Part 44

13.7K 682 60
                                        




GOAL FOR THE DAY: Alamin ang gift ni JayR.

Masyadong nakakagulat ang mga pangyayari. Imposibleng mabasa ko nasa isip ni JayR tapos may gift siya?

Baka may special gift lang siya.

Pero ano pa rin yun? Kailangan ko pa rin malaman.

Tinawagan ko si JayR at tinanong kung nasaan siya, kaso ang sabi niya nagbabakasyon siya kasama family niya.

Argh. Nakakaasar.

Palapit na yung event at parang mas gusto ko na lang mag focus dun.

Bigla namang may tumawag saken na number lang. Baka si Matteo lang to kaya sinagot ko na rin.

"Julian!" Boses babae yun at medyo familiar.

"Sino to?"

"Si Angelica to"

Pagkasabi pa lang ng pangalan, parang naalala ko na naman kaagad yung ginawa nilang dalawa ni Matteo.

"Julian! Andiyan ka pa?" Sabi niya.

"Ahhh.... oo hehe"

"Halika, alis tayo today. Gusto kita makakwentuhan. Please?" Pakiusap niya.

Parang di ko ata kaya makipagkita kay Angelica ngayon.

"About to kay Matteo." Pahabol pa niya.

Putek naman, bakit kapag may Matteo sa salita, oo kaagad ako,

"Sige pala" sabi ko.

"Sige!! Good good. Uhm, Rob. Faura tayo?" Sabi niya.

"Sige sure, malapit lang hehe"

"Sige see you!" Sabi niya pa.

Ano naman kaya yung pag uusapan nameng dalawa about kay Matteo?

++

Pag dating ko naman sa mall, wala pa si Angelica, kaya naglakad lakad muna ako.

Sakto naman habang naglalakad, napansin ko yung isang lalaki na makakasalubong ko.

Talaga bang ganito kaliit ang mundo para sa aming may mga gift? Iba iba nakikita ko araw araw.

Si Spencer yun!

Mukhang nagmumuni muni lang siya rito.

Gusto ko sana magtago kaso napansin na niya ako.

"Hi Julian" tawag niya saken.

"Hi!"

"Ibang iba aura mo simula nung huli tayong nagkita ah? Hehe. Mukhang ready ka na talaga sa event!"

"Hehe grabe, hindi naman, Ikaw nga yun eh" sabi ko.

"We? Parang hindi naman haha, gusto mo try natin? Friendly fight lang hehe"

Nagulat ako sa sinabi niya, pero mukhang seryoso siya.

Ano ba tong ginagawa ni Spencer? Parang gusto na niya akong matalo kaagad.

"Sure ka ba?"

"Oo, friendly fight lang naman eh hehe, game?"sabi niya.

"Next time na lang, sa event mismo hehe"

"Waa. No, sa event kasi baka di tayo magkaharap hehe. And gusto ko lang masubukan yung bago kong technique, kasi wala naman akong ibang kilala ehh" sabi niya pa.

Mukhang di ako tatantanan neto ah?

"Sige na nga. Pero.... saan?" Sabi ko.

"Hmmm. Sa may parking lot, okay lang?"sabi niya.

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon