Part 21

17.6K 691 59
                                    

Di na kami magkasama ng matagal nila Sarah at Gab. Pagkatapos namen magkwentuhan nun sa McDo, nagkanya kanya na kaming lahat.

+

First day na ng second sem at wala si Laurence, walang paramdam. Naiinis na ko sakanya, kanina pa ako tawag ng tawag, pero wala. Wala talaga!

"Ano ba namang itsura yan, naka busangot ka!" Sabay kami ni Matteo pumasok ngayon, asusual dun din siya nakikain sa bahay.

"Paano ba naman, walang pagpaparamdam tong si Laurence! Naiinis na ako"

"Aba aba, napaka OA na boyfriend ano po? Haha malay mo naman kasi tanghali pa pasok"

"Alam ko pasok niya, 10 ng umaga! Dpat gising na yun ngayon!"

Bigla naman natahimik si Matteo.

"Ano ba yan Ju, alas otso pa lang. Baka tulog pa yun, napaka OA mo!"

"Eh bahala siya, gusto ko na siyang makita eh!" Sabi ko sakanya.

Kaya inakbyan niya na lang ako at kinonyatan.

Naalala ko tuloy, palagi niya tong ginagawa saken.

"Ang over protective naman ng Juju ko. Nako, sgurado mamaya kayong dalawa na magkasama kaya wag ka na mag inarte dyan okay?" Paalala saken ni Matteo.

Tinulak ko siya para makawala sakanya tapos tumawa lang siya.

"Haha, oo na!" Sagot ko.

Bigla naman kaming natahimik ni Matteo.

Walang araw na di ko sinubukang malaman yung iniisip ni Matteo.

Bigla tuloy akong napatitig sakanya habang naglalakad.

Ang angas kasi ng itsura niya, matapang at di talaga makakailang gwapo siya, di matatago. Tapos ang ganda pa ng katawan.

Alam kong wala na akong nararamdaman kay Matteo pero gusto ko pa rin mabasa naiisip niya.

"Hoy ayan ka na naman sa pagtingin tingin mo saken Ju!"

"Ahhh, eh wala. Wala, haha, naiisip ko lang palagi, 'ano kayang tumatakbo sa isip ng lalaking to' haha"

"Aba, nag mimind reading ka ba? Sige nga...." bigla siyang huminto tapos humarap siya saken, hinawakan niya ako sa braso at tinignan sa mga mata.

"Go, basahin mo iniisip ko ngayon" sabi niya.

Tinignan ko siyang mabuti sa mata pero wala, wala talaga. As in, wala!

"Leche ano kala mo saken? May mind reading powers?" Biro ko na lang.

"Haha, sabagay tara na nga!"

Naglakad na uli kami, pero di pa pala siya tapos about sa topic ng mind reading.

"Kung mababasa mo lang nasa isip ko, puro day dreaming laman neto" ayan na naman siya sa seryosong tono ng boses niya.

"Alam mo naman ako, walang matinong pamilya, palagi ko lang iniimagine yung masayang pamilya niyo. Hehe sna may ganun din ako"

Ayaw kong nagiging ganito si Matteo, kasi ako nadadamay.

"Nako Matteo, Welcome ka naman sa pamilya namen no! Haha wag ka na malungkot diyan okay?"

Ngumiti na uli siya

"Oo na, haha. Kasi, tinanong tanong mo pa kung ano nasa isip ko eh haha yan tuloy!" Sabi niya pa.

Nakarating na kami sa sakayan, sumakay na kaming dalawa papuntang school.

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon