Part 64

15.1K 735 71
                                    

Ewan ko ba pero feeling ko may nahahawakan akong kakaiba, pag dilat ko ng mata ko, nakita ko si Matteo na nakatingin saken, nakahiga kami pareho at nakangiti siya.

Di siya nagsabi ng Good Morning, nakangiti lang talaga siya.

"Gusto mo ba?" Tanong niya bigla.

"Anong gusto ko?"

"Nakahawak ka kaya sa ano ko" sabi niya sabay kindat.

Putek, kaya pala ang tigas at weird ng feeling!

Dali dali kong inalis kamay ko at tinago ko kamay ko sa kahihiyan.

"Hahahahahahahahaha nananaginip ka na naman siguro saken! Haha"

Bakit ko ba hawak hawak yun?!

Bumangon ako ng mabilis pero niyakap niya ako sa tyan ko at hinila papunta sa kanya. Nakapatong na tuloy ako sakanya at dun ko napansin na nakahubad pala siya.

"Bakit ka naman nakahubad!! Mamaya kung anong isipin nila pag may pumasok dito!"

"Ngayon ka pa nag ganyan, eh ginawa nga natin sa battlefield yun siguradong mas marami pang nakakita nun!" Sabi niya pa saken.

Saka ko naalala. Oo nga pala! Siguradong nakita talaga lahat ng nandun yun!! Natahimik lang ako saglit at inisip yung nangyari, naisip ko rin yung mga nakapanuod nun. Sht talaga.

"Hala, bakit kaya ganyan ka magreact ngayon? Haha" mukhang nang aasar si Matteo, nako, ganitong ganito pa naman 'to kapag nang aasar.

"Ewan ko sa'yo!" Sabi ko pa pero hindi niya hinayaang makaalis ako sa pagkakapatong sakanya.

"Nagsisisi ka ba?" Bigla niyang tanong, at this time, seryoso siya at walang reaksyon.

Ang gwapo talaga ni Matteo kahit bagong gising, ang puti puti, ang kinis, mapula yung pisngi at labi tapos ang hilig pa niyang kagatin labi niya sa harapan ko.

"Ah...."

"Nagsisisi ka ata eh. Sana di na lang natin ginawa"

Bigla niya akong hiniga ng maayos sa kama nun at tumagilid siya, ang bilis naman magtampo neto.

"Uy Matty, hindi, humarap ka rito" sabi ko.

Pero di niya ako pinapansin.

"Humarap ka na rito, uy. Di ako nagsisisi, nagenjoy nga ako eh" sabi ko pa.

Tapos bigla siyang humarap saken at nakangiti ng todo.

"Talaga? Nag enjoy ka?"

Medyo nahihiya ako sumagot pero sumenyas ako ng oo sakanya.

"Tara gawin natin uli, this time, may bago na akong technique! Nakita ko kasing binuhat ka tapos binagsak sa event eh, gagawin ko sa'yo yun!"

Excited na excited siyang sabihin yun.

"Ayan ka na naman sa kaanuhan mo ha!"

"Sus, nagsisisi ka lang eh" sabi niya uli sabay tagilid.

"Alam ko na yang technique mo na 'yan! 'Wag ako, haha" sabi ko sabay bangon sa kama ko at tayo, medyo mataas yung kama namen kasi nakadikit sa dingding yun.

Nung nakatayo na ako sa sahig, hinawakan ni Matteo yung kamay ko nun at hinila palapit sakanya. Nakaupo na siya sa kama, at dahil mataas yung kama, nagpantay yung mukha ko sa mukha niya.

Bigla niya akong hinalikan sa labi nun. Gusto ko sana alisin kaso nakapikit siya at mukhang dinadamdam niya. Bumuka yung labi niya at medyo intimate na yung mga oras na yun.

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon