"Buti pumunta ka." Nakipagbeso ito sa Lalake.
Hooh..
Akala ko siya. Ibang tao pala. Kaboses kasi pero hindi siya kasi may kaedaran na din ito.
"Are you alone?"Tanong ng mommy ni Jiro s lalake.
"Nope. Kasama ko ang anak ko."
"Mom, excuse us." Paalam ni Jiro dito.
"Hey, wait." Sabi ng lalake at pinakatitigan akong mabuti.
"Harmonica? " Sabi nito.
"Ahm. Sorry po. Hindi po ako si Harmonica. "
"Oh. So..sorry. I thought you are. " Ngumiti lang ako at lumakad palayo sa kanila. Kilala niya si Harmonica.
"Kit. Maiwan lang kita saglit dito. May kukunin lang ako sa room ko." Tumango ako at iniwan niya sa isang tabi.
Sana mabilis lang siya. Nakaka o.p. kasi dito. Wala akong kakilala.
"Pati ba ang pinsan ko uutuin mo din?" Haay.. Mas ok ng ma out of place kesa sa may makaaway dito.
"Wow. Kung ako sayo uuwi na ako dahil nakakahiya ang mag stay sa gantong lugar. Nagmumukha kang basahan. Can't you see? This people are came from a highest and well known clans. In short. Mga mayayaman. And you know what we call a person like you? A gold digger. Tumatabi sa mayayaman. Para kang mantsa sa puting damit, panira." Heto na nama ako. Lumalabas na namn ang kahinaan ko. Luha, wag kang babagsak. Please?
May dumaang waiter na may dalang wine. Kinuha niya yun mula sa tray at sinaboy sa akin. Mabilis ang pangyayari kaya hindi ko siya napigilan.
"Now, you have a reason para umalis." Pagmamataray pa niya. Buti nalang at nasa likod kami kaya wala masyadong nakakakita sa amin.
"Papasukin na natin ang Big Cake!"
Tumakbo ako papunta sa pinto pero sa hindi inaasahang pangyayari, natumba ako sa Giant Cake na papasok sa loob ng hall dahilan para bumagsak ako at kumalat ang cake. Hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko.
"Oh no!" Sigaw ng iba. Naagaw ko ang attensyon nila.
"Karma. Haha." Sabi ni Quinie.
Tumayo ako at pinunasan ko ang mukha ko na natatakpan ng cake. Umiiyak na ako pero hindi halata dahil sa cake na nasa mukha ko.
"What Happen? Hija?" Lumapit sa akin yung Mommy ni Jiro at pinunasan ng tissue ang mukha ko.
"Waiter. Ikuha mo ako ng twalya. Bilis!" Sabi ng ginang habang pinupunasan ako. Wala ako sa sarili. Napapatingin ako sa madaming tao na iba-ibang reaksyon. Yung parang nandidiri, naaawa at nahihiya.
Pero may umagaw lalo ng atensyon ko. Na dahilan para lalo akong maiyak.
Si Kiefer.
Nandito sya.
At nakita nya ang nangyari sa akin.
Nakatingin lang siya ng deretso sa akin. Walang emosyon na makikita sa mukha niya.
"Let's go hija. Magbihis ka muna sa room ko." Nagising lang ang diwa ko ng alalayan ako ng Mommy ni Jiro papunta sa Elevator. Pumasok kami sa isang room.
"I'm sorry po. Nasira ko po yung cake at yung party niyo. Sorry po." Dito ko na nabuhos ang luha ko. Umiyak na ako habang humihingi ng sorry sa mommy ni Jiro.
"Ssshh.. Wag mong sisihin ang sarili mo. Aksidente yun. Walang may gusto. Now, pumasok ka na sa rest room at magpalit ng damit. Here." May inabot siya sa aking dress.
"Wear this, ok? Iiwan na muna kita. Sasamahan ka naman ng make up artist ko." Lumabas na siya ng room at ako naman ay pumasok na sa banyo at naligo.
Matapos kong maligo ay sinuot ko na ang dress na binigay ng mommy ni Jiro. Kulay krema ito at bumagay sa kulay ng balat ko.
Lumabas ako ng banyo para makita ng tuluyan ang sarili ko sa whole body mirror nila.
"Ay! Bongga! Ganda mo te!" Sabi nung make up artist n kasama ko sa kwarto.
"Halika, aayusan kita." Hinila niya ako at pinaupo sa upuan at nakaharap ako sa salamin.
"Ha? Wag na. Ok na ako."
"Ano ka ba? Light make up lang para lumutang yang suot mo."
"Hindi na. Nakakahija. Isa pa, hindi ko naman birthday."
"Ano ba, wag ka ngang makulit. Isa pa, utos ito ni madam." Wala na akong nagawa at inayusan na niya ako.
"Pwedeng magtanong, ano ba ang trabaho ng mommy ni Jiro?" Tanong ko sa nag aayos sa akin.
"Fashion Designer. Sikat ang mga design nya all over the world." Wow. Big time pala talaga.
"And believe me or not, yang suot mo ay design niya." Tinignan ko ang damit na suot ko.
Wow. Feeling ko ang swerte ko. Dinaig ko pa yung mga model sa Asia's Next Top Model na nakasuot ng branded na damit.
Ilang saglit lang ay natapos na din ang pagme-make up sa akin. May kumatok sa room at pinagbuksan naman iyon ng make up artist na kasama ko.
"Kit, nabalitaan ko.." Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil sa pagkakakita niya sa akin.
"Wow.. You.. You're beautiful." Napanganga pa ata siya sa itsura ko.
"Wuy.. Jiro. Pasukan ka ng langaw diyan." Biro ko dito.
"Alam niyo. Bumalik na kayo sa Party." Sabi ng Make-Up Artist.
"I'm here to be your escort." Sabi naman ni Jiro.
"Ano? JS Prom?haha" hindi na kami nagtagal pa at bumaba na pabalik sa party.
Pagpasok pa lang ng pinto ay napansin ko na ang tinginan ng mga tao sa party. Kita ko ang pagkamangha nila.
"Wow!Beautiful!" Narinig kong sabi ng isa sa mga dumalos sa party.
"Ano ba yan. Feeling ko tuloy naagawan ko ang mommy mo ng moment." Bulong ko kay Jiro.
Nakita ko din si Kiefer na nakatingin sa amin. Yung grupo din ni Quinie ay nakatingin sa akin. Hah! Maglaway sila.
Nagulat ako ng bigyan ako ng spot light.
"Salamat sa aksidente kanina because of that, ladies and gentlemen, I present to you. My new and latest work. " Ibig sabihin. Parang minodel ko na yung damit na gawa niya? Hindi na pala Parang, ako na ang nagmodel.
"Wow. How nice!"
"I want it!"
"It looks like she launch it right now"
"So beautiful dress."
Iyan ang naririnig kong kumento nila. Sabay palakpak. May mga kumuha din ng picture sa akin. Kinantahan na din ang Mommy ni Jiro ng Happy Birthday Song. At ang huli, nagsayawan na.
Gumilid na ako. Ayoko ng maagaw ang atensyon ng lahat lalo na at hindi naman sa aking party to. Sumasakit na din ang paa ko dahil sa takong na suot ko. Ang taas naman kasi.
Ang kaninang masiglang tugtog ay napalitan ng sweet dance. Nakita ko si Jiro na sinasayaw niya ang Mommy niya. Close na close siguro sila.
Nagulat ako ng may naramdaman akong kamay na humawak sa akin at hinila ako sa gitna.
"Kiefer!" Kinuha niya ang dalawa kong kamay at inilagay iyon sa balikat niya. Nilagay naman niya ang kamay niya sa bewang ko.
*Dub dub dub dub
*Dub dub Dub dubHindi ko alam ang sasabihin. Speechless ako lalo ng tingnan nya ako sa mata.
"You're so damn beautiful."
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Teen FictionAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...