BOOK 2: 1/5

2.3K 79 26
                                        

"Matteo Acosta! Saan mo ba ako dadalhin?!"

Alam ko namang nasa bahay nila kami. Alam ko 'yung amoy ng bahay nila. Nakatakip 'yung kamay niya sa mga mata ko habang papasok.

Pagkatanggal niya ng kamay niya, wala pa rin akong nakita kasi,

plot twist: naka blindfold rin ako.

Parang sira lang talaga 'tong si Matteo. Pero nang tanggalin niya 'yung blindfold, nakita ko si Mama at Papa, pati na rin si TB. Tatlo lang sila nakatayo doon. Nakangiti sa'kin tapos umiiyak si Mama.

Lumingon ako kay Matteo tapos nakaluhod siya. May hawak na singsing. Nakatingin sa'kin. Umiiyak.

"Ju. Happy 5th Anniversary. Ikaw lang talaga gusto ko makasama habang buhay. Will you marry me?"

Baklang bakla ko sa pag-iyak ko pero umoo rin ako. Tumayo siya at hinalikan niya ako.

I wish nababasa ko pa rin nasa isip niya.

"I love you, Ju" sabi niya.

"I love you more."

+++

Ofcourse keme keme lang 'yung kasal. I mean, hindi naman legal dito pero 'yung idea lang na may ceremony sa pagmamahalan namin, ayun lang habol namin.

Sa surprise ko, bumili pala si Matteo ng bahay. Palagi kaming nag aaway kasi feel ko may babae siyang iba. Tinitipid tipid niya kasi ako sa date namin lol pero sabi niya kasi nag iipon siya dahil bibili siyang sasakyan.

Pero eto, nasa harap ko na. Sariling bahay namin. Wala pa nga lang mga design, wala ring gamit pero sa aming dalawa.

Sa isang bagong tayong subdivision kami lumipat so wala pa rin kaming masyadong kapitbahay, marami pa ngang bakanteng lote eh.

Nagtatrabaho kami ni Matteo. Magkahiwalay syempre para hindi naman palagi kami magkasama.

Ayaw pa niyang magtrabaho ako pero marami pang aayusin sa bahay kaya napapayag ko siya.

Isang taon na pag tatrabaho, medyo gumanda na rin bahay namin. Ginamit ko kasi 'yung sa ipon ko, ngayon, decorated na siya. Naka tiles na, may pintura na, may gamit na at higit sa lahat, nakabili na kami ng kamang malaki.

Gusto raw niya ng malaking kama kasi gagamitin daw namin lahat ng sulok ng kama kapag... alam mo na 😉

The thing I really love about Matteo, hindi siya nagsasawa sa'kin. Palaging may bago, palaging may gagawin. Walang dull moment. Nahahanapan niya ng paraan para hindi boring pagsasama namin.

Ofcourse, nag aaway din kami palagi. 6 years ng kami, hindi pa kasali nung panahong "bestfriend" pa kami, so matagal na kaming magkasama, kaya normal na away namin.

Nagseselos ako sa mga babae na naka tag sa facebook niya. Minsan nga iuunfriend ko na lang tapos kapag nalaman niya, magagalit siya.

Ganon din siya sa mga lalaki kong katrabaho, siya nga ichachat niya pa. Magsesend siya ng picture niyang hubo't hubad siya tapos ang nakalagay "subukan mo lang pre!"

Ofcourse magagalit din ako pero kinikilig din ako. Imagine, ang tagal na namin pero kung paano niya ako mahalin nung unang araw, parehas na parehas pa rin hanggang ngayon.

Okay na kami sa lahat. Sa bahay, pag magkasama kami, sila Mama minsan dumadalaw, okay na talaga maliban sa isa.

Gusto niya ng anak.

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon