Part 27

17.1K 663 62
                                    

CONGRATS FEU!!!! LABAN SA WEDNESDAY.

VOTE AND COMMENTS LANG AH?! PARA LABLAB!!!

++++++

"Hala babe, lagot ako neto kina mama at papa!"

"Sorry babe, kasalanan ko to. Sabi ko iuuwi kita eh. Sorry, sorry"

Pauwi na ako ngayon, hinahatid ako ni Laurence.

Di ko rin kasi namalayan na umaga na pala, ang dami ng missed calls ni mama at papa saken.

"Lagot talaga ako neto" sabi ko pa.

"Babe, sorry talaga" paulit ulit niyang sabi.

Medyo kinakabahan pa ako kasi first time lang ako naging ganito.

Pero pag dating namen sa bahay, narinig kong tumatawa si mama at papa.

Medyo na curious tuloy ako sa nangyayari, kasi kanina tawag sila ng tawag tapos ngayon, tawa naman sila ng tawa.

Pag silip ko sa sala, nagulat ako ng makita ko rin si Matteo.

"Aba, sabi ko sainyo tita okay lang yan eh, baka nalasing lang kakainom haha" biglang sabi ni Matteo.

"Hay nako Julian, kung di pumunta si Matteo rito baka di kita palabasin ng bahay tuwing weekends!" Sabi naman ni papa.

"Hala tito, grounded?" Singit ni Matteo.

"Oh diba, kunwari rich kami. Pa grounded grounded na lang hahahaha" sabi pa ni papa.

At nagtawanan na naman silang tatlo.

"Uhm, sorry po talaga, kasalanan ko po kung bakit di nakauwi si Julian, naparami po kasi inom ko, di ko na kinaya" paliwanag naman ni Laurence.

"Nako, last na to Laurence ah? Ayokong inuumaga ng di nagpapaalam tong unica ija namen!" Sabi pa ni papa.

Mag rereact sana ako sa unica ija kaso may kasalanan ako kaya kinimkim ko na lang.

"Oh kumain na ba kayo?" Tanong naman ni mama.

Nakakagulat yung biglang bait nila mama at papa saken, siguro dahil kay Matteo yun. Sabagay, malakas talaga magpasaya tong si Matteo.

"Ah, hindi pa po" sabi ko na lang.

"Oh kumain na kayo, at baka ma late pa kayo!" Sabi pa ni mama.

Ang weird talaga ng nangyayari pero salamat na rin kay Matteo at naging okay sila.

++

"Oh? May utang ka saken Ju ah!" Sabi ni Matteo habang nasa sasakyan kaming tatlo papuntang school.

"Ewan ko sayo!" Sagot ko na lang.

"Oh bakit galit ka? Tinulungan na nga kita eh!"

"Edi salamat!"

"Ayy suplado!"

Sumingit naman sa usapan si Laurence.

"Pre, bakit ka pala nandun kina Julian ng ganon kaaga?" Tanong ni Laurence kay Matteo.

"Eh kasi tawag ng tawag parents ni Juju saken, tapos pinapunta niya ako sakanila. Sobrang nag aalala kaya" paliwanag ni Matteo.

"Tsk, dami ko kasing nainom kagabi eh"

"Nako, dapat di ka umiinom ng marami kapag kasama mo tong si Julian. Baka di mo mabantayan"

"Hehe oo nga pre eh. Tropa ko kasi eh, lakas uminom"

"Nako, sa susunod ah?"

"Haha, oo pre!"

Buti naman in good terms yung dalawa.

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon