Part 48

13.9K 758 155
                                    




VOTE AND COMMENTS GUYS#!!!

++++

Hinawakan ni Matteo yung kamay ko at nilayo niya ako ng bahagya sa tapat ng building na yun.

"Ju..."

"Wag mo kong Jinu Ju, Ju diyan!"

"Wait, magpapaliwanag ako"

"Anong sasabihin mo?!" Medyo inis kong sabi.

Hindi naman ako naiinis kung bakit andito si Matteo ngayon, naiinis ko kasi ilang araw siyang di nagtext saken tapos hihilahin niya ako para makipag usap sakanya.

Ni text nga hindi niya magawa!

"Kinausap ko si Kuya...."

"Ayaw saken ng Kuya mo! Alam ko na yan, hindi ka naman lalayo saken kung hindi diba?!"

"Oo, pero kinakausap ko pa rin siya about saten."

"Pero ako? Kinausap mo ba ako?! Sige nga. Naghihintay ako sa'yo kasi ang sabi mo ipaglalaban mo ko sa Kuya mo, tapos biglang ganito?!"

Di naman siya makapagsalita.

"Sinusunod ko lang yung gusto ni Kuya, pero kinakausap ko pa rin siya."

"Ang panget ng rason mo. Kung ayaw, edi wag. Hindi yung pinapaasa mo ko! Mabuti pa si Laurence, nandiyan lang sa tabi ko. Pinapasaya ako at never niya akong hinahayaang maging malungkot!"

Bigla naman niyang hinawakan yung kamay ko.

"Maniwala ka saken, mahal kita..."

"Mahal mo ko pero di mo ko kayang ipaglaban!" Bitaw ko sa kamay niya sabay layo sakanya.

"Julian naman!"

"Please lang Matteo... tigilan mo na ako. Wag mo na akong paasahin sa wala" sabi ko pa sakanya.

Tumakbo na ako palapit kina Sarah at di na siya sumunod saken.

+++

"Ano daw gift niya?" Tanong saken ni Sarah habang kumakain kami sa mall nila Kennard at Lucas.

"Hindi ko natanong... nawala sa isip ko"

"Pero okay na yun, diba as of now, bawal ng tanungin yung gift ng mga tao dun at automatic na madidisqualify na?" Sabi pa ni Kennard.

"Ay oo nga, buti na lang pala Julian hindi mo natanong" sabi naman ni Sarah.

Tahimik lang si Lucas sa tabi ko habang kumakain kami.

"Julian, totoo bang sainyo nag Bagong Taon si Laurence?" Biglang tanong saken ni Lucas.

Napatingin ako sakanya.

Ayoko sanang sumagot pero naaawa ako sa reaksyon niya.

"Alam ko, sinabi saken ng mga katulong niya. Gusto ko lang din sa'yo manggaling pero mukhang 'oo' rin yung sagot mo"

"Pre, sabi ko naman kasi sa'yo, wag ka ng umasa kay Laurence. Iiwan iwan mo siya non tapos babalik ka sakanya, Ehh may Julian na siya eh!" Sabi ni Kennard sakanya.

"Alam mo naman yung storya ko diba? Di ko naman ginustong umalis. Wala naman akong magagawa, ayun yung gusto nila mama eh"

"Alam ko yun pre, pero wag mo rin sisihin si Laurence kung bakit siya naghanap ng iba. At lalong, wag mo sisihin si Julian, kasi wala naman siyang kasalanan"

Silang dalawa lang ni Kennard yung nag uusap.

"Kaya nga di na ako nagtataray kay Julian diba?"

Natawa ako dun sa sinabi niya,

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon