Part 65

15.6K 728 90
                                    

HAPPY 15K VOTES! YEHEY 😊😊😊😊

VOTE AND COMMENTS NA!!!

+++


"1.....2....3....4.... ahhhh...." ayan ang gumising saken, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong tulog, ang sarap sa pakiramdam. Parang isang buwan akong gising tapos natulog ako, ganun kasarap sa feeling.

Pag mulat ko, wala sa tabi ko si Matteo, pero nandun siya sa sahig at nagsisit ups.

Okay, ang hot niya. Ang hot ng boyfriend ko sa sahig.

Nagkunwari akong natutulog, pero umayos ako ng pwesto para makita ko siyang maigi. Pawis na pawis na siya, basang basa buhok niya, pati yung abs niya. Nakahubad kasi siya at tanging boxer lang suot niya.

Tumayo naman siya at nagstretch, nagpanggap pa rin akong tulog pero may konting dilat ng mata at nagpush up naman siya ng nakatalikod saken, kahit likod niya ang sarap, ang tambok pa ng pwet.

Nakangiti lang ako habang pinapanuod siya. Paano kaya ako nagkaroon ng ganitong ka yummy na boyfriend.

Tumayo siya uli at nagpanggap uli akong tulog. Pero this time, nakatingin siya saken.

Nahuli kaya niya ako?

Lumapit pa siya sa mukha ko at this time, ramdam ko yung paghinga niya saken.

"Cute mo talaga Juju" bulong niya saken.

Sht. Ang hirap magpanggap na tulog.

Kiniss pa niya ako sa pisngi ko.

"I love you" sabi niya tapos kiniss ako sa noo at nag I love you uli siya saka tumayo at dumiretso sa banyo.

Huminga na ako ng malalim nun at kumalma. Bumangon ako at nakita ko yung damit ni Matteo sa sahig. Pinulot ko yun para ilabahan pero ewan ko kung bakit ko inamoy yun.

Shet, ano 'tong ginagawa ko. Pero ayokong tumigil, ang bango, yung amoy pawis plus amoy ng pabango, sobrang nakakaadik. Dinadamdam ko pa yung pag amoy ko, napapapikit pa ako ng mata.

Naupo muna ako sa kama at pinagpatuloy ko yung pag amoy. Kulay Blue yung TShirt niyang yun at medyo basa ng pawis niya pero shet, ang bango bango talaga.

Para na akong nababaliw sa amoy.

Pero mas nabaliw ako nung nakita ko siya sa tapat ng CR, Nakatayo habang pinagmamasdan ako sa gnagawa ko sa TShirt niya. Nakatapis lang siya ng tuwalya ko at nakangiti.

"Hmmm.... ano kayang ginagawa ng asawa ko sa TShirt ko? Hmmm" dahan dahan siyang lumapit saken.

Pero tinapon ko kaagad yung TShirt niya sa gilid.

"Bakit ka magttyaga sa TShirt ko kung pwede namang fresh from my beautiful body yung aamuyin mo" ginapang niya ako sa kama at napapaurong ako.

Di pa rin siya nakakaligo, at kung ano yung amoy ng TShirt niya, ganun din amoy niya ngayon.

"Bakit mo ko pinagpapantasyahan habang wala ako? Pwede naman natin gawin together yun eh" bulong niya pa saken.

"Ahh.... Maligo ka na! Ang baho mo na!"

"Mabaho? Eh nilalanghap mo nga yung amoy ko kanina?"

Bakit ba ang perfect netong taong 'to! Sobra na. Ang OA na, pero totoo, ang hot talaga tapos nasa harap ko pa at inaakit ako.

"Wag kang ganyan..... mapusok ako pagdating sa'yo" sabi ko pa.


Mapusok?! Sa dami ng pwede mong sabihin Julian mapusok talaga?!

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon