Chapter 3

5.4K 118 2
                                    

Hingang malalim!

Inhale! Exhale!
“I’m ready!” nakatayo ako ngayon sa labas ng school at papasok palang. Ito yung first day ko sa school na ito.

Ano ba ’yan! Yearly nalang ako naglilipat ng school. Nakakainis! Maghahanap na naman ako ng bagong kaibigan ditto. Sana maging close ko sila.

“Good Morning Manong!” Masigla kong bati sa guard. Nakita kong natulala lang siya. Alam kong maganda na ako hindi na kailangang ipahalata pa. mamaya bibigyan ko ng autograph tong si Manong.

Tinignan ko yung mumunting papel na hawak ko. Nakasulat kasi dito kung anong section ang papasukan ko. Bawat room na dadaanan ko ay tinitignan ko ang itaas ng pinto. Doon kasi nakasulat ang pangalan ng classroom.

“Room 143” Basa ko. Heto na ata yun pero bakit nakasara? Tumingin ako sa bintana. May mga studyante naman sa loob. Hala? Baka late na ako sa first subject. Baka naman sira yung relo sa bahay! Lagot ako nito. Unang araw palang mukhang may marka na ako sa school.

Bahala na. kailangan kong pumasok sa room na to. Hihingi nalang ako ng sorry kung late man ako.

Pinihit ko ang door knob at dahan dahang pumasok. Ilang Segundo lang ay may nahulog sa mukha ko na pintura at lalagyan nito.

“hahahahahaha!!” Malakas na tawanan ang narinig ko.

Ramdam ko ang malagkit na nakabalot sa katawan ko. Dahan dahan kong tinanggal ang nakasaklob na lalagyan ng pintura.

“hahaha. GRabe! Sakto sa mukha! Hahha!” komento pa ng isa. Ihagis ko kaya sa pagmumukha nya ito para ako naman ang matawa. Unang araw palang! Binibwisit ako ng mga ito. Pambihira!

“What’s happening here? Oh my Goodness! Sino ang gumawa nito?”  natahimik ang lahat sa pagdating ng guro.

“hija. Go to the clinic at manghiram sa nurse ng extra uniform. My goodness! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa section na ito. Ga-graduate nalang...” hindi ko na pinatapos ang paninermon ni ma’am dahil tumuloy na ako sa clinic. Mabuti na lang at wala ng studyante sa labas ng corridor. Nakakahiya kasi.

Madali ko lang nahanap ang clinic dahil malapit lang naman ito sa building ng room namin. Kumatok ako at agad naman akong pinagbuksan ng nurse. Sinabi ko na din ang reason ko kaya pinagbihis na niya ako sa clinic buti nalang at may comfort room sila ditto.

“tapos napo akong magbihis. Ibabalik ko nalang po ito bukas.” Sabi ko sa nurse na busying nagsusulat sa record book niya.

“sige pakibalik nalang bu..” tumingin siya sa akin at sinuklian ko siya ng ngiti. Ilang Segundo din siyang natulala sa akin. Napakunot ang noo ko. Bakit kaya?

“ahm.. bakit nurse? May dumi pa ba ako sa mukha?”sa sinabi kong iyon ay parang nagising siya sa kanyang pagkakatulala. Naku.. natomboy ata sa kagandahan ko si Nurse. Hehe.

“ahm.. ano. Kasi.. ano nga ang pangalan mo? Kailangan ko kasing irecord yang hiniram mo.” Ahh.. yun naman pala. Lumapit ako kay nurse.

“Kitarah Sanchez po” ngumiti ako at si nurse naman ay sinulat ang pangalan ko.

“isauli mo yang uniform bago mag three pm bukas.” Tumango ako at lumabas na ng room.

Binilisan ko na ang lakad ko para makahabol sa unang araw ng school. Baka kasi nagpapakilala na sila doon tapos wala pa ako. Edi syempre, may mga nalampasan na akong pwede kong maging kaibigan hindi ba? Ganern!

At sa kasawiang palad ay tapos na yata sila magpakilala. Nagsasalita na kasi si Ma’am. Naka bukas naman ang pinto ng classroom pero Kumatok pa din ako bilang paggalang. Nakita ko ang pagkagulat ng lahat ng studyante ng Makita nila ako. Ganun din ang guro ko.

A Gangster's First Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon