Chapter 14

4K 91 0
                                    

"Errol?" Tawag ko. Feeling Close ano?

Pero teka muna, siya na nga kaya yun?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Obvious ba? Edi bumibili ng Energy Drink." Nga naman.

"Ikaw?" Wow. Tropa lang. Parang walang atraso yung Grupo nila sa akin.

"Kumain ng Ice Cream." Sabi ko.

"Halata nga." Sabi niya. Nilapit niya ang hinlalaki niya sa bibig ko at may pinunas.

*Dub dub Dub dub

"Sorry! Makalat talaga ako kumain. " pagdadahilan ko. Nakakahiya. Siya pa ang nagtanggal.

"Pauwi ka na?" Tanong niya.

"Hindi pa naman. Magpapahangin lang sana ako sa labas bago umuwi."

"Really? May I join you?" Hanudaw? Sasamahan niya ako?

"Ha? Ah. Eh." I-O-U. Bakit  ba ako nauutal? Napahawak ako sa batok.

"Kung ayaw mo ok lang.."

"Ay hindi! Ok lang." Ano yung sinabi ko? Pumayag ba ako? Bakit? Lagot ka sa akin mamaya kang bibig ka. Masasampal kita sa bahay.

"May alam akong Park na malapit dito, gusto mong puntahan?" Tumango nalang ako bilang pag sang ayon. Bakit ang bait nito kumpara sa leader nila?

Malapit nga lang talaga. Wala pang sampung minuto ng marating namin yung park na sinasabi niya. Maliit lang yun pero konti lang ang tao. Parang kani nga lang. May swing din at siso.

Pumwesto ako sa swing. Namiss ko ito. Tagal ko ng hindi nakapagswing.

"Ahm. Errol pwedeng itulak mo ako sa swing? Tagal na akong di nakakalaro sa ganto e. Pwede?" Narinig kong tumawa ito bago ako itulak sa swing. Mahina lang naman.

"You're so cute.. Para kang bata." Ayt! Thank you! Hihi.

"Sigurado ka bang member ka ng Black Knife?"

"Why you ask?"

"Ang bait mo kasi. Hindi ka tulad nila lalo na si Kiefer. Tss. Mayabang, arogante at nakakaasar." Sabi ko dito.

"Tingin mo mabait ako?" Napaisip ako. Anong ibig niyang sabihin? Tumalon ako mula sa pagkakaswing niya at batid kong nagulat siya sa ginawa ko.

"Huwag mong sabihing may balak kayong masama sa akin at nagbabait-baitan ka lang para maisakatuparan niyo yang plano niyo.? Ano tama ako?" Bigla ba naman itong tumawa ng wagas. Hala siya oh? Wala ng bukas kuya?

"Haha..you're so..so..funny. Ganun ba talaga kami kasama sa mata mo? " Tumango ako at sumeryoso naman ang mukha nya.

"Wow. For real?" Tumango ulit ako at nakita kong sumeryoso siya ng mukha.

"If that so, wala akong magagawa. And advice ko sayo. Mahabang pisi pa ang kakailanganin mo dahil pakiramdam ko matagal tagal ka pang papahirapin ni Kiefer." Hala.. Talaga? Ganun siya?

"May tanong pala ako." Pag iiba ko ng usapan.

"Ano yun?"

"Ilan ba kayo na may suot na ganyang jacket na may hood?" Tumingin siya sa suot niya.

"Kaming Lima." Tumango tango ako. Aahh.. Lima sila.

"May bracelet ka ba na may nakaukit na Knife?" Hindi ko mapigilan itanong. Medyo close na din naman ako sa knya kaya itinanong ko na.

"Yes. Actually. Kaming lima merong ganun. Wait? Bakit mo natanong?"

"Ah.wala naman. Ang cute kasi ng jacket at bracelet niyo akala ko nabili niyo lang sa mall bibili sana ako. Hehe." Palusot ko dito.

"Ay. Ano. Errol. Uuwi na ako. Gumagabi na. Baka pagalitan pa ako ng nanay ko. Salamat ulit sa time ha? Wag kang mag alala, hindi na kita susungitan. Exempted ka sa galit ko sa Black Knife. Sige Bye." Nag wave ako habang papalayo sa pwesto niya.

Unang araw ko sa aming parusa. Nandito ako sa library para mag ayos ng mga libro at hanggang ngayon ay wala pa ang loko!

Grrrr!! Walang kwenta! Pwe! Matapos ang klase may isa't kalahating oras kami para magayos ng libro sa library. At hindi biro yun dahil sa laki ng library hindi ko alam kung saan ako magsisimula at hindi pa sya sumipot sa parusa namin. Ang Unfair nya!! Pakitang tao lang sya sa detention room!

Sabi ng librarian unahin ko daw yung sa dulo. Medyo magulo daw dun at maalikabok dahil hindi naman daw masyadong napupuntahan. At sabi niya pa, mag iingat daw ako dahil may nagpaparamdam daw na babae don. Tumatakbo takbo at kung minsan nanunumba ng hagdan. May kataasan kasi yung ibang bookshelf kaya kailangan ng hagdan.

Ang creepy! Kailangang sabihin din sa akin yung kwentong barberong iyon?

"Ms. Sanchez, iwan mo nalang sa guard yung susi ng library kailangan ko na kasing umalis." Sabi ni ma'am librarian.

"Ma'am? Iiwan niyo akong mag isa dito?" Hindi naman sa natatakot ako pero paano kung may nangyari sa aking hindi maganda dito? Edi walang tutulong sa akin.

"Di ba may kasama ka pa? Here's the key." Iniabot niya sa akin yung susi. Oo nga. May kasama ako pero ng indian naman. Tss.

Iniwan na ako ni Ms. Librarian. Sa pagsara niya ng pinto nakaramdam ako na parang malamig sa paligid. Napatayo ang balahibo ko sa braso. Ang tahimik kasi talaga sa library.

"Bahala na! Go Kit! You can do it!" Kumuha na ako ng malinis na basahan at pumunta sa pinaka dulo para doon magsimulang maglinis.

Malaki ang library at matataas ang mga bookshelf. Maganda sana yung lugar kaso hindi masyadong nagagamit dahil parang di na uso ang magresearch sa ganito. May Google na kasi.

Inuna kong linis yung sa itaas bago sa baba. Makapal na ang alikabok dito.

"Grabe. Kala ko mayaman tong school nato bakit di sila kumuha ng tagalinis ng library. Grabe alikabok. Ang kapal." Sabi ko sa sarili ko. Wala naman akong ibang makausap.

Ilang minuto lang ay may narinig akong parang bumukas na pinto. Napatingin ako sa gawing kaliwa ko kung saan makikita ko yung pinto ng library. Wala namang pumasok. Hindi ko nalang pinansin at patuloy lang sa pagpunas ng bookshelf at libro.

Maya-maya'y may naaning akobsa aking perepheral view na parang may dumaan. Napalingon ako. Wala namang dumadaan.

"Relax kit. Walang ibang tao dito. Ikaw lang. Wag mong pansinin yun." Sabi kong muli sa aking sarili. Pampalakas lang ng loob.

"Psst.." Nanlaki ang mata ko. Si..sino yung sumitsit?

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Biglang nanlamig ang kamay ko.

"Sino yang kasama mo.." May narinig ako kumakanta nun na matinis ang boses. Napalunok ako ng laway.

Bakit ganto yung nararamdaman ko? Kinikilabutan ako. Huwag mong sabihing naniwala ka sa sinabi nung librarian? Alam naman nating kwentong bayan lang yung ganun!

"Psst!!" Ayan na naman siya! Huhu.

"Si..sino yan? Pwe..pwede ba? Tigilan niyo na ako?" Lakas loob kong sabi.

"Ayaw namin.." Aba? Sumasagot pa. Hayaan mo na Kit. Huwag mo nalang pansinin. Itinuon ko nalang yung mata ko sa libro na nasa harapan ko.

Kinuha ko yun sa shelf para linisin pero dapat pala hindi ko nalang kinuha.

"Kyaah!!" Sigaw ko dahil sa takot ko ng makita ko yung panget na mukha sa harapan ko. May dugo-dugo pa ito. Nahulog ko pa ang librong hawak ko at sa di inaasahan, nahulog din ako sa hagdan pero bakit ganun? Hindi masakit yung nahulugan kong sahig? Napa angat ako ng mukha.

Kaya naman pala.

May sumalo.

Dub dub  Dub dub

A Gangster's First Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon