Part 56

15.8K 722 184
                                    

#6 na yung Julian's Gift sa FANTASY THEMED STORY!!! HEHE, SALAMAT! Alam ko bukas magbabago na uli pero naka reach na tayo ng 6 hihi.

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!

++++

Di ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising na lang ako dahil sa liwanag na nakikita ko.

Umaga na pero mag isa pa rin ako.

Ngayon ko mas napansin kung nasaan ako ngayon!

Sobrang lakas ng hangin, at hindi pantay yung lupa, mukhang pababa. Makapal din yung mga puno.

Akala ko nung una parehas lang nung stage 1, na nasa forest kami pero hindi eh, pababa yung lupa.

Nasa bundok ako,

Nasa gitnang part ng bundok.

Since maliwanag naman at nakikita ko dinadaanan ko, nagpasya akong bumaba ng bundok.

Hindi ko lang pala nararamdaman yung atake saken pero yung nature eh ramdam na ramdam ko, medyo mainit na at nakakairita na sa feeling.

Pero pinagpatuloy ko yung paglakad ko pababa, kahit mahirap, naglakad lang ako ng naglakad.

+

Halos isang oras na akong naglalakad pero di ko pa rin nararating yung ibaba, grabe! Nasaang bundok ba ako at ang taas taas na ng pwesto ko!

Pinagpatuloy ko lang yung pagbaba ko hanggang sa makarinig ako ng pagsigaw.

Boses ng babae yun at hinahanap ko kung saan nanggagaling.

Dahan dahan akong naglakad at pinuntahan ko yun, saka ko nakita ang isang falls! Napakagandang falls tapos yung binabagsakan ng tubig ay naiipon lang sa isang malaking sapa.

Ang ganda ganda ng lugar na'to.

Gusto ko sana maligo kaso narinig ko na naman yung sigaw!

"Tama na!!!" Sigaw ng babae.

"Sorry, para na rin matapos na tong event!" Sabi rin ng isang babae.

Hinanap ko kung nasaan sila, at napansin ko sila sa gilid ng tubig, nakaahon at mukhang naglalaban.

Yung isang babae, may hawak na kahoy.

At yung isang babae naman, nakatalikod saken.

Binasa ko yung nasa isip nila para naman makilala ko sila.

Yung babaeng may hawak ng kahoy ay si Majoy, at yung nakatalikod naman ay si Pauline.

Teka.... Pauline?

"Ate, patakasin mo na lang ako!" Sigaw pa ni Majoy.

Pero tinaas ni Pauline yung kamay niya at parang sumunod naman yung tubig sakanya. Pinaikot ikot niya yung kamay niya at nagpaikot ikot din yung tubig sa paligid niya.

Tatakbo sana si Majoy kaso pinigilan siya at na stuck sa tubig ni Pauline.

"Sorry!" Sabi ni Pauline at bigla na lang niyang pinasok sa loob ng malaking tubig si Majoy hanggang sa matalo na niya to.

Sa totoo lang, di pa ako sanay sa nakikita kong magic magic sa event na to, parang naninibago pa rin ako at namamangha.

Huminga ng malalim si Pauline at nung humarap na siya saken, nakilala ko na siya.

Siya nga yung pinsan ni Matteo!

Gusto ko sana siyang lapitan kaso baka atakihin niya rin ako, kaya dahan dahan akong tumayo at umalis pero napasigaw ako ng malakas ng makakita ako ng ahas!!!

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon