*pak!
Ouch. Narinig ko yun. Ang lakas ng pagkakasampal niya kay Quinie na naging dahilan para mapaupo ito sa sahig at dumugo ang gilid ng kanyang labi.
"Who told you to do this? Huh?" Maotoridad na boses at pasigaw nitong sabi. Grabe. Nakakatakot.
Natahimik ang lahat sa ginawa niya. Nakita kong inalalayan si Quinie ng aming kaklase na si Reyes sa pagtayo.
"Let me go." Saway niya sa binatang tumulong sa kanya. Maldita talaga. Siya na nga ang tinutulungang tumayo. Tss..
"Pinagtatanggol lang kita sa babaeng yan!" Tumingin ito sa akin. Kaso medyo nanlalabo na ang paningin ko.
"Alam kong dahil sa kanya kung bakit ka nagkakaganyan.." Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil naramdaman ko na parang nahihilo ako.
"Kuyang Gangster.." Tawag ko dito at bigla nalang nanlabo ang paningin ko at sabay ng pagtumba ko sa lupa.
Nagising ako na masakit ang ulo.
"Ouch." Para akong may hang over. Masakit talaga. Dahil siguro sa pagsampal at sabunot sa akin ng malditang Quinie na yun.
Napamulat ako ng mata at nakita kong nakatayo at nakatitig sa akin ang isang gwapong lalake este si Kuyang Gangster pala. Nag iwas ito ng tingin ng mapansin niyang namulat na ang mata ko. Aba... Feeling ko may crush ito sa akin.
"Anong nangyari? Nasaan ako? Nasa Langit na ba ako? Pero imposible, kasi kung nasa langit na nga ako bakit ka nandito? Sa sama ng ugali mo posibleng mapunta ka dito. "
"Magaling ka na nga." Umalis na ito sa harapan ko at nagtungo sa pintuan.
"Sandali. Biro lang.. Ouch!" Napahawak ako sa ulo ko. Mukhang O.A na ako kasi sampal at sabunot lang naman yung nangyari sa akin kanina para matakbo ako dito sa Ospital.
"Sabi ng Doktor, pwede ka ng lumabas paggising mo. Minor injury lang yan. Wag ka ng mag alala sa Bill, nabayaran ko na. Alam ko namang hindi mo kayang magbayad." Aba. Ang yabang! Sinara niya ang pinto at iniwan akong mag isa sa kwarto ng Ospital na to.
Tumungin ako sa relo ko at pasado alas syete na. Naku! May sermon na naman ako nito sa Nanay ko.
"Ma. Nandito na ako." Pagbukas ko ng pinto ay agad na bumungad sa akin ang mama ko na may hawak na Hanger at nakasalubong na kilay.
Oh my..
"Anong oras na bakit nga.." Napahinto siya sa pagsasalita ng mapansin niyang may benda ako sa ulo. Lumapit siya at niyakap ako ng panandalian.
"Anong nangyare? Bakit may benda ka sa ulo? Sino ang may gawa nito? Anak? Nakikilala mo pa ba ako? Ako yung Nanay mo. Alam mo ba ang Pangalan mo? Ikaw si Kitarah..." Ayan na naman kami sa kadramahan slash ka-OA-yan ng nanay ko.
Sasabihin ko ba yung totoo?
Syempre, hindi.
"Ano.. Kasi.. May nadaanan akong construction site tapos nahulugan ako ng hallow block pero hindi naman malake kaya Ok lang ako. Sinagot din ng may ari ng site yung pinang ospital ko." Pagdadahilan ko. Baka kasi bigla nalang ito sumugod sa school at mag eskandalo. Ayokong mangyare yun. Wagas pa naman siya magreklamo.
"Sigurado kang ayos ka lang? Kasi kung hindi. Ipapa-Ospital kita ulit tapos ipapasagot ko lahat ng treatment sayo nung companya na gumawa niyan sayo. Tapos babayaran tayo para hindi masira yung kompanya nila..." Napaikot nalang ang eyeballs ko sa sinasabi ng nanay ko.
"Ano ba ma? Okay na talaga ako. Gusto niyo lang makakick back e."
"Biro lang. Seryoso ng Ampon ko."
"Ma!!" Reklamo ko. Tinawanan lang ako.
"Oh siya, magpahinga ka na." Tumungo na ako sa kwarto at nagbihis ng pantulog.
Masama siyang tao pero bakit niya ako tinulungan? Kinuha ko yung bracelet at tinitigan.
Siya kaya yung tumulong sa akin? Pero hindi lang siya yung nakahood na ganun.
Marami tanong ang namumuo sa isip ko. Madami akong gustong malaman. Tungkol sa Black Knife, Bakit Galit na galit sa akin si Quinie at kung sino si Harmonica.
Pero paano ko malalaman lahat ng iyon kung wala akong kaclose sa school? Alangan namang isearch ko sa google, aba. Malay ba ni Google.Dinamay ko pa. Dami na nga niyang trabaho.
*light bulb!
Aha! Alam ko na!
"Jiro Lamesera!"
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Fiksi RemajaAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...