HI SA MGA READERS. SALAMAT SA SUPORTA SA STORY.
ABANGAN NIYO PO ANG LAST 14 CHAPTERS. TOTOO NA TO. HANGGANG 60 LANG :)
VOTE AND COMMENTS!!!!!
++++
"Parang ang suplado naman ng Kuya mo" sabi ko kay Matteo pagkalabas ng kuya niya,
"Nahihiya lang yun hehe."
"Hmmm. Nasaan pala parents mo?" Tanong ko bigla.
"Gusto mo ba talaga sila makilala?"
"Ehhh kaya mo naman ako pinunta rito diba?"
"Pinunta kita rito para mameet mo na si Kuya. Hindi yung mga yun" medyo inis niya pang sabi.
"Bakit ka ba ganun sa parents...."
"Ju! Alam mo naman yung kalagayan ko diba? Galit ako sa mga yun, ni hindi nga tayo pinansin kanina diba?!"
"Ehhh kasi hindi naman natin sila pinansin."
"Basta Ju. Wag na. Dito na lang muna tayo, gusto kita masolo ngayon eh" sabi niya pa sabay yakap saken.
Ramdam na ramdam ko yung inis ni Matteo ngayon sa mga parents niya kaya hinayaan ko na lang siya.
"Alam mo, sooner or later dapat makipag usap ka na rin sakanila"sabi ko.
Medyo kalmado na siya kasi nakayakap siya saken.
"Parang ayoko talaga Ju. Ayoko talaga. Gusto ko man kaso parang di worth it..."
"Ano ka ba, magulang mo yung mga yun, worth it lahat yun!"
"Hindi katulad ng kwento ng buhay ko! Nako, basta ayoko Ju, ayoko."
"Kahit sabi ko? Ayaw mo pa rin?"
Di naman siya nakasagot.
"Kahit makiusap ako sa'yo na kausapin mo sila, ayaw mo pa rin?" Tanong ko.
"Ehhh. Wag naman ganun Ju..."
"Akala ko ba love mo ko?" Sabi ko pa.
"Oo naman... love kita..."
"Oh, edi tara. Kausapin natin sila sa baba"
"Eeeehhhh. Ayoko Ju...."
"Ay di mo ko love. Sige, uuwi na lang ako" sabi ko at pilit akong umaalis sa pagkakayakap niya.
"Hatid mo na ako sa sakayan" sabi ko pa.
"Ehhh,... gabi na...."
"Ayaw mo naman kasi makipag usap ehhh. Paskong Pasko"
"Ayaw ko.,,,"
"Edi di mo ko love. Uuwi na talaga ako" tumayo ako at nag suot uli ng sapatos.
"Oo na sige na! Tara na sa baba!" Sabi pa ni Matteo na mukhang napilitan lang,
Gusto ko lang naman ayusin yung relasyon niya sa parents niya kaya ko to ginagawa.
"Tara na?" Sabi ko.
Pero di siya sumagot. Sumimangot lang.
"Sige, hatid mo na lang ako sa labas kung hindi ka ngingiti diyan" sabi ko.
"Ohh eto na, eto na..." ngumiti siya ng pilit at mas lalo akong nacute-an sakanya,
"Kiss kita diyan eh" sabi ko.
"Ayyy gusto ko yan!"
"Pero bawal. No kissing. Kapag kinausap mo na parents mo" sabi ko pa.
"Ayy ano ba yan. Tara na, kapag nag usap pwede kiss with dila?"
BINABASA MO ANG
Julian's Gift
FantasiHighest Achievement: #4 Fantasy themed Sundan ang magulong mundo ni Julian matapos makatanggap ng isang kakaibang regalo. Warning: this is an M2M Story. Kung di open minded, wag na basahin :)) Cover made by: @mr_bluex