumasok sa loob ng bahay. Wala ako sa mood makipag debate sa kanya dahil sa mga iniisip kong mga bagay bagay.

Naabutan ko pa si mama na gising.

"Kamusta ang date?" Mukhang may alam si mama.

"Hindi kami nagdate ma. Kumain lang ng hapunan."

"Ganun din yun Kit. Dinner-Date ang tawag doon." Haay.. Ayokong makipagtalo sa nanay ko. Kung gusto niyang kampihan yung mokong nayun, edi kampihan niya. Bahala sila.

Ano kaya kung magtanong ako kay mama?

"Ma." Seryoso kong sabi.

"Ano yun?"

"Nagka amnesia ba ako? Sabihin niyo nga? May mga bagay ba ako na hindi ko matandaan?" Bigla ba naman akong batukan.

"Aray! Ma naman!"

"Oh? Ayan. May naalala ka na? Anong Amnesia ang pinagsasabi mo diyan? Nakatira ka na naman ng katol ng kapitbahay ano? Tingin mo sa buhay mo teleserye sa t.v.? Matulog ka na nga."

"E'kasi bakit hindi ko alam ang itsura ng tatay ko?" Ewan ko kung bakit ko nasabi iyon. Wala kasi siyang picture sa bahay. Kahit sa gamit ni Mama wala din.

"E kasi nga, wala namang itsura ang tatay mo! Sige, magtanong ka pa at magkaka Amnesia ka ngayon din." Haay.. Nanay ko talaga. Sinunod ko na nalang sya at pumasok sa kwarto.

Bukas na bukas ay kakausapin ko si Errol baka may nalalaman siya.

*Dub dub Dub dub

Ang tanong...
Kaya ko ba siyang kausapin?

Matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon parang ayoko siyang kausapin o pansinin man lang. Ang Awkward kasi. Alam niyo yun?

"Ms. Sanchez. Pumunta ka sa detention room." Sabi ni Ma'am matapos ang klase ko. Hala. Bakit naman? Alam ko wala naman akong nagawang mali. Hindi na ako nagtanong pa kaya sinunod ko nalang ang utos niya.

Pumunta na ako doon at nakita ko si Miss Guidance Councelor.

"Ms. Sanchez."

"Pinapapunta niyo daw po ako dito sa Detention room?"

"Yes. Starting today kasama niyo na si Mr. Sandoval sa paglilinis ng library. Ok?" Tumango ako.

Mr. Sandoval?

Si Errol?

Bakit? A..anong ginawa niya? Bakit siya nadetention?

Ilang saglit lang ay lumabas na si Errol sa detention room. Umalis na din si Ma'am.

"Hi."

*Dub dub Dub dub

Ano ba! Hi lang yung sinabi. Kung makareak naman yung puso ko wagas.

Hehe.

"Tara na. Para mabilis matapos." Yaya ko sa kanya. Tumango lang siya at sumunod sa akin papunta ng library.

"You're late! Saan ka galing?" Aba! First time na naunahan niya ako sa library. Anong nakain niya.

"Errol, what are you doing here? Bakit kayo magkasama?" Seryoso niyang sabi dito.

"Nadetention siya kaya kasama natin sya dito sa paglilinis ng library."

"What?" Reklamo niya.

"Oh sya. Tama na ang daldal at maglinis na tayo." Kinuha ko na ang basahan at ang dalawa parang walang narinig at magkatitigan lang.

"Uy. Kayong dalawa hindi kayo makakapaglinis kung magtititigan lang kayo. Kumilos kayo. Hindi porque member kayo ng Black Knife e pa-señorito na kayo dito." Nagsimula na akong maglinis. Bahala na nga sila. Malalaki na sila para pagsabihan.

At sa wakas. Tumulong din sila sa paglilinis. Infairness, natapos namin ng mabilis ang paglilinis ng library. Mukhang tahimik itong dalawa.

"Pauwi ka na? Ihahatid na kita." Prisinta ni Errol habang sinasara ko yung pinto ng library.

"O.."

"Ako ng maghahatid sa kanya." Sabat naman ni Kiefer. Aish! Sira ng moment.

"I insist. Ako na." -Errol.

"Hindi, ako na."-Kiefer.

"Ako na."-Errol.

"Bro. Ako na nga sabi." -Kiefer.

Medyo umiiba na ang tono ni Kiefer.

"Tumigil na nga kayo!" Awat ko sa kanila.

"Walang maghahatid sa akin. Uuwi ako ng Mag-Isa! Ok? Dyan na nga kayo!" Iniwan ko na sila at nagsimula ng maglakad pauwi.

Subukan lang nilang sundan ako at makakatikim sila sa akin ng tag iisang sapak.

Pauwi na ako ng mapansin ko na may lumabas na lalake galing sa bahay. Hindi ko nakita ng malinaw yung mukha niya.

Sino kaya yun?

Sumakay ito ng kotse at umalis. Pumasok na ako sa bahay at naabutan ko si mama na naghuhugas ng plato.

"Ma. Nandito na'ko." Lumapit ako sa gawi niya.

"Ma? Sino yung bisita niyo kanina?"napatigil siy sa pag huhugas ng plato at hinarap ako.

"Ha? Ahm.. Ano. Kaibigan ko." Sagot niya.

"Kaibigan? Weh? Lalake? "

"Bakit? Masama na bang magkaroon ng kaibigan na lalake?" Hmm.. Kung sa bagay. Parang si Jiro lang at Ako. Hay.. Para na akong si Kiefer kung magtanong.

"Ok. Sige sabihin na nating kaibigan mo nga. Ang yaman naman?" Di ba? Mahirap lang kami tapos malalaman kong may kaibigan si Mama na mayaman? Weird.

"Oh sige na. Suko nako. Siya yung tinutukoy ko sayong nagpapa aral sayo." Biglang nagliwanag ang mukha ko.

"Talaga ma? Bakit di mo sinabi agad! Dapat hindi mo pa sya pinaalis para nakapag pasalamat man lang ako." Sayang. Bibigyan ko din sana ng kutos. Pinahihirapan kaya ako ng mga studyante sa school na yun. Tss. Madami naman na pwedeng pasukan, doon pa talaga sa madaming maarte at mayayabang.

"May trabaho pa daw sya kaya nauna na." Sana magkita kami uli.

Pumasok na ako sa kwarto ko para magpalit at magpahinga ng tumunog ang phone ko.

Galing sa unknown number. Binuksan ko iyon at binasa.

Layuan mo siya. Ayokong nakikita kita na kasama siya. Nagseselos ako.

*Dub dub Dub dub.

Sino kaya ito? Tinignan ko yung number.

Teka. Heto yung number na tumulong sa akin dati.

At sino naman ang lalayuan ko? Tapos.. Nagseselos daw siya?

Bigla kong naisip yung sinabi ni Errol about sa Jacket at Bracelet.

Sino sa kanilang lima?

Si Kiefer? Nico? Inigo? Fabio? O si Errol?

Sino?!

A Gangster's First Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon