Umalis na si Greco sa McDo pero naiwan ako para hintayin si Laurence na di pa naglulunch.
Pagdating niya sa McDo, ang ganda ganda ng ngiti niya pagkakita ko sakanya. Naka school uniform pa rin siya pero ang hot niya tignan, lalo na yung mga mata niyang ngumingiti kapag ngumingiti siya.
"Sorry, dumaan pa ko sa faculty eh, nasaan na yung kasama mo?" Tanong niya saken.
Tumabi siya saken at umupo sa bandang kanan ko.
"Umalis na eh. May dadaanan pa daw" sabi ko.
"Ahhh, kumain ka na ba?"
"Oo eh, sige kain ka lang, samahan kita"
"Promise? Di mo ko iiwan?" Tanong niya.
Iba yung tono ng boses niya nung tinanong niya yun, parang may hugot.
Tinignan ko siya, tapos nakatingin siya saken na nakangiti. Putek, ang lakas talaga magpa cute netong si Laurence. Effective na effective.
"Oo nga, dito lang ako di kita iiwan" sabi ko.
Ngumiti naman siya na parang natuwa sa sinabi ko.
"Hehe, Ganyan nga. Order lang ako ah," sabi niya.
Tumayo siya tapos umorder ng kakainin.
Maya maya, nasanggi ng mop ng naglilinis na crew yung shoes ko na kinagulat ko.
Akala ko magsosorry si Kuya kaso nakatingin lang siya saken na nakangiti, di ko pa alam kung ano iniisip niya.
"Pwede bang makiupo?" Sabi niya lang.
Since di ko mabasa iniisip niya, alam kong isa siya sa may kinalaman sa nangyayari at mangyayari saken kaya pumayag na lang ako.
"Sige" sabi ko.
Di naman siya mukhang matanda, siguro nasa early 30's lang. First time ko rin siya makita rito sa McDo.
Basta nakasuot siya ng uniform ng McDo, medyo maliit, moreno at mukhang mabait naman.
"Kumusta ka naman?" Tanong niya saken.
"Ah, magkakilala po ba tayo?" Tanong ko.
"Oo, kasi ako nagbigay ng regalo mo" sabi niya sa isip ko.
Sht! Si Lolo to!
"Ay bakit po ganyan itsura niyo?!" Nagulat kong tanong.
"Hehe, nakakasawa kasi maging matanda eh, kaya ganito naman ako" sabi niya.
"Hala, kaya niyo pong magbago bago ng itsura?"
"Hehe, aba oo naman. Nako, hindi mo pa nga ako kilala"
"Eh hindi naman po kayo nagpapakilala, tapos kapag hinahanap ko kayo bigla kayong nawawala"
"Sorry, ganun talaga. Dapat pa mysterious tayo" sabi niya.
Tawa na lang nasagot ko sa sinabi niya.
"Eh bakit po kayo nagpakita saken?" Tanong ko.
"Aba syempre kinakamusta lang kita"
"Hehe. Hmmm. Okay naman po ako, nasasanay na ako na nakakabasa ako ng isip" sabi ko.
"Good good. Mabuting nag eenjoy ka!"
"Ay bakit po? Meron po ba kayong nabigyan ng regalo na di nila kinatuwa?" Tanong ko pa.
"Marami. Sobrang dami. Akala nila sumpa yung regalo ko sakanila" kwento niya.
Medyo naintriga naman ako sa sinabi niya kaya kinulit ko pa siya.

BINABASA MO ANG
Julian's Gift
FantasyHighest Achievement: #4 Fantasy themed Sundan ang magulong mundo ni Julian matapos makatanggap ng isang kakaibang regalo. Warning: this is an M2M Story. Kung di open minded, wag na basahin :)) Cover made by: @mr_bluex