Part 55

14.2K 698 127
                                    

Natahimik kaming lahat sa nangyari. Ngayon ko lang nakita si Kennard na ganun.

Wala pa kaming idea kung anong nangyayari at bakit niya ginawa yun.

"Bakit ka ba nagwala ng ganun? Anong nangyari?" Si Sarah yung kumausap kay Kennard at nakita naman namen na kumalma siya ng kaunti.

Parang problemado si Kennard ngayon kaya naupo muna kaming lahat sa gilid.

"Dahil sa'yo Julian" sabi ni Kennard.

Napatingin silang lahat saken. Pati si Matteo.

"Anong ibig mong sabihin na dahil saken?" Tanong ko.

"Sa simula pa lang ikaw na target niya Julian, ikaw talaga gusto niyang kalabanin."

"Ano yung sabi mo na kinokontrol niya si Laurence?"

Mag eexplain na sana si Kennard pero bigla na namang may umatake samen, at this time, iba na naman.

Lalaki siya at may hawak na latigong itim.

Sa kabilang side naman, may lalaki rin na mukhang kami ang puntirya, di ko alam kung ano naman yung gift niya.

Sa kabilang side din uli, may dalawang babae naman na parang ngumunguya at mukhang matapang din sila sa paglapit samen.

"Kayo ba yung dream team nilang sinasabi?!" Sabi nung lalaking may hawak ng latigo.

Binasa ko na muna yung nasa isip nila.

Yung may hawak ng latigo, si Jaden.

Yung lalaking isa, si Larry.

Yung isang babae naman si Macy.

Yung isang babae rin ay si Bea.


"Anong dreamteam kayo diyan!? Wala kaming ginagawa sainyo ah" maangas na sabi ni Matteo.

"Pre, walang personalan, laro laro lang" sabi naman ni Jaden.,

"Di ba kayo natatakot? Mas marami kami kesa sainyo"sabi ni Kennard.

Sabagay, ako, si Sarah, si Kennard, si Matteo at si JayR yung nandito.

"Edi kapag natalo namen kayo mas malaking puntos yung makukuha namen!" Sigaw naman ni Larry.

Nagreready na si Sarah at Kennard sa mangyayari. Si Matteo naman, mukhang naghahanda din.

Nakita ko naman yung Bea na may dinukot sa bulsa niya.

Libro at panulat din.

Sht. Hindi kaya.....

Tinignan ko si Sarah at kinausap ko siya sa isip niya.

"Nakilala mo na ba copycat mo?" Sabi ko sa isip niya.

"Hindi pa" sabi niya.

Bigla siyang nagdrawing.

Level 2 gift: pinasok ko isip ni Bea para makita yung nakikita niya.

At nagddrawing siya, limang tao, isang babae at apat na lalaki.

KAMI YUN!!

"Kennard! Parehas ng gift ni Bea yung gift ni Sarah!!!" Sigaw ko kaagad.

Nagulat si Bea sa sinabi ko at maya maya bigla na lang inatake ni Kennard si Bea!

Nabitawan niya yung pang drawing niya.

At nagsimula na yung panibagong laban!

Si Jaden, yung may hawak ng latigo, biglang sumugod papunta samen. Kasabay naman niya si Larry.

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon