Part 25

18.1K 754 195
                                        





TAPOS CONGRATS SA UE WVT SA KAUNA UNAHAN NILANG PANALO SINCE SEASON 74 HUHU. LABLAB.

CONGRATS DIN SA SINUSUPORTAHAN KONG TEAM, UP WVT DAHIL SURE NA SILA SA FINAL FOUR!

SOOOOO. HAPPY READING!!!!!

Vote and Comments ahhh!!!!

++++

Ang dami na nameng natulungan ni Sarah kakalakad sa mall.

Since dalawa kaming nagpapalevel, dalawa kaming nadadagdagan ng points.

"Level 8 na ba tayo?" Tanong ko kay Sarah.

"Oo Julian. Level 8 na ako! Grabe! Ang saya!"

"Haha, oo nga kaso medyo nakakapagod"

Parang ang sakit din sa ulo ng ginagawa namen. Lalo na saken, gamit na gamit kasi talaga yung utak ko.

"Sobra. Akala ko ako lang eh, kain muna tayo uli?" Yaya niya.

"Osige tara" sagot ko.

Habang naglalakad kami, iniisip ko pa rin yung kay Kennard.

Ano kayang gift meron siya?

"Alam mo Julian, sana mabasa ko naiisip mo. Hehe parati kang natulala eh" sabi ni Sarah.

Sa foodcourt lang kami kumakain na dalawa.

"Oo hehe. Naiisip ko kasi yung sinabi sa announcement na 'kumpleto na tayo', ano kayang ibig sabihin nun? Ilan na kaya tayo?"

"Hmm, naisip ko rin yan eh kaso mas naiisip ko talaga kung paano tayo naging special na dalawa, at may isa pa. Yung illusionist"

Totoo yun. Ano kayang kinalaman namen, bakit kami special. At siguro, napakalakas kung sino man yung illusionist na yun.

"Well, as long na magkakampi tayo Sarah, feeling ko walang tatalo sateng dalawa" sabi ko sakanya.

"True that! Hehe" sagot niya.

Busy ako sa pagkain, ng bigla akong tanungin ni Sarah.

"Uy, Julian. Di ka ba nagtataka about kay Matteo? I mean, di gumagana gift mo sakanya, sa tingin mo meron din siyang gift?"

Palagi kong iniisip yun pero di ko sure. Mas gusto ko na lang isipin na may gift siya, kesa isipin ko na may malaking kinalaman siya sa future ko.

"Or what if, siya yung forever mo. Remember? Di talaga eepekto gift mo sa taong may kinalaman sa future mo?" Sabi niya pa.

"Hmmmm. Adik, bestfriend ko lang yun"

"Sus, bestfriend mo mukha mo. Siguro, bestfriend mo siya pero may gusto ka sakanya. Kaso iniiwasan mo siya kasi ayaw mong masira friendship mo kaya pumayag kang magpaligaw sa iba, kaya sinagot mo yung iba. Pero ang totoo, si Matteo talaga gusto mo"

Di ko alam kung saan nanggaling yung sinabi niyang yun. Pero di ako nakapagsalita.

Medyo totoo yung part na yun pero natutunan ko namang mahalin si Laurence, in fact, mahal na mahal ko nga siya.

"Ohhh, di ka makasagot! So totoo pala yun no?" Asar pa niya.

"Oyy hindi ahhh, Iba si Laurence. Sobrang sweet, at wala siyang paki sa sasabihin ng iba kapag magkasama kami. Proud na proud pa siya saken. Ano pang hahanapin ko diba?"

Ngumiti lang si Sarah at mukhang natuwa siya sa sinabi ko about kay Laurence.

"Ay sabagay hehe. Pero infernes ah, di halata kay Laurence na ganun siya, ang taray!"

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon