Narinig ko na ang boses na ito. Hindi ko lang matandaan kung saan. Lumingon ako sa kinaroroonan ng tinig at nakita ko na naman siya.Papalapit siya sa akin. Napakunot ang noo ko. Isa siyang member ng KNIFE. At dahil Member siya doon dapat Galit din ako sa kanya gaya ng pagkagalit ko kay Kuyang Gangster.
"Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko sa kanya.
"Dapat ako ang magtanong niyan, Anong ginagawa mo dito? Hindi mo ba alam na place ko ito?" Huminto siya sa harap ko. Ilang hakbang lang ang pagitan namin.
"Bakit? Nakapangalan ba sayo ang building na ito? Hindi di ba? Sa school ito at studyante ako dito kaya may karapatan ako." Pagdadahilan ko. May point naman ako. Nakatingin siya sa akin. Nakakailang naman.
Dub dub Dub dub
Hulu? Bakit ganto yung puso ko, hindi normal yung tibok.
Lumapit pa siya sa akin ng kaunte. Isang hakbang nalang pwede na niya akong mayakap. Chos!
"..oh crap! Kamukha mo talaga..." May sinabi siya pero hindi ko narinig.
"Anong sabi mo? " Tanong ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot. Kumuha lang siya ng panyo at pinunasan ang pisngi ko.
Dub dub Dub dub
Ano ba! May tumatakbo ba sa loob ng katawan ko? Ang bilis kasi.
"Hindi solusyon ang pag iyak. Kapag umiyak ka lalo kalang mamomoblema. You know why? Kasi magrerelease ka ng water sa katawan mo at kapag nagrelease ka ng water pwede kang ma-dehydrate at pwede kang magcollapse at maospital at mamatay." Hinawi ko ang kamay niya. Aba! Patay agad?
"Ang O.A. mo ha! Patay agad? Grabe ka! E kung ikaw kaya ang patayin ko. Bwisit to." Bigla ba naman itong tumawa.
"Haha.. You know what?.. I like you.. " I'm stiffed. Ene dew? He leyk me?
"I mean.. Your Humor.. I like it. " Awkward ah. Speechless ako. Tumingin siya sa wrist watch niya bago ibigay sa akin yung panyong pinampunas niya sa aking luha.
"I need to go. May klase pa ako." Lumakad na siya papunta sa pinto.
"Teka? Anong gagawin ko dito sa panyo?"
"It's up to you. Singahan mo or itapon mo." Nagwave back siya sa akin bago bumaba ng hagdan.
Ibang klase din siya. Pero mukhang mabait naman. Tumingin ako sa relo ko at limang minuto nalang bago mag start ang klase.
Aish!! Kailangan ko talagang pumasok kainis! Parang ayoko ng bumalik doon baka masapak ko lang yung lalakeng yun.
Dali dali akong bumaba at patakbo ng papunta ng room. Sakto namang naglalakad ang teacher namin papunta ng room.
"Good morning Ma'am!" Bati ko dito bago lampasan at pumasok sa room. Natahimik sila sa pagpasok ko. Taas noo akong pumasok na parang walang nangyare kanina.
Tumingin ako sa gawing likod at wala doon si Kuyang Gangster. Palagay ko nagpaplano na yun ng gagawin sa akin dahil sa pagsuntok ko sa kanya kanina. Pero hindi ko pinagsisisihan yun. He deserves it! Ha!
Pumunta na ako sa upuan ko at nakita kong malinis na iyon. Aba? Sino kaya ang naglinis nito?
"Good morning class. Let's start our lesson.." Umayos na kami ng upo ng dumating na si Maam.
"Mr. Reyes, bakit ang dumi ng damit mo?" Napatingin ako sa kaklase namin na tinawag ni maam. Ang dumi ng damit niya. Kulay chocolate at napansin kong may pasa siya sa kaliwang pisngi niya.
"Ahm.. Wala po ma'am. Nadapa lang ako sa putikan kanina. " dahilan nito. Nagbukas na ng laptop si maam at nagsimula ng mag discuss.
Himala. Wala atang nangtitrip sa akin ngayong maghapon na ito. Siguro, pawelcome lang talaga nila sa akin yun. Hehe.
Nag aayos na ako ng gamit ng may humablot ng bag ko. Si Quinie at may kasama siyang mga alipores. Napatayo ako.
"Akin na ang bag ko." Kukunin ko sana pero nilayo niya sa akin iyon. Naramdaman kong may humawak sa magkabila kong braso.
"Ano ba? Bitawan niyo nga ako!" Nagpupumiglas ako pero sadyang malakas yung dalawang babae na nakahawak sa akin.
*slap!
*slap!Kaliwa't kanan niya akong sinampal. Malakas na sampal. Yung iba naming kaklase nakatingin lang sa amin at parang natutuwa pa.
"Anong karapatan mong saktan si Kiefer? At sa harap pa ng madaming tao!" Gusto ko sanang gumanti ng sampal. Ang sakit kaya nun kaso wagas makakapit itong dalawang nakahawak sa akin.
"Wala kang karapatang saktan si Kiefer. Isa ka lang walang kwentang tao dito sa school na ito." Sinampal niya ulit ako. Nakaramdam ako ng panghihina ng katawan dahil sa malakas na sampal na iyon. Ang bigat naman ng kamay ng babaeng ito parang naalog ata ang utak ko sa sampal niya.
Binitawan ako ng dalawang babae at hinawakan naman ako ni Quinie sa aking buhok.
"Aray! Ano ba Nasasaktan ako!" Protesta ko habang hila niya ang buhok ko palabas ng room.
"Tingin mo hindi mo kami nasaktan?" Tanong niya habang kinakaladkad ako palabas ng building.
Ano bang pinagsasabi ng babaeng ito. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila.
Nang makarating kami sa ipen ground ng school ay tinulak niya ako sa lupa. Nakita kong nakapalibot ang madaming studyante sa amin. Nagulo na din ang buhok ko. Sa sobrang sakit ng ulo ko parang maiiyak na ako.
"Kulang pa yan sa ginawa mo sa amin! Dahil sayo naging cold siya! Wala na siyang ibang iniisip kundi ikaw!ikaw!ikaw! Hindi niya na ako napapansin. Sana nga hindi ka nalang bumalik!" Hindi ko alam ang pinagsasabi niya at bigla niya na naman akong sinabunutan.
Grabe na siya. Hindi ko na natiis kaya gumanti na ako. Hinila ko din ang buhok niya.
"Alam mo, hindi ko alam ang pinagsasabi mong maldita ka!" Wala bang aawat sa aming teacher o guard? Walanjo namang school ito!
"Huwag ka ngang mag maang maangan pa! Alam kong nagpapanggap ka lang na ibang tao! Alam kong ikaw si Harmonica! " Sino ba kasi yang Harmonica na yan!
Naramdaman kong may humawi sa aming dalawa dahilan para magkalasan kami ng bruha na to.
Tumalikod siya mula sa akin. Pero nakikita ko pa din ang mukha ni Quinie.
"Kiefer.." Boses ni Quinie na parang nakakita ng multo.
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Teen FictionAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...