Sisihin niyo si JULIAN. Huwag ako, mahina siya!! Inuna kasi Landi! Hahahajk.
HI SA MGA READERS KONG POGI AT MAGANDA! 😙
Since sobrang affected kayo at galit na galit, ibig sabihin effective writer ako and I'll take that as a compliment. WAHAHAHAVOTE AND COMMENTS!!!
++++++++
Habang naglalakad kaming lima, ako, si Blue, Matteo, Lucas at Pauline, di ko pa rin maiwasang maisip kung ano yung nangyari kanina.
Nag eecho pa rin sa isip ko yung sigaw ni Lucas na pagalawin ko yung puno pero di ko magawa.
Iniisip ko kung bakit nagawa ni TB noon na maging top sa batch nila kung parehas lang kami ng gift.
Bakit hindi niya kasi sinabi saken lahat ng sikreto about sa gift kong to?
Ang hina ko talaga. Ang hina hina ko.
"Uyyy...." biglang kausap saken ni Blue.
"Ay... oh?"
"Wala naman. Kanina ka pa kasi nakatulala diyan eh" sabi niya pa.
"Naisip ko lang kasi lahat ng nangyari kanina. Grabe ang lakas mo"
"Hehe, sorry pala kung di ko nasabi sa'yo na kaya kong gawin to ha?ang totoo kasi yung gift ko eh mag multiply ng sarili"
"Okay lang, ano ka ba. Wala naman akong magagawa, strategy mo yun eh" sagot ko.
"Don't worry, kakampi mo talaga ako haha. Ang lakas mo kaya!"
Parang ang laki ng tiwala saken ni Blue, na palagi niyang sinasabi na malakas ako.
"Nakita mo ba kanina? Wala akong nagawa. Kung wala kayo dun siguradong kanina pa ako natalo, malakas sila, ako hindi...."
"Marami ka lang sigurong iniisip kaya di ka nakapag focus. Syempre ang gift mo, required yung matinding focus at kapag nagawa mo yun, maniwala ka, susuko na lahat para sa'yo!"
Yung mga salita ni Blue na ang lakas mag motivate. Nakakatuwa na kakampi ko siya.
"Opps opps opps, ano yan? Bakit kayo magkasamang dalawa imbis na kami??" Singit ni Matteo samen ni Blue.
"Ayy, sorry po boss" sagot ni Blue.
"Nagkekwentuhan pa kami!" Sabi ko.
"Nako, saken ka makipagkwentuhan dali, ano yung sasabihin mo sakanya?"
Natatawa lang si Blue samen.
Si Lucas naman nakayuko lang at mukhang malungkot talaga sa nangyayari.
"Naaawa ako kay Lucas." Sabi ko kay Matteo.
"Kahit galit ako sakanya nung una Ju, naaawa rin ako sakanya."
"Di ko pa rin kasi maintindihan kung ano yung ginawa ni Gab kay Laurence? At bakit konektado ako?" Tanong ko.
Mukhang narinig ni Lucas yung kwentuhan namen kaya sumingit siya.
"Kinontrol ni Gab si Laurence para mainlove sa'yo."
Napahinto ako sa sinabi ni Lucas.
"Lahat ng pinakita sa'yo ni Laurence, hindi totoo. Simula pa lang, hindi ikaw yung nakikita niya sa paningin niya."
Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko.

BINABASA MO ANG
Julian's Gift
FantasyHighest Achievement: #4 Fantasy themed Sundan ang magulong mundo ni Julian matapos makatanggap ng isang kakaibang regalo. Warning: this is an M2M Story. Kung di open minded, wag na basahin :)) Cover made by: @mr_bluex