"Saan ba tayo pupunta Matty?"
Di nawala yung pagkaakbay niya saken habang nag lalakad ng mabilis.
"Matteo Acosta ano ba!" Medyo pasigaw ko sakanya.
"Aba, full name ah? Galit ka na niyan?" Pabiro niya pang sabi.
"Saan ba kasi talaga tayo pupunta?"
"Eto na, dito lang tayo sa Park"
Nasa freedom park kami ngayon sa may Malacañang. Tahimik lang at wala gaanong tao.
Pinaupo niya ako sa may bench tapos tinignan niyang mabuti yung mukha ko."Masakit ba yung sampal Ju?" Tanong niya.
"Oo! Di nga ako sinasampal nila mama eh tapos sasampalin lang ako ng ex mo!"
"Hala, bakit ka nagagalit saken?"
"Di ako nagagalit sa'yo. Nagagalit ako sa nangyari. Sobra. Parang ang hina hina ko" sabi ko naman.
Natawa lang si Matteo tapos niyakap niya ako.
Since nakaupo ako at siya naman nakatayo, nandun ako sa may bandang abs niya.
"Ayan, damhin mo yang abs ko para naman mawala kahit papano yung sakit" sabi naman ni Matteo.
"Ano kayang kinalaman nung abs niya?"
"Aabsorbin ng abs ko yung sakit ng sampal haha. Oh diba, wala na masyado?" Sabi niya pa.
Kahit ang korny ni Matteo ngayon, di naman mawala sa isip ko yung mga sinabi at ginawa niya kanina.
May konting kilig... sige, super kilig talaga lalo na nung nakayakap siya saken.
"Okay ka na ba diyan?" Tanong uli niya.
"Oo!"
"Ay iritable siya oh."
Natawa ako sa expression niya, napaka cute kasi niya talaga.
"Oh ayan, tumawa ka na rin sa wakas hehe"
Tumabi na siya saken ngayon.
"Gusto mo bang dito muna o papasok na tayo?" Tanong niya.
"Mamaya na konti. Parang ayoko nga pumasok ngayon eh"sabi ko.
"Yessss!!!! Tinatamad kang pumasok! Sige tara, umalis na lang tayo ngayon!"
Tumayo siya at hinatak niya ako.
"Teka, saan ba tayo pupunta?"
"Aba, kahit saan. Minsan ka lang tamarin pumasok, kaya sasamantalahin ko na to. Kahit ikaw yung gusto kong pagsamantalahan, hehe biro lang"
"Tigilan mo ko sa ganyang biro ah! Inakusahan ako ng ex mo na ganyan lang gusto ko sa'yo!"
"Pwede bang wag mo ng mabanggit pangalan nun Ju? Haha. Eh ayaw mo man lang ba ako pagsamantalahan??" Medyo pilyo boses niya nun.
"Hoy kapal ng mukha mo, nagustuhan kita kasi mabait ka at palabiro, hindi dahil sa katawan mo no! Tse!"
Pero kahit na ganun, di siya sumagot at nakatingin lang siya saken at nakangiti na parang loko loko.
"Oh bakit ka ganyan makangiti?"
Pero nakatingin lang siya saken.
"Hoy!"

BINABASA MO ANG
Julian's Gift
FantasyHighest Achievement: #4 Fantasy themed Sundan ang magulong mundo ni Julian matapos makatanggap ng isang kakaibang regalo. Warning: this is an M2M Story. Kung di open minded, wag na basahin :)) Cover made by: @mr_bluex