Nakakatuwa at marami kami ngayon dito.
Nandito si mama at papa.
Si Maddie at Matteo.
At syempre kaming dalawa ni Laurence.
Nag insist na si mama na siya na magluluto, samantalang si papa naman busy sa labas at nag sswimming sa pool.
Lumapit ako kay papa.
"Ano ba yan pa, busy ka na kaagad sa paglangoy!" Sabi ko sakanya.
"Aba, anak, minsan lang tayo makapag bakasyon ng ganito ano, susulitin ko na" sabi pa ni papa.
Nakakatawa talaga magsalita si papa, parang tropa tropa lang kami.
"Kailan pala kayo tinawagan ni Laurence pa?" Tanong ko.
"Kahapon lang, nung nandun pa lang siya sa bahay tinanong na niya kami kung gusto niya kami kasama pero umayaw kami. Nakakahiya kasi date niyong dalawa, eh pinilit niya kaming sumama ngayon, kaya pumayag na kami"
"Eh sinong tao sa bahay?"
"Edi wala! Haha. Nako anak, mag enjoy ka na nga lang. 2 days lang kami ng mama mo dito, may pasok pa kami kaya di kami pwede magtagal"
"Ay oo nga pala. Nako, pa sige mag enjoy ka lang diyan,"sabi ko.
Pagpasok ko sa loob, lumapit saken si Laurence.
"Babe, wag mo ng pagasikasuhin mama mo, tinawagan ko na yung mga caretaker ng bahay, sabi ko pumunta na sila rito para asikasuhin tayo" sabi niya.
Alam ko kasi na ayaw niyang may ibang tao rito.
"Bakit mo pa tinawagan? Akala mo gusto mo tayo tayo lang?"
"Eh ayoko naman gawing tagaluto mama mo dito, nagbabakasyon sila dapat wala silang gagawin kundi magsaya"
Shet. Ang lakas maka pogi points ni Laurence, nakakainis, sobrang sweet lalo na kina mama at papa.
"Halika nga babe!" Niyakap ko siya ng mahigpit at binuhat naman niya ako.
"Thank you babe" bulong ko sakanya.
"Para sayo babe, hehe." Bulong niya rin.
Binaba niya na ako at sinabihan si mama na samahan si papa na mag swimming sa labas.
+++++
"Ano naiisip mo ngayon babe?" Tanong saken ni Laurence.
Umakyat kasi ako sa kwarto para magbihis, pero nung napahiga ako, nasarapan na ako.
"Wala babe, ang aga ko lang siguro nagising" sabi ko.
Umupo siya sa kama at pinaglalaruan yung tyan ko.
"Masaya lang talaga ako na nandito rin sila mama. Hehe" sabi ko.
"Basta masaya ka babe, ayun lang mahalaga saken" sabi niya.
Nakakatuwa talaga si Laurence. Sobrang naiinlove ako sakanya kapag ganito siya.
Pinasok niya yung dalawang kamay niya sa loob ng damit ko at pumatong siya saken para yakapin ako.
"Uhmmmm. Dito muna tayo babe," bulong niya saken.
"Baba na tayo babe...."
"Eeehhhhh, dito na muna." Niyakap niya pa ako ng mahigpit.
Nagharutan muna kaming dalawa bago kami bumaba.
+++++
Pag dating ng hapon.

BINABASA MO ANG
Julian's Gift
FantasyHighest Achievement: #4 Fantasy themed Sundan ang magulong mundo ni Julian matapos makatanggap ng isang kakaibang regalo. Warning: this is an M2M Story. Kung di open minded, wag na basahin :)) Cover made by: @mr_bluex