Part 50

14.8K 780 90
                                    

Gusto ko malaman niyo na nababasa ko comments niyo at sobrang naaappreciate ko lahat!!

Maraming Salamat! Lalo na nag 9.5K Votes na si Julian. Ang saya!! Haha.

VOTE AND COMMENTS LANG AHHH? :)

++++++

"May idea ka ba sa mangyayari?" Tanong ko kay Blue.

Mukhang confident kasi siya eh, siguro dahil na rin sa gift niya.

"Wala din eh" sagot niya.

"Eh bakit parang excited ka?"

"Ano ba, kakampi kita eh. Hehe, para kasing di mo pa alam yung kaya mong gawin. Kaya ilalabas natin lahat yan sa stage na to."

Nakakatuwa naman yung pagka positive vibes netong si Blue.

+

Pumasok kaming dalawa ni Blue sa kwarto kung saan ginanap yung stage 1.

Bumukas din yung pinto sa kabilang dulo at may pumasok na dalawa ring may gift.

Tapos pumasok na uli si Jai.

"Well, ang battle na to' ay para sa lahat. Maglalaban yung dalawang grupo, at kung sino mananalo, aabante kaagad at makakalaban ang susunod na grupong nanalo."

Akala ko ba sabay sabay kaming maglalaban laban at paramihan kami ng life balls na makukuha?

"Change of rules, you have to defeat your opponents in order to get their life balls" sabi pa ni Jai.

"Hala, akala ko ba kukunin lang?" Singit ko.

"Well, that's actually my idea, but some of the organizers didn't agree to what I suggest. Kaya back to this format tayo okay?"

Hindi naman nagbabago yung reaction ni Blue at mukhang excited pa rin siya.

Yung makakalaban namen eh dalawang babae. Minsan ang hirap isipin kung paano ko lalabanan yung babae eh.

Pero mukha naman silang okay, parang gusto lang din nilang makipaglaban, ang di ko lang alam eh kung ano yung gift nila.

"Same format as stage 1, say stop when you're ready" sabi ni Jai sabay labas ng pinto.

Nagkatinginan lang kaming lahat sa loob at parang gusto na nilang magsimula.

Tahimik lang kami pare pareho, pero biglang nagsalita yung isang babae ng "stop" at unti unti ng nawawala yung image ng kwarto at nagbabago na uli yung setting ng room.

Nasa gubat kami ngayon at maaraw.

Napakaraming puno sa paligid, may mga napansin din akong hayop.

Tahimik at mukhang presko.

Maraming mga tuyong dahon sa lupa.

"Di ko ineexpect yung ganitong lugar" sabi bigla ni Blue habang pinagmamasdan ko pa yung magandang tanawin.

"Hala? Bakit naman?"

"Akala ko kasi sa last round mangyayari tong ganitong lugar" sabi niya pa.

"Bakit? Mahirap ba makawala dito?"

"Hindi naman. Feeling ko kasi mahirap na tong stage na 'to eh. Pero kung hindi pa 'to mahirap, ibig sabihin mas may mahirap pa"

Iba mag isip tong si Blue kaya naniniwala ako sakanya. Pero medyo may pagka weird din siya eh.

"Ohh, ano ng gagawin natin?" Bigla kong tanong sakanya.

"Una, kailangan nating malaman kung ano yung gift nilang dalawa.
Pangalawa, kailangan natin malaman kung nasaan sila.
Pangatlo, dapat sila ang lumapit saten para makapag set tayo ng trap"

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon