"Don't forget our science camping on saturday. Class dismiss." Hooh! Natapos din.
Nag unat muna ako. Ang sakit kasi ng katawan ko sa matagal na kakaupo at maghapong discussion.
Naramdaman kong may humalik sa ulo ko.
"Let's go?" Sabi nito. Kinuha niya ang bag ko.
"Ako na magbibitbit.."
"No. Ako na. I'm your boyfriend kaya ako na." Nakangiti niyang sabi. Napatingin naman ako sa mga kaklase namin na kala mo nanunuod ng pelikula, wagas kung makatutok sa amin lalo na yung Quinie. Tss.
"Halika na. May pupuntahan pa tayo." Kinuha nya ang kamay ko at sabay na lumabas ng room. Hanggang sa corridor at field hindi kami tinigilan ng mga mata ng mga chismosa at inggetera.
"Saan ba tayo pupunta? Gusto ko na kasing umuwi." Sabi ko habang nagdadrive siya.
"Sa Mall. Magde-date." Sabi niya.
Inihinto niya ang sasakyan at pumasok na kami sa mall.
As usual, holding hands.
"Gusto ko kasing magkaroon tayo ng quality time. Yung tayo lang, walang tropa at walang kaagaw." Sabi niya pa.
"Saan mo gustong pumunta?" Tanong niya sa akin. Siya ba talaga ito? Baka ibang tao ang kasama ko.
"Gusto kong kumain ng Ice cream. "
"Okay! First stop, DQ tayo!" Masigla niyang sabi at pumunta na nga kami doon para bumili ng ice cream.
Matapos naming bumili ng Ice cream ay naglaro naman kami sa Tom's World. Iba-ibang laro na maisipan ko. Ako daw ang pumili e.
"Kiefer! Tara doon tayo oh!" Tinutukoy ko yung dancefloor na sensored. Tapos gagayahin mo lang yung steps na nasa screen.
"Ha? Ahm.. Hindi kasi ako sumasayaw."
"Ay! Sige na. Ang sarap kayang sumayaw. Dali na!" Hinila ko siya at namili ako ng sayaw.
"Kit. Hindi ba nakakahiya? Ang daming tao." Gusto kong matawa sa itsura nya halatang ayaw niya talaga.
"Ano ka ba. Ok lang yan! Hindi ka naman nila kilala."
"Kit. Ayoko talaga. Kung gusto mo, ikaw nalang. Panunuorin nalang kita." Ay! Napaka KJ naman nito.
"Ang Kj mo. Sige kung ayaw mo, hindi na kita kakausapin! Bahala ka." Sabi ko.
"Se..seryoso ka ba?" Pinindot ko yung song na gusto kong sayawin at hindi ko siya pinansin.
"Ki..kit. Wag ka namang ganyan." Sumasayaw na ako at kinukulit niya pa ako.
"Ayoko talaga. Hindi ako marunong sumayaw e. Iba nalang. Kung gusto mo, kakantahan nalang kita or tutugtugan ng any instrument na gusto mo, wag lang to." Lalalala. Wala akong naririnig. Sasayaw lang ako.
"Wiwit!" Narinig kong may sumipol.
"Nice body huh? "
"Oo nga. Sige. Igiling mo! Haha.!" Narinig kong may nagsasalita ng ganun.
Tumigil ako sa pagsasayaw.
"Oh? Miss. Bakit ka huminto? Nag eenjoy pa kami." Aba. Bastos ng bunganga nito ah.
"Anong problema niyo? Binabastos niyo ba ang girlfriend ko?" Nakita kong nag iba na ang reaksyon ng mukha ni Kiefer.
" wowowo.. Relax dude. Natutuwa lang kami sa kanya.."hindi na naituloy ng lalake ang sinasabi niya ng makatikim ito ng suntok kay Kiefer.
"Ay! Ano ba Kiefer!" Sigaw ko.
"Loko to ah!" Gumanti naman yung isa at sinapak siya. Hindi naka ilag si Kiefer kaya nagkapasa siya.
"Kuya! Ano ba! Tigilan niyo na yan!" Pilit kong inaawat yung nanununtok kay Kiefer.
"Huwag kang makikialam babae!" Tinulak ako nung lalake at nabunggo ako sa isang cart na malapit.
"Aray!" Hinawakan ko yung bandang noo ko na natamaan at nakita kong dumugo ito.
"Walanghiya ka! Anong karapatan mong saktan ang girlfriend ko ha!." Galit na galit na siya at to the point na hindi na siya mapigilan ng dalawang kasamahan ng lalake sa pagsuntok doon sa tumulak sa akin.
Hindi na siya makontrol. Kahit dumating na ang mga gwardya ay hindi pa din siya maawat.
"Sir. Tama na po!" Pigil ng gwardya. Ibang Kit ang nakikita ko ngayon.
Tumayo ako at tumungo sa lugar niya.
"Kit!" Hinawakan ko ang kamao niya at doon lang siya tumigil. Tinignan ko yung taong binubugbug niya. Wala na itong malay.
"Itigil mo na yan. Baka mapatay mo pa sya." Sabi ko dito. Tumayo ito at dinala naman sa Ospital yung lalakeng binugbog niya.
"Ayoko kasing nababastos ka." Sabi nito. Kinuha niya yung panyo niya at inilagay sa sugat ko sa ulo.
"Loko yun! Kapag nakita ko siya, papatayin ko na siya. Tignan niya yung ginawa niya sayo oh!"
"Ano ba! Tama na. Hindi mo ba nakita yung itsura nung binugbog mo? Halos mawala na yung mukha." Sabi ko dito.
"Ikaw naman kasi! Sabi kong wag ng sumayaw!" Galit niyang sabi.
"E malay ko bang babastusin ako. Akala mo natutuwa ako? Tingin mo gusto ko yun?" Aish! Nakakainis.
"Oh. Sige na. Sorry na." Totoo ba ito? Nagsosorry siya?
"Kumain nalang tayo." Sabi niya at hinila ako paalis sa lugar na parang walang nangyari.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya sa akin.
"Ikaw bahala. Kahit ano." Siya na nga ang bahala. Pumila na siya at ako naman ay naghanap ng mauupuan.
Nakaupo na ako ng mapansin ko ang isang babae na nakaupo sa labas ng fastfood at parang may inaantay. Nanlaki ang mata ko. Nagulat.
Kinilabutan ako. Parang nananalamin ako. Kumurap kurap pa ako para malinawan ang paningin ko.Kamukha ko talaga!
May dumating na matandang lalake at sumama siya dito.
Hindi kaya siya si Harmonica?
Pero ang sabi ni Errol nag ibang bansa ito? Hindi kaya bumalik na siya?"Harmonica.." Bulong ko nalang sa hangin.
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Novela JuvenilAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...