Part 45

15.9K 775 95
                                    

Hi sa mga SILENT READERS na palaging nag PPM 😉

VOTE AND COMMENTS GUYS!! 😉

++++++

Christmas Dinner.

Asusual, nakahanda kami ng spaghetti, HAM, tinapay at cake.

Tatlo lang naman kaming kumakain ng sabay sabay kaya di na namen kailangan ng maraming pagkain,

At yung pagkain namen ng pasko, tumatagal ng apat na araw.

Masaya kaming nagkekwentuhan nila mama at papa.

"So, sino ang pupuntahan mo bukas sa mga lalaki mo?" Biglang tanong saken ni papa.

Taon taon pala may theme yung Christmas namen, ngayon taon, nakasuot kami ng kulay green.

"Pa! Ayan ka na naman. Paskong Pasko!"

"Hala, nahiya pa siya oh. Oh sila pupunta rito? Wag mo na silang papuntahin rito! Mababawasan yung pagkain natin, ikaw na lang pumunta sakanila!" Sabi pa ni papa.

"Ahahaha si papa talaga!"

"Pero sino nga pupuntahan mo o papupuntahin mo dito anak?" Singit naman ni mama.

"Ma, pati ba kayo?"

"Ano ba, gusto ko rin malaman yung nangyayari sa lovelife mo no!" Singit pa ni mama.

"Ehhhh..."

"Dali na anak. Sabihin mo na...."


Ang kulit nilang dalawa, di nila ako pinapagsalita.

"Di ko pa alam Ma, Pa. Kung sino na lang unang pumunta rito, siya na lang!" Sabi ko.

"Sign ba yan?" Sabi ni mama.

"Opo! Hehe."

At salamat, natahimik din sila!

"Pero, sino yung JayR, anak?" Tanong ni papa.

"Akala ko ba, okay na Pa? Tama na po. Haha" sabi ko.

"Yie. Showbiz ng sagot mo. Akala mo naman maganda!"

Natawa kami pareho ni mama sa sinabi ni papa.

"Bakit Pa? Hindi ba?" Sabi ko sabay beautiful eyes sa kanya.

"Nakakairita yang mata mo baka dukutin ko yan!" Sabi ni papa.

Nagtawanan na naman kaming dalawa ni mama.

"Syempre joke lang. Ikaw pinakamagandang anak ko. At syempre, pinakapogi rin!"

"No choice ka naman! Ako lang anak mo!"

"Ayun nga yun eh kung bakit ikaw lang. No choice kasi ako hahaha"

Wala talagang dull moment sa bahay kapag nandiyan si papa at mama.

Maswerte talaga ako sa mga magulang ko kasi baliw sila at tanggap din nila yung baliw na katulad ko.

Tapos na kaming lahat kumain at nagkekwentuhan na lang kami dun.

"Sige na, sa sala na kayo, maghuhugas na ako!" Sabi ni mama samen.

Nagmadali naman kami ni papa kasi naghihintayan lang naman kami kung sino maghuhugas eh.

Pagdating namen sa sala, nanuod muna kami ni papa ng TV, Sakto naman Home Alone palabas sa Star Movies.

Habang nanunuod, may kumakatok sa bahay namen at si mama na nagbukas.

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon