Kumalas ito sa akin at lumabas na ng pinto.
Ma..
Mahal niya ako?
Ano ba! Gulong gulo na ako.
Ano bang gusto nilang ireact ko?
Bakit ba ako napasama sa gantong sitwasyon?
Bago ako bumalik sa canteen ay nag ayos ayos muna ako ng sarili ko.
Papalapit palang ako ng canteen ng makita ko si Quinie na kausap si Kiefer at may pinapanood siya sa phone niya. Nakita ko ang pagkunot noo ng mukha ni Kiefer. Napatingin sa akin si Quinie at nakangiting nakakaasar.
Parang may pakiramdam ako na may mangyayaring hindi maganda ngayong araw na ito.
Lumapit pa ako sa lugar nila.
"Babalik na ako sa room.." Matalim na tumingin sa akin si Kiefer.
"Anong ibig sabihin nito?" Ipinakita niya sa akin yung phone.
Video pala sa phone.
Ako at si Errol. Sa C.R. na magkayakap.
"Oh.Ow!" -Inigo.
Ano bang sasabihin ko?
"Magsalita ka!" Pasigaw nyang sabi.
Ano ba dapat ang sabihin ko? Hindi ko alam.
"May gusto ka ba sa kanya?" Nanggigigil niyang tanong. Hindi ako nakasagot ng bigla nyang itapon ang cellphone na hawak niya.
"Oh my Goodness! My IPhone 6S! " Sigaw naman ni Quinie pero hindi kami natinag sa pwesto namin. Nakatitig siya sa akin at maluha-luha.
"Silence means yes right?" Sabi niya at iniwan na niya ako. Umalis na din sina Fabio at sumunod sa kanya.
Naramdaman kong tumulo ang luha ko. Bakit ba parang apektado ako? Una sa lahat, hindi ko naman siya sinagot kaya walang dahilan para maging ganto ako.
*slap!
Nakaramdama na naman ako ng sampal mula kay Quinie.
"Kasalanan mo lahat ng ito! Kung hindi ka malandi hindi sana magkakaganun si King Kiefer at hindi sana masisira ang phone ko. Tapos pati si Errol dinamay mo? Flirt! Napaka flirt mo! Malandi! Whore!" Nagpintig ang tenga ko sa huling sinabi niya.
Alam kong hindi ako ganun pero masakit pakinggan.
"At dahil diyan. Expect the unexpected. " Iniwan na din niya ako. Pinagtitinginan na naman ako ng mga tao sa canteen.
Sunod sunod na bumagsak ang luha sa mata ko.
"Kung galit si Kiefer sa kanya, it means we have the rights para pagtripan siya?" Sabi ng isa sa mga tao sa canteen.
"Yeah"
"Oo nga"
"Namiss ko to!"
Tama si Quinie, expect the unexpected. Hindi na ako nagtagal pa at umalis na ako sa canteen. Baka may bumato na naman sa akin ng pagkain.
Pumasok ako sa room at wala siya doon.
"Malandi"
"Two timer"
"Flirt!"
"Prostitute!"
"Hahaha"
Yan ang mga naririnig ko habang nasa room ako at nag aantay na magkaroon ng klase.
"May balak ata siyang isa-isahin ang Black knife. Haha."
Yumuko nalang ako at umiyak sa pwesto ko.
Bakit ko ba nararanasan to? Ang sakit na kasi.
"Girls! May balita ako! Nasa Quadrangle si King Kiefer at King Errol! Nagsusuntukan!" Napatayo ako sa sinabi nung babaeng hingal na hingal na pumasok sa room namin.
Tumakbo ako pababa at pumunta sa Quadrangle. Naabutan kong nagsusuntukan nga ang dalawa. May mga nanonood pero walang umaawat. Takot siguro silang madamay.
"Nico, Bakit nakatayo lang kayo diyan? Bakit hindi niyo awatin?" Tanong ko sa tatlo.
"Ayaw magpaawat. Huwag daw kaming makiki alam." Anong klaseng kaibigan sila? Ako na nga lang ang aawat.
"Akala ko kaibigan ka? Ahas ka pala!"-Kiefer.
"Kung noon naduwag ako kay Harmonica, ngayon ipaglalaban ko na si Kit."-Errol.
"Tama na! Ano ba! Tumigil na nga kayo!" Pilit kong inaawat ang dalawa sa kanilang suntukan. Masyadong malakas si Kiefer para awatin.
"Kiefer! Errol! Ano ba! Tumigil nga kayo!" Kinukuha ko yung kamay ni Kiefer para tumigil na siya kaso sa sobrang lakas niya ay nasuntok din niya ako patalikod. Bumagsak ako sa ginawa nya. Naramdaman ko ding dumugo ang ilong ko. Napatigil din sila sa pagsusuntukan nila.
"Kit!" Agad naman akong nilapitan ni Errol. Pambihira. Kailangang masapak muna ako bago sila tumigil.
"Kit..." Mahina nyang sabi. Nakita kong nag alala siya pero napalitan din kaagad ang ekspesyon ng mukha niya.
Agad namang pinunasan ni Errol ang ilong ko.
"O..ok na. Ako na ang magpupunas." Sabi ko. Agad din akong tumayo at pinagpagan ang uniform ko.
"Simula ngayon, hindi na siya Member ng BLACK KNIFE..." Sigaw niya sa mga taong nanonood sa amin. Nabigla kaming lahat lalo na ang mga kaibigan nila.
"K, Bro.. Wag ka namang ganyan!" -Nico.
"Pre. Galit ka lang."-Fabio.
"Wag ka namang magbiro K.."-Inigo
"Tingin mo magbibiro ako sa lagay na ito? Kung ayaw niyo sa desisyon ko edi wag! Bahala kayo!" Sumipa pa ito sa lupa bago kami iwanan.
"Yaan mo bro. Kakausapin namin sya." Sabi ni Inigo bago sila sumunod kay Keifer.
Humarap sa akin si Errol. Nakita ko ang pasa sa pisngi niya. May unting dugo ding namuo sa gilid ng labi niya.
"Are you ok? Masakit ba? Gusto mo dalhin kita sa clinic?" Tanong niya sa akin pero umiling lang ako.
"Ayos lang ako." Sabi ko.
"I'm sorry." Sabay pa naming sabi. Hindi ko na napigilan at naiyak na naman ako.
"Sorry.. Da..dahil sa akin, magkaaway kayo ni Kiefer. I'm sorry .."
"Sshhh... Wala kang kasalanan. Wag mong sisihin ang sarili mo. " Pinunasan naman niya ang luha ko sa pisngi at binigyan ako ng ngiti.
"In fact, mas gumanda ang pakiramdam ko. Parang nabunutan ako ng tinik. Hindi ko alam pero masarap sa pakiramdam.." Ang alin ? Ang pagkakasapak sa kanya?
"Masarap sa pakiramdam na pinaglalaban mo yung taong mahal mo."
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Teen FictionAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...