"Matulog ka na. Wag kang magpapapuyat. May pasok pa bukas." Tss. Parang Nanay kung makahabilin. Bumaba na ako dahil nandito na ako sa bahay. Bumaba din siya.
"Hep hep! Bakit bumaba ka pa?"
"Ihahatid kita sa loob."
"Hindi na kailangan. Ok na ako dito. Isa pa, tulog na ng mama ko kaya wag ka ng pa-good shot diyan." Sabi ko sa kanya.
"Oy. May shooting star oh!" Hala! Tlaga? Napatingin ako sa langit.
*smack
Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa ginawa niya. Nag grin look ako sa kanya.
"Good night!" Sabay nagmamadaling sumakay sa sasakyan at pinaandar.
Abay loko yun! Tama bang nakawan ako ng halik.
"Tss.. Baliw talaga." Pumasok na ako sa loob ng bahay.
"Ayiiee.. Kayo na ni Son in Law ano?"
"Ma? Gising ka pa?"
"Ay hindi. Nagdre-dream walking lang ako. Ano bang klaseng tanong yan? Nakakausap mo nga ako e. " ayan na naman sya sa pagiging pilosopo niya.
"Hindi ba sa Birthday party ka ng nanay ng bestfriend mo galing? Bakit sya ang naghatid sayo? Sabihin mo nga. Kayo na talaga ano? As in for Real? " Ang adik ng nanay ko.
"Ma. Inaantok na ako. Pagod. Bukas na lang po." Sabi ko dito at dire-diretsong pumasok sa loob ng kwarto.
Inaantok na talaga ako pero bakit parang hindi ako makatulog? Pinikit ko ng mata ko at..
Bakit ganun? Mukha niya ang nakikita ko? Epekto ba ito ng pagkakahalik niya sa akin?
Tinakluban ko na ng unan at kumot ang mukha ko pero hindi padin maalis ang mukha niya sa isip ko.
Aish!!! Bumangon ako at umupo nalang muna. Biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko at binasa ang laman.
*wag mo akong masyadong isipin. Matulog ka na. Good night. Love you. :-*
Arrrggh!! Nasabunutan ko na ang sarili ko. Ano bang nangyayari sa akin! Hindi pwede to.
"Kit..relax. Alalahanin mo, hindi ikaw ang gusto niya.. Si Harmonica! Hindi ikaw!" Para akong timang na kinakausap ko ang sarili ko.
Pero totoo naman. Si Harmonica talaga ang nakikita niya at hindi ako.
Maaga ako gumising. Ay hindi pala, hindi ako nakatulog ng maayos.
"Oh. Milo." Inabutan ako ni mma ng milo.
"Di ka nakatulog ano? May eyebugs ka oh. Halata." Sabi ni mama habang naghahanda ng agahan sa kusina.
"Si Kiefer ba yan?"
"Mama. Ang aga pa. Huwag mo muna akong asarin."
"Hindi kita inaasar anak. Tinatanong ko lang."
"Ewan ko po." Walang gana kong sagot.
"May gusto ka na ba sa kanya?" Tning niyang muli.
"Ewan ko nga po."
"Ah. Gusto mo nga." Tinignan ko ng masama si mama.
"Ano ba ma. Ewan nga yung sagot ko e paano magiging oo yun?"
"Sabi sa kanta, Ang Ewan ay katumbas na din ng OOng inaasam. Kaya Gusto mo nga siya." Kailan pa nahilig si mama sa kanta?
Kung sa bagay yung name ko nga may kinalaman sa music.
"Anak. Hindi naman ako tutol na magkajowa ka, bakit parang ayaw mo kay Kiefer?" Tanong ni mana sa akin.
"Hindi naman po sa ayaw pero.."
"Pero ano?"
"Hindi ako ang mahal niya ma. " Napakunot ang noo ni mama.
"Anong hindi? E halata naman sa kilos niya. Hinalikan ka nga kagabi." Nanlaki ang mata ko. Nakita pa ni mama yun? Kainis! Nakakahiya!
"Hindi naman ako yung nakikita niya. Ibang tao ma. Hindi ako."
"E? Sino ba yang tinutukoy mo?"
"Si Harmonica!" Napalakas ata ang sigaw ko dahilan para mahulog ni mama yung iniinom niyang kape sa sahig.
"Ma! Ok lang ba kayo? Sorry ma. Napalakas ata ako ng sabi. Kayo kasi." Pinulot ko dahan dahan ang basag na mug at nilagay sa basurahan.
Nakita ko na parang nakakita ng multo ang nanay ko sa pagkakatulala.
"Ma? Ok lang ba talaga kayo?"
"Ha? Ah... O.. Oo. Ok lang ako anak." Napakunot noo ako. Ang weird.
"Na..nakita mo na ba yung Harmonica?" Tanong ni mama.
"Hindi pa nga mama pero sabi nila kamukha ko daw sobra. Bakit ganyan ang reaksyon niyo? "
"Ha? Ah.. Hindi lang ako makapaniwala." Ang weird nya talaga.
"Hindi ka makapaniwala? Saan?"
"Na.. Na may kamukha ka! Ang malas ng babaeng iyon ah! Siguro parehas kami ng pinaglihian ng nanay nun kaya magkamukha kayo." Hayy naku.. Ang seryoso ko sabay ganun naman ang sasabihin niya.
"Makaligo na nga. Kayo talaga ma!" Tumayo na ako at naligo para sa pagpasok ko sa school.
Pero bago ako pumasok, nakita kong nag iba ang ekspresyon ng mukha ni mama. Yung parang maiiyak na pinipigilan lang.
Haay.. Ang mama ko talaga. Minsan weird, madalas OA. Yaan ang mama ko.
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Fiksi RemajaAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...