Part 26

17.7K 728 89
                                    

Hi sa mga UP FANS (katulad ko), DAPAT SILA MANALO SA SABADO KUNG HINDI, WALANG UPDATE SA SABADO AHAHHAHAHA JOKE.

VOTE AND COMMENTS NAMAN GUYS!! #13 na yung Julian's Gift sa Fantasy Themed story. Maraming Maraming Salamat! 👊

VOTE AND COMMENTS PA PARA MAS TUMAAS HIHI.

++++++++++++

"Hoy, okay ka lang ba talaga? Bakit wala ka sa sarili mo Ju?"

Naglalakad na kami ni Matteo papunta sa sakayan, pero naiisip ko pa rin yung panaginip ko tungkol sakanya.

Ramdam na ramdam ko talaga eh, hindi naman yun yung gusto ko.

Oo, di yun yung gusto ko.

Teka, hindi nga ba?

Sht. Hindi, focus. Laurence remember? Binigyan ka na niya ng kwintas, mahal mo siya Julian at dapat wala kang nararamdamang iba kay Matteo.

Tapos na yung feelings mo sakanya. Oo, tapos na. Moved on ka na, may Laurence ka na. Happy happy na.

"Nako ka talaga Ju, minsan ang weird mo!" Sabi pa ni Matteo.

Iniba ko na lang yung topic kaagad para naman di siya magtaka.

"Teka, nasaan na ba yung sasakyan niyo?" Tanong ko sakanya.

"Ah, nasa bahay pa. Pero mukhang di na magagamit yun. Ayoko na, hehe. Naalala mo ba nung ginamit natin yun papuntang Pampanga? Parang ayun na yung last time na ginamit ko yun" kwento niya.

At bigla akong napaisip.

Sht!!!

Pumunta nga kami ng Pampanga noon, sinamahan niya akong pumunta sa Kubo kung saan ko nakuha yung gift ko at syempre, alam ko, NAHAWAKAN NIYA YUNG LIBRO KO NOON.

"Oh. Sht!!" Bigla kong sabi.

"Oyyy bakit!" Nagulat siya.

Tama! Nahawakan ni Matteo yung libro sa Kubo. Siya pa nga unang nakakita nung libro, at siya pa yung nag abot saken nun. Kaya dapat, kung may kapangyarihan siya, mababasa ko na nasa isip niya.

Hinawakan ko tuloy mukha niya na halos mapipi na yun. Tinignan ko siya sa mata ng mabuti at sinubukang basahin nasa isip niya.

Pero wala...

Wala talaga...

"Ju, pucha naman ang weird mo eh!" Halos di siya makasalita dahil hawak ko pisngi niya at halos nakanguso na yung mga labi niya saken.

Naalala ko na naman yung panaginip ko, argh.

Yung labi ni Matteo, sobrang pula.

Kapag mestiso talaga tapos mapula yung labi, sobrang nakaka attract eh.

"Sorry Matty" sabi ko tapos naglakad na kami pareho.

Palaisipan talaga saken kung bakit hindi ko mabasa iniisip ni Matteo, tsaka ni Laurence.

Siguro, wala talaga silang gift katulad ko. Siguro, may purpose silang dalawa.

Oh sht, baka kapatid ko sila?!

Ay teka teka, masyado naman atang OA yun.

O kaya, galing sila sa future tapos binabantayan nila ako?!

Ay teka, mas lalong OA naman yun. Imposible.

O kaya naman baka silang dalawa yung magkakatuluyan tapos ginamit lang nila akong tulay sa pag mamahalan nila!!

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon