"Kitarah!" Sigaw niya sa akin mula sa kabilang kwarto. Para namang nasa bundok. Kung makasigaw.
"Where are you? What happen? Bakit nawalan ng ilaw.?" Sunod -sunod niyang tanong.
"Brown out siguro. Babalik din yan." Nakahiga na ako at gusto ko ng magpahinga dahil pagod na ako.
"Kitarah!" Sigaw muli nito. Napabangon ako sa kinahihigaan ko.
"Ano ba?" Sigaw ko din sa kanya. Kanina pa kasi tawag ng tawag. Gusto ko ng matulog!
"Pwe..pwede mo ba akong samahan dito? "Nauutal niyang tanong. Nakaramdam ako ng init sa mukha.
Hindi din ako nakasagot agad
*Dub dub Dub dub
"Kita..." Sisigaw na naman siya na parang abot sa kapitbahay kaya pumunta na ako sa kwarto ko. Kahit madilim, kaya ko namang pumunta dahil alam ko na ang pasikot sikot sa loob ng bahay. Akala mo naman napakalaki ng tinirhan namin.
Binuksan ko ang pinto at kumapa-kapa dahil sa dilim. Bakit ba kasi napaka dilim nitong bahay na nilipatan namin! Si mama talaga, hindi marunong tumingin ng uupahan.
"Ikaw na ba yan?" Tanong niya habang ako ay papunta sa kinaroroonan niya.
"Oo. Nasaan ka ba?" Sa aking paglalakad ay may nabunggo akong ..
Hindi ko alam kung ano dahil napahiga na ako sa kama ko. Siguro nabunggo ko yung dulo ng kama kaya bumagsak ako sa unan na nakakalat sa kama.
Ilang saglit lang ay biglang bumalik ang ilaw.
At...
At napating ako sa kinahihigaan ko.
*Dub dub Dub dub
Akala ko unan. Katawan pala.
"Akala ko ba wala kayong relasyon? Eh, Ano yan?" Napalingon ako sa nagsalita. Nasa pinto ng kwarto si mama at nakatingin sa amin ng nakakaloko.
Aish! Kainis! Pakiramdam ko napunta lahat ng dugo ko sa aking mukha dahil sa hiya at inis.
At dahil doon napabangon ako kaagad. Ganun din siya.
"Mali ka ng inaakala ma. Sumisigaw kasi siya kanina at pinapapunta ako dito kaya pumunta ako. Isa pa, nawalan ng kuryente.."
"Pumunta ka at ganun ang posisyon nyo? Oh'come on Kit. Ok lang naman sa akin na magka boyfriend ka, ang importante hindi ka naglilihim sa akin. Boto naman ako kay Kie.." Ayan na naman siya! E,sa mali nga sya ng isip e.!
"Ma! Ano ba! Pwede maniwala kayo sa akin? Wala kaming relasyon ng lalakeng ito. Malabong mangyari iyon!" Minsan talaga napagdududahan ko na siya kung nanay ko ba siya o hindi. Kakainis lang! Ang lakas mangtrip.! Grrr!!
"Totoo po yun tita. Pinapunta ko po siya dito dahil hindi ako sanay sa sobrang dilim at bumagsak po siya sa akin kanina kaya ganun po yung posisyon namin." Napatango tango siya habang nag eexplain si Kiefer. Napansin kong nag iba ang mood niya. Parang naging seryoso at pokerface. May nasabi ba akong hindi maganda sa kanya?
"Ah. Ok. Heto. Bumili ako ng damit na pwede mong suotin bukas." Binigay ni mama yung binili niya para dito. Tingnan mo ito. Nang si Kiefer ang nagpaliwanag walang keme na tinanggap samantalang akong anak nya pinagdudahan niya pa. Huhu. Napaka unfair ng ina ko!
"Ang unfair! Tss.. Makatulog na nga. " padabog kong sabi.
"Hayaan mo siya..tamporurut lang yun. Hehe." Narinig ko pang sabi ni mama dito.
.
.
.
.
"Bakit ang tagal mong gisingin?" Ano ba? Hanggang sa panaginip ko ba nandito pa din siya? Nasa pinto siya at nakasibilyan."Mag aalas syete na. Late na tayo." Oo nga pala. Dito pala siya natulog. Syete naman..
Syete?
Napamulat ako at napatayo. Alas syete na? Naku po! Malelate na ako! Kumuha ako ng uniform sa cabinet ko at dumiretso na sa c.r. para maligo.
Matapos kong magligo ay magbibihis na sana ako kaso may mga nakalimutan akong dalhin sa c.r. Dahil sa pagmamadali ko ay nakalimutan ko halos lahat at tanging uniform lang ang dala ko.
"Ma!" Sigaw ko mula sa c.r. Parang hindi ako naririnig ng nanay ko.
"Ma!" Tawag ko ulit.
"Umalis na si Tita. May pupuntahan daw." Whut? Umalis siya at iniwan ako na kasama ko itong mokong na to?
Hindi niya ba ako inisip? Paano nalang kung rapist pala itong si Kuyang Gangster?
"Pwedeng bilisan mo? Late na tayo!" Sigaw nito.
"Edi mauna ka!"
"Hindi pwede. Hinabilin ka sa akin ni Tita." Wow. Close na close na sila. At kailan pa siya naging concern sa akin? Kailan?!
Paano na to? Paano ako kukuha ng undies ko kung wala naman akong twalya?
"Bakit ba ang tagal niyong mga babae sa banyo?" Isa pa itong reklamador! Bwisit lang.
Huminga ako ng malalim. Sige! Lalaksan at kakapalan ko na ang mukha ko.
"Ahm.. Kiefer. Pwedeng pakuha ng twalya ko sa kwarto ko? Nakalimutan ko kasing kunin. " narinig ko ang hakbang niya na papunta sa akin. Kumatok ito at binuksan ko ng konti ang pinto para makuha ko ang twalya. Nang makuha ko ay agad kong tinapis ito sa aking katawan bago lumabas ng banyo. Nasa sala sya at nag aantay. Napalingon pa siya sa gawi ko. Nakita ko ang pamumula sa kanyang mukha. Hindi ko na lang pinansin. Dali dali na akong nagbihis sa kwarto dahil sa pagmamadali ng mokong nito sa akin.
" papasok ka ng naka sibilyan? Bawal yan ah?" Sabi ko sa kanya habang nakataxi kami.
Haist.. Ang arte. Ayaw maglakad o kaya mag jeep. Gusto talaga magtaxi.
"Anak ako ng may-ari ng school kaya hindi big deal kung hindi ako nakauniform." Edi wow. Siya na mayaman. Tss.. Unfair!!!" Bumaba na kaminng marating namin ang school. Kita ko kaagad ang mga studyante na pinagbubulungan kami.
"Sige. Una na ako.." Maglalakad palang ako palayo ng hilahin niya yung bag ko kaya napaatras ako at siya namang akbay niya sa akin.
*Dub dub Dub dub
Kailangan ko na atang magpacheck up. Hindi na normal ang tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Teen FictionAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...