Chapter 19

3.8K 82 0
                                    

"Ano bang trip mo? Pwedeng tanggalin mo nga tong kamay mo! Isa!" Kahit anong pilit kong tanggal ng kamay niya sa balikat ko hindi ko matanggal. Masyadong mabigat at mahigpit ang hawak niya.

"Ano ba? Nakakahiya! Pinagtitinginan na tayo!" Ang aga-aga nakakabwisit! Parang wala siyang naririnig at tuloy-tuloy lang sa paglalakad.

Ano bang pinakain sa kanya ng nanay ko at ganto na siya?

Kainis! Nakakabanas!! Ang sarap sumigaw sa inis!

"Wooh! Lovebirds? Haha." Pang aasar ni Nico.Nakasalubong namin yung Black Knife.

"Bro. Anong nangyari sa mukha mo? Kapag nakita yan ng ate mo, lagot ka." Sabi naman ni Inigo.

"Kayo na ba?" Seryosong tanong ni Errol.

"Hindi!" Agad kong sagot. Nagulat sila sa sinabi ko. Napalakas kasi. Naramdaman ko ding nawala na ang kamay niya sa balikat ko.

Ay! Salamat!

"Ouch." Sabi naman ni Fabio. Ouch ka diyan! Ouchin ko mukha nya e. Tss.

Napatingin ako kay Errol. Ngumiti siya sa akin.

Kyaaah!!!

"Gumanti si Kalbo kahapon. Kinidnap to kaya heto nabugbog ako." Tss.. So? Ako may kasalanan kung bakit siya nabugbog. Iniikot ko nalang yung mata ko.

"Ano? Gusto mo resbakan natin! Loko yun ah!" May pasuntok suntok pa sa palad si Nico. Tss. Yabang.

"Huwag na bro." Sagot naman niya. Parang nadiss-appoint naman sila.

"Ikaw ba talaga yan K? Parang.." Hindi na niya natuloy yung sinasabi ni Inigo ng tingnan siya ng masama ni Kiefer.

"Una na ako. Nakakabadtrip ang paligid dito." Sabi ni Kiefer at iniwan niya kami.

"Tsk. Kawawa naman. Ikaw kasi Harm..este Kitarah e. " -Nico.

"Busted." -Fabio.

Inirapan ko lang sila. Hindi ko alam ang mga pinagsasabi nila. Mga baliw na gangster. Che!

Iniwan ko na sila dahil baka malate na naman ako sa klase. Ayokong madagdagan ang detention. Pagpasok ko sa room ay nakabungad na naman si Quinie at ang kanyang alipores.

"Tss.. Ang kapal ng mukha. Talagang nakipag akbayan pa kay King Kiefer. Tss."- Alipores 1.

"Oo nga. Hindi naman kagandahan."- Alipores 2.

Wow. Ang ganda niya! Ganda niyang itapon sa dagat na madaming pating.

Lumapit sa akin ang tatlo. Gusto atang makipagtitigan ni Quinie sa akin.

"Ano bang gayuma ang pinainom mo kay King Kiefer para magustuhan ka niya ulit? Ha?" Tanong niya.

Ulit? Duh? As in Duh? Napapikit ako ng saglit at bumuntong hininga.

Nakaka-stress sya sa totoo lang.

"FYI. Walang 'Ulit' dahil una, ngayon ko lang sya nakita sa tanang buhay ko, pangalawa, NBSB ako kaya imposible ang sinasabi mo at huli, Wala kaming gusto sa isa't-isa. Lalo na ako. Wala akong gusto sa kanya at kailanman hindi ko siya magugustuhan! Intindenes!" Dire-diretso kong sabi. Napatulala lang siya sa sinabi ko.

"King..Kiefer.." Sabi ni Quinie. Hindi na pala siya nakatingin sa akin kundi sa likod ko.

Napalingon ako at nakita ko ang kamay niya na nakakuyom at seryoso ang tingin. Imbes na tuluyang pumasok sa room ay lumabas ito at wala siyang paki alam kung may mabunggo man siyang studyante.

Maghapon siyang hindi umattend ng klase. Gangster nga naman oh, hilig mag ditch ng class. Tss..

Kahit sa library ay ako lang din ang pumunta mag-isa. Bahala siya sa buhay niya.

Muli, iniwan na naman ako ng librarian. Siguro naman wala ng mangti-trip sa akin dito.

Sinimulan ko na ang paglilinis ng bookshelf.

"Ikaw lang?"

"Ay Baklang Palaka!" Nagulat ako sa boses na narinig ko. Akala ko ba wala ng studyante kapag gantong oras dito? Kaya nga nakakapaglinis na ako.

Naku..naku.. Si Ms. Librarian, hindi nagche-check.

Lumingon ako sa lalakeng nakatayo at natatakpan ang mukha ng libro.

"May Bakla palang palaka?" Tinanggal na niya yung libro na nakatakip sa mukha niya.

*Dub dub Dub dub

Siya lang pala.

"Errol. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dito.

"Nagbabasa ng libro. Kaya nga library e." Pilosopo nitong sabi.

"Ah. Ganun? Pinipilosopo mo ako.."

"Hey.. Chill. I'm just kidding. Ikaw naman. I thought, we're friends." Nakangiti niyang sabi.

Bakit ganun? Ang cute ng ngiti niya. Lakas ng appeal.

Hindi ko nalang siya pinansin. Tinuloy ko nalang ang pagpupunas ng bookshelf.

"Need my help?" Ibinalik niya yung libro sa kinalalagyan nito at lumapit sa akin. Kinuha niya yung pamunas na nasa kamay ko.

Naramdaman ko ang init sa mukha ko ng naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Kaagad ko namang inalis iyon.

*Dub dub Dub dub

"Ahm.. Ah.. Si. Sige. Diyan ka maglinis. Doon naman ako." Tumango lang siya at nagsimula na ding magpunas.

Matapos naming maglinis ay sabay na kaming lumabas ng school. Wala nading mga studyante.

"Ahm..Errol. Salamat sa pagtulong mo ah?" Ang dami kasi naming nalinis na bookshelf hindi katulad nung isa na walang ibang ginawa kundi humiga. Tingin ko matatapos ko ang paglilinis ng library kung si Errol ang kasama ko.

Hindi kasi siya maarte sa paglilinis kanina kahit naaalikabukan na siya, ok lang sa kanya.

"Pauwi ka na? Gusto mo ihatid na kita." Alok niya sa akin. May kotse kasi siya. Minor palang siya pero may sasakyan na siya.

"Naku.. Hindi na. Nakakahiya. Tinulungan mo na nga ako kanina sa paglilinis e. Ok lang. Malapit lang naman ang bahay namin."

"Sige na. Medyo madilim na. Delikado kung maglalakad ka pauwi. Ihahatid na kita." Pagmamapilit niya.

"Sige na nga." Lumabas na kami ng school at doon lang sa parking ang kanyang sasakyan. Sumakay na kami at inihatid niya na ako.

Malapit lang ang bahay kaya mabilis lang din kami nakarating.

"Sige. Dito na ako. Salamat sa paghatid." Lalabas na sana ako ng sasakyan niya pero nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at seryoso akong tinitigan sa mata.

*Dub dub Dub dub

"Kit, I like you." Sambit niya.

A..ano daw?

He..

He..

He likes me?

Whut?

A Gangster's First Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon