PREVIEW

80.3K 1.5K 504
                                    

Twitter: itsnipo
Instagram: iamnipo

+++++++++++

Ang lakas lakas ng ulan, di ko pa alam kung nasaan ako. Ang alam ko, pumunta kami sa Pampanga para mag inuman. Ewan ko rin kung bakit ako sumama sakanila pero di ko talaga matanggihan si Matteo.

Sobrang crush ko kasi si Matteo, ang gwapo gwapo niya kasi tapos ang tangkad. Siya kasi ang model sa school namen, syempre kailangan artistahin para naman naman makaakit ng mga enrolees.

Di ko naman akalain na magiging kaibigan ko siya, normal lang naman ako na bakla. Alam niya naman na bakla ako, at may respeto siya saken.

Pero di ko alam kung bakit niya nagawa saken to.

Kanina pa ako tumatakbo sa matataas na talahib. Lagpas na nga hanggang ulo ko eh, imbis na matakot ako, ang gusto ko na lang, makaalis sa lugar na pinuntahan namen. Dala dala ko pa yung bag ko tapos nakauniform pa ako.

Kahit bakla ako, may respeto ako sa sarili ko. Ganun naman kasi dapat, para di ako napagtitripan pero bakit saken pa nangyari to.

Habang tumatakbo palayo, napansin kong malapit na ako sa hi way na siya namang kinatuwa ko.

Nung makita ko yung mga sasakyan, pumapara ako pero walang humihinto saken. Wala rin akong makitang pwedeng silungan, basta puro talahib lang talaga.

Basang basa na ako at ang lamig lamig.

Nung wala ng dumadaang sasakyan, saka naman ako nakarinig ng parang may umiiyak. Hinanap ko yung tunog at di naman masyadong malayo, may matandang lalaki na umiiyak. Mukhang pulubi at madungis, pero nangibabaw yung awa ko kaya nilapitan ko siya.

"Ahmm.. manong, okay lang po ba kayo?" Tanong ko sakanya. Lumuhod ako para mahawakan ko siya.

"Nagugutom na kasi ako iho..." sagot niya. Sobrang nakakaawa talaga.

Chineck ko bag kong basang basa na kung nadala ko yung pagkain ko, buti na lang may isang lemon square cheesecake dun tapos binigay ko sakanya.

"Ohh, ayan po, kainin niyo po" sabi ko. Pinampayong ko yung bag ko sakanya para makakain ng maayos.

"Maraming Salamat iho" sabi niya.

Malapit kasi loob ko sa mga matatanda. Kaya di ako nagatubiling tulungan siya.

"Anong pangalan mo iho?" Tanong niya.

"Ahhh.. Julian po"

"Maraming Salamat Julian, iho. Napakabait mong bata" sabi niya pa.

Nakakatuwang makita sa labi ng matanda yung ngiti at saya kahit lemon square lang nabigay ko.

"Bakit pala nandito ka sa kalsada ng ganitong panahon, ang lakas lakas ng ulan at gabi na. Mamaya kung mapano ka pa."

Di ko naman masabi yung totoo sakanya kaya di na lang ako sumagot.

"Iho, pwede mo ba akong ihatid sa may kubo ko??"

"Ahh eh san po ba yung kubo niyo??"

"Sa may talahiban, di naman malayo rito" sabi niya pa.

Medyo na creepyhan ako. Gusto ko sanang umayaw kaso hinawakan niya kamay ko at naglakad na kami sa Talahiban.

Putek, nakakatakot talaga!! Di naman mukhang gagawa ng masama si manong pero kahit na, nakakatakot lang talaga.

Tapos ngayon, sumisipol siya habang naglalakad kami. Mas lalo tuloy akong kinilabutan, ang creepy ni manong!!

Pero sa di kalayuan, may nakita akong kubo na maliit na may ilaw. Siguro ayun nga yung tinutukoy niya.

Sobrang liit lang nung kubo, siguro dalawang dipa lang yung apat na sulok, tapos may lamesang gawa sa kawayan. Yung ilaw, parang lampara lang.

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon