Part 16

17.9K 747 150
                                    

Medyo awkward yung nangyari kanina sa labas ng room, buti na lang tapos na.

Magkasama na kami ni Matteo sa room, di naman ako makatingin sa kanya ng maayos kaya nagsulat na lang ako habang nag lelecture.

"Ju, antok na antok ako. Ano ba to, kausapin mo nga ako" bulong ni Matteo saken.

"Shhhh, makinig ka"

"Suplado mo naman"

"Makinig ka nga!"

"Oh bakit ka nagagalit diyan?"bulong pa rin niya.

"Di ako nagagalit, nakikinig kasi ako eh."

"Sus, kung di lang kayo ni Laurence, feeling ko nagseselos ka diyan" pang aasar ni Matteo.

"Nagseselos ka diyan, para malaman mo, masaya ako kay Laurence, sobrang saya ko. Kaya wag kang mag feeling diyan!"

Buti na lang natahimik siya.

"Okay" sabi niya na lang.

Di na niya ako kinulit uli.

Maya maya, kinausap ko siya kasi feeling ko naoffend ko siya.

"Matty, magsulat ka nga" sabi ko.

"Sus, tapos kakausapin mo ko ngayon, ewan ko sayo. Nagbago ka na, nagka boyfriend ka lang"

"Anong sinasabi mo diyan?"

Mukhang narinig ni maam na nag uusap kami ni Matteo.

"Acosta, Valdez! Gusto niyo kayo na lang dito?" Sigaw samen ni Sir.

"Sorry sir" sabi ko.

Natahimik na lang kami ni Matteo sa upuan.

++

Minsan iniisip ko kung paano di ako nakatanggap ng regalo. Kung paano, di ko kaya magbasa ng isip ng tao. Ano kaya mangyayari saken?

Parang simula nung binigay saken tong regalo na to, wala na akong ibang maisip kundi mabasa ang iniisip ng mga taong di ko nababasa ang isip.

Si Laurence.

Si Matteo.

Ang iniisip ko palagi, ano ba ang papel ni Matteo sa buhay ko, kung si Laurence makakatuluyan ko, eh bakit si Matteo di ko mabasa iniisip niya?

Long lost brother ko ba?

Oh baka may powers din siya?

O kaya nagkaroon na kaso nawala rin?

Di tuloy ako makapag focus dito sa exam namen. Departmental exam pa naman namen ngayon.

Tinignan ko si Matteo sa upuan niya, nakatingin ang siya sa test paper niya at nagsasagot.

Nakita naman niya akong nkatingin sakanya tapos ngumiti siya.

Sino ka ba sa buhay ko Matteo Acosta?! Nakkainis. Di talaga ako makapag focus sa exam ko.

+

"Bakit nakatulala ka kanina Ju? Wala ka bang masagot?" Tanong ni Matteo saken pag labas namen ng room.

"Ha? Wala, may naiisip lang ako" sabi ko.

"Parang malalim nga eh, okay ka lang ba? Nag aaway ba kayo ni Laurence?"

"Hala hindi ah! Saan naman nanggaling yan?"

"Aba malay ko, di ka naman nagkekwento saken eh. Mukhang iniiwasan mo nga ako eh"

Pero di totoo yun! Siya yung umiiwas saken!

"Ang galing mo talaga mambliktad hano?"

"Haha, ako ba umiiwas?" Tanong niya.

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon