VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!
++++
"Eh paano tayo niyan kung hindi tatalab yung gift ko kay Matteo? Hindi natin siya magagamit" sabi ko kay Blue.
"Wala rin akong idea kung paano Julian. Di ko talaga na anticipate na makakalaban natin siya" sabi pa ni Blue.
Medyo kinakabahan na rin ako kasi mukhang ayaw magpatalo ni Angelica.
"Unless.... mapaghihiwalay natin sila" sabi bigla ni Blue.
"Ano Blue?"
"Kaya mo si Angelica, Julian. Pero si Matteo, hindi talaga gagana yung gift mo sakanya. Pero kapag hindi katabi ni Matteo si Angelica, mananalo tayo"
"Paano natin gagawin yun Blue?!"
Habang nag uusap kami, napansin din nameng nag uusap si Matteo at Angelica.
Sinubukan ko uling basahin yung nasa isip ni Angelica.
"Bakit ang bagal natin ngayon? Nung mga naunang laban natin, isang atake lang tayo ah?"
Nung sumagot si Matteo, hindi ko mabasa yung nasa isip niya.
Ngayon may sense na lahat ng nangyayari.
Ever since, kaya hindi ko mabasa nasa isip ni Matteo kasi may gift din siya.
Pinahawak ko man yung libro ko sakanya, tapos kahit ganun, di ko pa rin mababasa gift niya.
Nung magkalaban kami sa stage 1, Hinawakan niya yung sasakyan na pinapagalaw ko gamit ang isip ko at bigla na lang bumalik sa dati yung sasakyan.
Ang tanong ko na lang, paano ko matatalo si Matteo ngayon?
"Julian, may naisip na akong pwede nating gawin" sabi ni Blue.
"Wow ang bilis naman?"
"Oo, kaso plan A lang 'to eh. Wala pa akong plan B. Kailangan natin makaisip hanggang plan C."
Iba talaga mag isip tong si Blue. Naghanap muna ako ng pwedeng ipanglaban sakanila habang nag iisip si Blue.
Tumakbo ako palapit sakanila habang busy sila sa pag uusap.
Nagulat si Blue sa ginawa ko pero di na niya ako napigilan.
Nakita ni Angelica bigla yung paglapit ko kaya naman bigla niya akong binatuhan ng isang napakalakas na hangin na siyang tumilapon saken.
Halos makabalik ako sa pwesto namen ni Blue sa lakas ng hangin.
"Julian!!!" Sigaw ni Matteo.
"Ano ba Matteo! Alam ko kaibigan mo yan si Julian pero nasa battle tayong dalawa!" Sabi ni Angelica.
Kailangan ko talagang makaisip ng pwedeng gawin.
Lumapit saken si Blue.
"Julian, sa tingin mo kapag may nangyari sa'yo, lalapit sa'yo si Matteo?" Bulong niya.
"Hmmm. Di ko alam..."
"Julian, alam ko hindi lang pagkakaibigan meron sainyo. Kaya sigurado akong lalapitan ka niya kapag may nangyari sa'yong masama"
"Anong gagawin mo Blue?!"
"Wala akong gagawin sa'yo! Nakaisip na ako ng plan B natin. Kaso kailangan ko pang makaisip ng plan C...."
Pinagmamasdan niyang mabuti si Angelica.
"Alam ko ang mga elementor may duration sa pag gamit ng gift nila eh. Kumbaga ngayon, inatake ka ni Angelica, pwede ka naman niya atakihin uli kaso hindi niya ginagawa...."

BINABASA MO ANG
Julian's Gift
FantastikHighest Achievement: #4 Fantasy themed Sundan ang magulong mundo ni Julian matapos makatanggap ng isang kakaibang regalo. Warning: this is an M2M Story. Kung di open minded, wag na basahin :)) Cover made by: @mr_bluex