Chapter 28

3.5K 88 2
                                    

Haayy...

Ang sarap dumis-appear.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Naiipit ako sa dalawang tao..

"Kyaaah!!! Ang gwapo naman niya!"-g1

"Oo nga, bago ba siya dito? Ngayon ko  lang siya nakita."-g2

"Sino kaya ang pinunta niya dito? "-g3

Hay.. Mga babae nga naman dito. Puro tilian ang alam.

Uwian na kaya nagligpit na ako ng gamit at palabas na ng room ng makita kong may pinagkakaguluhan sila sa gilid.

Haay..

Yaan ko na sila.

"Kit!" Napatigil ang bulong-bulungan ng tawagin nya ako. Napalingon ako sa likod at inambahan ako ng yakap.

"O..ok ka lang ba? Nabalitaan ko yung nangyari kanina." Kumalas ito at nabigyang linaw sa mukha ko kung sino ang yumakap.

"Jiro." Sambit ko.

Sinunod na din niya sa wakas ang payo ko. Nagbago na siya ng porma at natutuwa ako dahil tuloy tuloy na din ang pagbabago ng mukha niya. Gumagwapo na siya. Di na sya nerd.

At parang hindi na sya natatakot na lumapit sa akin. Concern na sya oh!

"A..anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Napakamot naman siya sa ulo.

"Na..nag alala kasi ako." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Tanggap na niya siguro na bestfriend ko siya.

"Wag tayo dito. Madaming chismosa." Sabi niya. Tumango ako at sabay kaming naglakad palabas ng school hanggang sa nakarating kami sa Convenience store.

"Ice cream. Pamparelax." Iniabot niya sa akin ang binili niyang ice cream.

Infairness, hindi na ako nagrerequest ng ice cream. Kusa na siyang nagbibigay.

"Salamat Jiro." Umupo na kami sa bakanteng upuan.

"Love triangle?" Bigla niyang tanong.

"Sayang.. Di ako nakahabol." Mahina niyang sabi.

"Ano yun?" Hindi ko kasi narinig.

"Ah. Wala. Iniisip ko lang yung square root ng 999."

"Ah.. Ganun ba.. "

"Heto, payong kaibigan lang. Kung ako sayo, layuan mo na silang pareho. Lalo kalang mapapahamak sa pagdikit sa kanila e." Napataas ang kilay ko dun.

"FYI. Hindi ako dumidikit dikit sa kanila. Sila nga itong lapit ng lapit sa akin." Totoo naman e. Realtalk ang tawag dun.

"Edi Ikaw na ang maganda!" Natawa ako bigla sa sinabi niya. Ngayon ko lang kasi sya nakita na ganyan.

"Ako na talaga. Haha."

"Finally! Tumawa ka na din. Kanina ka pa kasi malungkot. Hindi ako sanay na hindi nakikita yung makulit na Kitarah."

"Tanggap mo na ako bilang bestfriend mo ano?"

"May magagawa ba ako? "

"Hindi ka na takot sa BLACK KNIFE?" Umiling siya.

"Susubukan ko ng maging matapang. Para sayo." Ang sweet naman ng bestfriend ko. Na-touch ako.

"Anyway, kaya din kita pinuntahan sa room mo kanina kasi ibibigay ko sayo to." May iniabot siya sa aking sobre.

"Ano to? Sulicit?" Binuksan ko iyon. Isang invitation card.

"Birthday ng Mommy ko. Naikwento kita sa kanya. Gusto niyang mag thank you sayo dahil sa pagme-make over mo daw sa akin. " nahihiya pa niyang sabi. Tinignan ko iyon.

"Gusto ka niyang makita e." Tumango ako bilang pag sang ayon.

"Sige. No problem. Pupunta ako."

"Sige Kit. Una na ako. May pupuntahan pa ako." Tumango lang ako bago siya umalis.

Buti naman may kaibigan akong handang patawanin ako kahit saglit.

Napaisip din ako sa sinabi ni Jiro. Mas mabuti nga sigurong umiwas na lang ako sa Dalawang iyon. O mas maganda sa Buong BLACK KNIFE.

Kinabukasan ay pumasok ako sa school at tulad ng inaasahan ko, wala si Kiefer.  Masama din  ang tingin nilang lahat sa akin.

Medyo sanay na din ako. Uupo na sana ako sa upuan ko ng makita ko yung nakasulat sa white board.

Lahat ng masasakit na salita at nakakabastos sa isang babae ay nakasulat na doon. Wala namang katotohanan yun pero respeto naman para sa lahat ng mga babae.

Kinuha ko yung eraser at binura iyon.

"Guilty sya oh! Haha" Puno ng tawanan ang maririnig sa loob ng room at nangunguna na diyan ang grupo ni Quinie.

Hindi ko pinansin iyon at tumungo na sa upuan ko kaso, wala doon yung desk ko.

"Ay. Sorry. Tinapon namin yung chair mo akala kasi namin basura. Haha" napakuyom ako ng kamay. Pinipigilan kong magalit.

"Yung upuan mo parang ikaw, nababagay sa basurahan! Haha!" Sabi pa ng isa. Lumabas ako at hinanap ko ang upuan ko sa basurahan.

Nakita ko iyon at wasakwasak na. Napaupo nalang ako sa sahig, niyakap ang mga tuhod ko at umiyak.

"Hindi maayos ang upuan kung iiyak ka lang." Tumingala ako para makita kung sino yung nagsalita. Umupo siya sa sahig para mapantayan ako at siya na din ang nagpunas ng luha sa mukha ko.

Inalalayan niya akong tumayo at niyakap. Naalala ko yung sabi ni Jiro. Kumalas ako at hinarap siya.

"Errol. Hihingi ako ng pabor."

"Ano yun?"

"Layuan mo na ako. Please?" Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon ng mukha nya.

"Kit. Nagsisimula palang akong ipaglaban ka. Bigyan mo naman ako ng chance." Himinga ako ng malalim at tinignan sya ng seryoso.

"Errol. Wag na nating simulan. Naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko. Hindi.."

"Gusto mo na siya?" Singit niya.

Ano bang gusto niyang isagot ko? Kasi sa totoo lang. Gulong gulo na ako sa nararamdaman ko.

Oo. Gusto ko ng taong magmamahal sa akin pero hindi ko ine-expect na sa gantong paraan.

"Hindi ko alam." Sagot ko. Nakita ko ang pagkuyom ng kamay niya.

"Tss.. Para ka rin palang si Harmonica. Ano bang nagustuhan niyo sa kanya? Bakit hindi nalang ako? Bakit laging siya? " May namuong kirot sa puso ko ng banggitin niya ang pangalan na yun.

"Tapatin mo nga ako. Kaya niyo lang ba ako nagustuhan dahil kay Harmonica?" Tama bang ikompara ako sa taong hindi naman nagpapakita sa kanila.

"Hindi naman sa ganun.."

"Errol, sa nakikita ko, ganun yun. Ganun na ganun! Paikutin niyo man ang mundo ganun ang labas na kaya niyo lang ako nagustuhan ay dahil sa Harmonica na yan! Buti nalang nabanggit mo. Atleast, alam ko na, na hindi ako kundi si Harmonica pa din." Aalis na ako ng pigilan niya ang kamay ko.

"Kit. Mali ka ng iniisip.."

"Mali man o tama, hindi padin mababago na si Harmonica padin at hindi ako." Kinuha ko ang kamay ko at tumakbo palayo.

Bakit ba ako nasasaktan ng ganto! Normal na buhay ang gusto ko hindi ganto.

A Gangster's First Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon