Part 18

18.5K 702 55
                                    

Ang lakas ng day dreaming ko. Naiisip ko kung naging level 25 na ako, ano kaya mangyayari?

Ang sarap siguro mamaximize yung ganung kapangyarihan.

Malalaman ko ng isipin lahat ng tao, malaaman ko nararamdaman nila, at malalaman ko lahat ng gusto kong malaman about sakanila.

Gusto ko rin kasi malaman tong iniisip ni Laurence.

Tinignan ko siya habang nagmamaneho, nakangiti lang siya habang nagmumuni muni.

Ang gwapo naman kasi talaga ni Laurence.

Ang tangos ng ilong oh, tapos yung smile niya na lumalabas yung ganda ng ngipin niya.

Yung mata niya na mapungay.

At lalo na yung matabang pisngi niya. Ang taba pero ang ganda ng katawan niya, kasi nag gygym siya.

Ang laki ng braso.

Grabe, mas naaappreciate ko ngayon boyfriend ko. Feeling ko ang swerte swerte ko sakanya.

"Why are you looking at me like that my babe?" Bigla niyang sabi.

Shocks, nakakahiya, di ko namalayan nakatingin na pala ako sakanya.

"Ah, wala...."

"Nako naman, umamin ka na babe, tinitignan mo ko, kasi nagagwapuhan ka sa boyfriend mo, dali na sabihin mo."

"Wag ka makulit diyan, mag drive ka lang diyan"

"Haha, nakooo, nakakagigil ka babe hehe"

"Mag drive sabi!"

Nakatingin kasi siya saken. Pero deep inside kinikilig ako.

"Ang tahimik mo nga diyan babe eh, ano ba iniisip mo?" Tanong niya saken.

Kung pwede ko lang sabihin sakanya about sa kapangyarihan ko, sinabi ko na.

"Wala babe, iniisip ko lang tong bakasyon natin together. Hehe"

"Wag ka mag alala loves, pasisiyahin kita ngayong bakasyon. Pangako yan"

Di naman kasi talaga matatago yung ka sweetan ni Laurence. Ibang iba talaga.

++++

Nakarating na kami ng Zambales.

Alas kwatro pa lang ng hapon kaya maliwanag pa lahat.

Puro buhangin nakikita ko, pero ng stand out talaga ay yung napakagandang bahay na nag iisang nakatayo.

"Woah. Woah, sainyo yan?" Tanong ko kay Laurence.

"Hehe, yes babe"

"Wow babe! Sobrang ganda!"

Grabe talaga sa ganda. Ang OA.

Or dahil kasi ayun lang yung bahay dun tapos puro buhangin nasa paligid.

Hininto niya yung sasakyan sa tapat ng bahay at lumabas kaming dalawa.

Wow talaga. May pool pa sa tapat ng bahay nila.

"Sinong tao diyan?" Tanong ko.

"Tayong dalawa lang!" Sabi niya.

Inakbayan niya na ako at pumasok kami sa loob.

Ang ganda rin ng loob nila! Wala masyadong gamit kaya nakikita mo yung ganda ng bahay.

"Grabe, ang ganda talaga" paulit ulit sinasabi ko kasi ang ganda talaga.

"Hehe, dito lang tayo for as long as you want"

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon